Mariel Rodriguez: "I feel that religion should not be a reason for people not to be together."

"Gusto kasi ng Catholic Church na magpa-convert muna siya [Robin], na pilitin ko siya. Meron pang something, like, pag nagkaroon ng anak, dapat maging Catholic din. Para tuloy dun ko na-appreciate lalo yung Islam. Kasi sa Islam, walang pilitan. Saka sila, bine-bless nila ako. Hindi man ako winelcome as Islam... I mean, puwede. Hindi kailangan mag-convert ako ng Islam," says Mariel Rodriguez about the Catholic church’s stand on marriage between a


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang invited press si Mariel Rodriguez sa summer special ng Happy Yipee Yehey! sa Lingayen, Pangasinan noong Biyernes, April 29.

Sinagot lahat ni Mariel ang lahat ng katanungan—mula sa pagiging "stepmom" sa mga anak ni Robin Padilla, ang pagsasama nila ng action star, at ang kontrobersiya sa plano nilang church wedding.

MARIEL AS STEPMOM. Unang napag-usapan ang pagiging madrasta ni Mariel sa mga dalagang anak ni Robin na nandito sa Pilipinas na sina Queenie at Kylie Padilla.

Kuwento ng TV host-actress, "Siyempre nung start, hindi ko rin alam kung paano pakikisama ko sa kanila. Kasi, first time ko ma-experience ang maging stepmom.

"So, meron din akong stepmom. So, dun ko na lang binase kung paano ko sila pakikisamahan.

"Ang maganda nito, may iisa kaming passion in this industry—na makapagpasaya ng ibang tao.

"Nandyan na rin yung vanity. Nandiyan na rin yung sa age, na mas naiintindihan ko sila. Mas maganda kasi yung natural na pakikisama to them.

"If it will happen, mangyayari yun. Ganun ang pananaw ko. I want it na natural talaga yung dating.

"Ayun, textmates kami. Minsan, kung gusto nila to get in touch with Robin, they text me first. Talagang mababait ’yang mga batang ’yan."

Dagdag pa niya, "I remember the movie Madrasta ni Ate Shawie [Sharon Cuneta], Mariel ang pangalan ni Mega doon.

"Sabi ko, parang what a coincidence, di ba? Tapos, di ba, si Claudine [Barretto] dun, parang mean siya, di ba? So, puwedeng mangyari.

"Tapos, may lolo rin sila dun, di ba? Memorize ko yung movie na yun, grabe! Parang istorya ko!" sabay tawa ni Mariel.

"Di ba, parang buhay ko lang? Napi-feel ko how they like me as their madrasta.

"At least, happy kami, kasi very smooth yung relationship ko with them."

Ano naman ang bonding moments nila ng mga anak ni Robin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga, pag binibisita nila yung Daddy Robin nila, nakikipagkuwentuhan ako sa kanila... I think yun na yung bonding moments ko with them.

"Mas nauna ko nakilala si Kylie kesa kay Queenie. Si Queenie kasi, sa India ko na nakilala during the shoot nung Tum, My Pledge of Love.

"Lalo ngayon, may Blusang Itim na si Kylie... Mahilig ’yang mag-makeup si Kyle at magaling siya.

"Sabi ko nga sa kanya, bakit hindi siya mag-makeup artist.

"Pabiro nga sa akin ni Robin, ’Ano ba ’yang advice na mga ibinibigay mo? Pinag-aral ko ’yan sa magagandang school, tapos makeup artist lang? Dapat on-cam at workshop ini-advice mo sa kanila.’"

Speaking of Tum, ano ang sabi ni Robin tungkol sa resulta nito sa takilya?

"Natutuwa kami kasi yung mga nakapanood ng Tum ay na-appreciate yung pelikula.

"Sabi ni Robin, hindi siya titigil sa paggawa ng pelikula. Actually, pinag-uusapan na yung susunod na movie.

"Natutuwa ako na si Robin ay very positive sa lahat ng nangyayari sa amin at sa career namin, which is good naman," sabi ni Mariel

MARIEL AS A WIFE. Kumusta naman ang pagiging housewife niya? Hirap ba siya sa household chores?

"Sobrang saya kaya hindi ko makikita yung hirap," sagot ni Mariel.

"Walang mahirap kung gusto mo, di ba? Saka napapag-aralan naman lahat, e.

"Sa lahat naman kasi ng ginagawa ko, gusto ko yung natututo ako sa lahat ng bagay, e.

Aminado rin si Mariel na "submissive" siya pagdating sa pagiging misis ni Robin.

"Halos lahat ng sabihin ni Robin, sinusunod ko. I want to be a submissive wife to him.

"Tulad ngayon, nung nagpaalam ako sa kanya papunta dito sa Lingayen, sabi ko, alis ako 6 a.m. Sabi niya, 5 a.m. ako umalis kasi para hindi daw kami nagmamadali sa biyahe.

"Kasi, di ba, very particular sa time ’yang si Robin? Ayaw na ayaw niya nale-late.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ’Ano, nagmamadali kayo sa biyahe, delikado sa biyahe.

"Ang ending, 6:30 [a.m.] ako nakaalis!"

Inamin din ni Mariel na umiyak siya papunta sa Lingayen dahil first time daw nilang maghihiwalay ni Robin nang matagal.

"Kaya big deal talaga sa akin ’tong pagpunta ko ng [Lingayen], e," sabi niya.

"Naka-shades nga ako kanina, namamaga mata ko kaiiyak.

"OA na kung OA, okay lang. Pero big deal talaga akin ’tong paghihiwalay namin ni Robin nang matagal.

"Ang init nga ng ulo ko kanina pagdating dito, kasi walang signal. Kasi, hindi ko siya makontak.

"Gusto ko lang sabihin sa kanya na nandito na kami Dagupan, kaso walang signal."

HOLY WEEK IN MACAU. Kumusta naman ang bonding nila ni Robin sa Macau noong Holy Week?

"Every day nagpa-massage kami ni Robin. Oo, talaga, promise!" bulalas ni Mariel.

"Sobrang pagod kasi ako kaya nagpamasahe kami every day. Kasi after India, ’yang si Robin, dire-diretso na ’yan ng trabaho kaya he deserve yung ganyang relaxation.

"Five days kami dun—five sweet days. So, four days na nagpamasahe kami.

"Saka ang maganda pa nito, nung nagpamasahe kami, the next day, 50 percent off na. So, sinulit namin yung discount, di ba?"

Medyo naiyak naman si Mariel nang tanungin namin kung happiest moment niya ba na nagkasama sila ni Robin.

"Sobra akong happy! Wala na akong mahihiling pa.

"Lagi kong sinasabi sa kanya na...sobra akong nagpapasalamat sa kanya.

"Naiiyak ako! Lagi akong nagpapasalamat kasi ’andiyan siya lagi for me.

"Ano ba ito, alas-dos ng hapon, umiiyak ako!" medyo natatawa niyang sabi habang pinipigilan ang tulo ng kanyang luha.

May plano na ba silang magkaroon ng baby?

"Hindi pa talaga," sagot ni Mariel.

"Ini-enjoy pa namin na kami munang dalawa. Hindi pa rin naman kami ready.

"Lagi niyang sinasabi kasi na pag nagkaroon na kami ng baby, second na lang siya sa buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHURCH WEDDING. Naging malaking kontrobersiya ang plano nilang pagpapakasal sa simbahang Katoliko.

Hindi sila pinayagan na maikasal sa simbahan dahil sa pagiging Muslim ni Robin. Hindi kasi pabor ang simbahang Katoliko sa posibilidad na mag-asawa muli ang action star bukod kay Mariel, dahil pinapayagan ito sa Islam.

Sinabi ni Mariel na "on hold" muna ang plano nilang pagpapakasal sa simbahan dahil nga magkaiba sila ng relihiyon ni Robin.

"Medyo nalungkot ako nung nalaman kong ganun, kasi gusto ko yun, e, faith ko yun, paniniwala ko yun, e. Tapos biglang ipinagkaila nila sa akin, di ba.

"Si Robin, kung puwede lang talaga, ibibigay niya lahat ng gusto ko, pati na yun, e.

"Kaya lang, paano niya ibibigay, di ba? Siyempre, may mga batas na dapat sundin.

"Gusto kasi ng Catholic church na magpa-convert muna siya [Robin], na pilitin ko siya.

"Meron pang something, like, pag nagkaroon ng anak, dapat maging Catholic din.

"Para tuloy dun ko na-appreciate lalo yung Islam. Kasi sa Islam, walang pilitan.

"Saka sila, bine-bless nila ako. Hindi man ako winelcome as Islam... I mean, puwede. Hindi kailangan mag-convert ako ng Islam.

"I feel that religion should not be a reason for people not to be together.

"Tayo, ginawa natin yung religion. Pero ginawa tayo ng Diyos para magmahalan, di ba?

"Hindi ko na lang iniisip ’yang church wedding na ’yan para hindi na ako maapektuhan ng issue na ’yan.

"So, hold muna."

Naisip niya bang magpa-convert na lang sa Islam dahil sa pangyayaring ito?

"Actually, honestly, yes, I did. Naisip ko ’yan," sabi ni Mariel.

"Pero parang ang pangit naman nun...hindi pangit ang Islam, ha! I mean, ang pangit naman nung parang nagkaroon ka lang ng problema sa religion mo, e, tatalikuran mo at magbabago ka ng relihiyon.

"Pero si Robin, hindi alam na naisip ko yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero naisip ko talaga yun. Magiging hypocrite ako pag sinabi ko sa inyo na hindi ko naisip yun."

Ano ang sabi ng lolo at lola niya tungkol sa plano nilang church wedding?

"Alam mo, ang sweet ng lolo ko, nag-text sa akin. Sabi niya, ’Don’t worry about your Catholic wedding. What is important is you are happy.’

"Out of nowhere, never akong nag-text sa kanila ha, bigla silang nag-text. Siguro na-feel nilang naapektuhan ako.

"Alam mo, talagang napaka-sweet ng lolo ko. Alam mo bang sobrang mahal nila si Robin?

"Everytime na pinapupunta ko sa BF [Homes] yung sasakyan ko, pagbalik nun, may mga steak na. Kasi alam nila na favorite ni Robin yun.

"Eto namang si Robin, lagi niyang kinakain ’tong steak na pinadadala ng lolo ko!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN