MTRCB suspends Willing Willie for one month; Willie Revillame’s show may return May 9

"We can already start airing May 9, but we’re still discussing internally while rehearsals are ongoing daily, if May 9 is already a go," says Willing Willie business unit head Jay Montelibano about the suspension order of MTRCB against the show. Willing Willie is hosted by Willie Revillame (in photo).


Isang buwang suspension ang ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa game-variety show ng TV5 na Willing Willie kaugnay ng kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan.

Matatandaan na naging mainit na balita ito nitong mga nakaraang buwan dahil sa kontrobersyal na March 12 episode ng Willing Willie.

Sa naturang episode, isang six-year-old na batang lalaki ang ilang ulit na pinasayaw ng "macho dance routine" ng TV host na si Willie Revillame sa segment na "Wil Time Big Time." (CLICK HERE to read related article.)

Sa desisyong ipinalabas at inilathala ng MTRCB sa website nito ngayong araw, May 3, ito ang napagkasunduan ng mga board members:

"1. For violation of Section 3 © of PD 1986, the penalty of SUSPENSION for ONE (1) MONTH is hereby imposed on the program Willing Willie, and crediting the period of its voluntary suspension.

"2. The show is placed on Probation, or on a per-episode permit basis."

Base sa desisyong ito, makakabalik na ang show sa darating na Lunes, Mayo 9—dalawang araw matapos ang napabalitang pagbabalik ng programa.

Kasama na sa bilang ang mga araw na nawala ang programa sa ere, kaya halos isang linggo na lang ang nalalabi sa suspension nito.

Matatandaan na noong Abril 18, inihayag ni Willie na hindi muna ipalalabas ang kanilang programa sa loob ng dalawang linggo. (CLICK HERE to read related article.)

Nakatakda sanang bumalik ang Willing Willie noong nakaraang linggo.

Ngunit hindi pa rin umere ang programa dahil, ayon sa business unit head ng programa na si Jay Montelibano, hinihintay pa ng kanilang grupo ang advice ng TV5 pagkatapos makipag-usap ng network executives sa MTRCB. (CLICK HERE to read related article.)

Nang tanungin ng PEP si Montelibano ngayong hapon kung makababalik na ang programa sa Lunes, May 9, ito ang naging sagot niya sa aming text message:

"We can already start airing May 9 but we’re still discussing internally, while rehearsals are ongoing daily, if May 9 is already a go."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan din naming linawin kung sa "per-episode permit" na desisyon ng MTRCB ay kailangang i-review muna ng ahensiya ang kanilang episode bago maipalabas.

Ayon kay Montelibano, maaring hindi ito maging applicable sa kanilang show dahil "live" na umeere ang Willing Willie.

Nakatakdang maglabas ang TV5 network ng opisyal na statement ukol dito ngayon araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN