Kim Chiu on relationships: "Ayaw ko muna ng mga lovelife."

Kapamilya young actress Kim Chiu had dinner with Gerald Anderson while they were in the U.S. for Star Magic’s series of shows


Noong Abril 19, nagdiwang ng kanyang kaarawan sa U.S. ang Kapamilya young actress na si Kim Chiu kasama ang iba pang Star Magic talents.

Isa si Kim sa mga sikat na Star Magic artists na nagpunta sa U.S. para sa series of shows doon nitong Abril. Kasama rito sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Sam Milby, KC Concepcion at iba pang talents. Kasama rin sa tour sina Mr. M (Johnny Manahan) at Ms. Mariole Alberto, ang mga namamahala sa Star Magic.

Kasabay ng pagdiriwang ni Kim ng kanyang birthday ay naging maugong ang balita na nagkabalikan na sila ng kanyang on-and-off cam romance na si Gerald Anderson.

Nasabi ni Kim sa PEP.ph sa kanyang birthday presscon kanina, May 3, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN complex, na hindi ito totoo.

Maski raw siya ay nagulat sa kumalat na balita.

"Nung pag-uwi ko dito nagulat na lang ako kasi, parang, bakit may ganun agad?"

Dinner with Gerald. Noong nasa U.S. sila, totoong nagkaroon ng pagkakataong lumabas at magkasama sa pamamasyal sila Kim at Gerald.

Ngunit hindi raw planado ang pagkikita nilang iyon ni Gerald.

"Nagkita lang kami, parang, ’Uy, ’lika dinner tayo.’"

Dagdag pa niya, pareho daw silang masaya dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na magkakwentuhan muli.

Hindi raw kasi magkapareho ang kanilang schedule dito sa Maynila kaya wala silang pagkakataong magkita.

"Nung nasa States kami, yun lang yung time na nagsama kami...

"Nagkita kami, kasi dito sa Manila sobrang madalang lang, hindi kami nagkikita. So yun, madami kaming napagkuwentuhan, napag-usapan."

Naikuwento ni Kim na matapos ang paghihiwalay nila ni Gerald, parang nagkailangan silang dalawa.

Kaya naman masaya sila na ang pagsasama nila sa New York ay naging paraan para mabalik sa dati ang kanilang pagkakaibigan.

"Okay naman kami dati pa, pero parang nagkakailangan, nagkakahiyaan...

"Yung dinner namin na yun, parang okay na kami. Parang after ng pag-uusap namin, parang ’Okay, back to normal na tayo, magkaibigan ulit.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang tanungin si Kim kung may pag-asa pang magkabalikan sila, ang sagot ng dalaga ay, "Tingin ko wala."

Dagdag niya, pareho na raw silang masaya ni Gerald sa kani-kanilang career. Bukod pa run, sinabi niyang marami pa siyang gustong matuklasan tungkol sa kanyang sarili.

"Okay na kami, e. Okay na ako, parang masaya na ’ko sa buhay ko.

"’Tsaka mas marami akong nakikita para sa sarili ko, na wala akong ibang kasama, na ako lang."

On New Relationship. Ngayon malinaw na nga ang pagtatapos ng kanilang relasyon ni Gerald, madami ang kaagad na nagpahayag ng paghanga nila sa young actress.

Ilan sa mga ito ay si Simon Atkins at si Jolo Revilla. Pero ganun pa man, hindi pa daw handa si Kim sa isang bagong relasyon.

"Ayaw ko muna ng mga lovelife," pahayag ng dalaga.

Dagdag pa niya, maaaring next year na siya uli magkaroon ng relasyon, ngunit hindi naman daw ito dahil sa mapili na siya.

"Siguro mga next year na ko magjo-jowa," sagot ni Kim.

Paliwanag pa niya, "Masaya naman ako na ako lang mag-isa, ’tsaka marami naman akong nakikilalang tao, and ayaw ko muna manatili sa isang bagay o isang tao.

"Gusto ko mag-explore muna on my own."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN