Kim Chiu talks about her three leading men in Binondo Girl and her pictorial with Beverly Hills 90210 star Matt Lanter

Kim Chiu will have three leading men in her upcoming primetime series on ABS-CBN, Binondo Girl—Jolo Revilla, Matteo Guidicelli, and Xian Lim.


Tatlo ang leading men ni Kim Chiu sa bago niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Binondo Girl—sina Jolo Revilla, Matteo Guidicelli, at Xian Lim.

Sa tatlo, balitang si Jolo ang may "big crush" sa kanya. Ano ang masasabi ni Kim dito?

"Big crush talaga? Parang nakakatakot!" natatawang sabi ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi ko pa siya nakikita ulit. Sa Friday pa [May 6].

"Si Jolo, ayun, forever gentleman.

"Ewan ko sa kanya kung ano ang gusto niya!" tawa niyang muli.

Okey lang bang ligawan siya ng lalaking may anak na?

"Siyempre hindi," mabilis niyang sagot.

Si Jolo ay may anak na lalaki sa dati niyang girlfriend na si Grace Adriano, anak ng dating sexy star na si Rosanna Roces.

Paano kung binatang ama pala ang kapalaran niya, may halong birong pagtatanong ng PEP sa dalagang ginawang cover ng YES! Magazine sa huling "100 Most Beautiful" edition nito.

"Kayo talaga! Hindi ko alam. Nakakatakot naman na kapalaran!" natatawang tugon niya.

Ano naman ang masasabi niya kay Xian?

"Si Xian kasi nakasama ko na rin siya sa My Only Hope," banggit ni Kim sa dati nilang teleserye.

"Minsan nakakasama ko siyang lumabas-labas, mag-bowling, kasama sina Maja [Salvador].

"Okey naman siya, nakakatawa. Hindi halata sa hitsura niya na kenkoy din siya.

"Hindi siya marunong mag-Chinese. Chinese lang daw apelyido niya at saka mata niya, sabi niya!" tawa ng dalaga.

E, si Matteo?

"Si Matteo naman, okey naman siya," sabi ni Kim.

"Nagbi-Bisaya kami pag nag-uusap. Pareho kaming Bisaya, e! Parehong taga-Cebu."


BINONDO GIRL. Tanong ng PEP, ano na ang update sa Binondo Girl?

"Ayun, nag-look test na kami. Nag-script reading na rin kami.

"Ayun, maraming nangyari na. Meron ulit kaming conference sa Friday," banggit niya.

Tungkol saan ba ang Binondo Girl?

’’Yung Binondo Girl, parang Chinese family, tapos mahirap lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron akong gagawin dito na hindi ko pa nagagawa sa lahat ng teleserye ko.

"Hindi ko pa puwedeng sabihin kaya ganito ang katawan ko. Basta kailangang lumaki...

"Para siyang Mulan."

Marami ang nakapansin na nagkalaman ngayon si Kim, na dati ay sumobra na ang pagkapayat.

Paliwanag ng young actress, "Kailangan sa serye, e. Kailangang magka-muscle din.

"Nagwo-work na rin ang pagdyi-gym ko. Konti pa. Kailangang 115 lbs hanggang 120 lbs.

"Pero from 96, 108 lbs na ako ngayon! Congratulations to me!" proud na sabi ni Kim.

Sa ASAP Rocks noong Linggo, May 1, marami tuloy ang nagulat sa kaseksihan niya sa isang production number.

"Kasi 21 na raw ako!" tawa niyang muli.

"Tinanong ko nga, ’Eto na ba ang isusuot ko? Sure na ba kayo?’

"Pang-prod ko lang naman yun, para maiba naman. Kasi yung production number ko sa ASAP, puro pa-sweet, ganoon.

"Yun naman, sexy ng konti."

PICTORIAL WITH A HOLLYWOOD STAR. Habang nasa U.S. si Kim ay nag-pictorial din siya para sa isang magazine na lalabas daw next month.

Kasama niya rito ang young Hollywood actor na si Matt Lanter ng Beverly Hills 90210.

"Parang Hollywood ang concept, nandun kami sa Hollywood na sign," banggit ni Kim.

"Tapos, ’Filipina actress meets Hollywood star.’ Parang ganoon.

"Okey naman siya. Mabait naman siya at saka parang close na kami nung magkita kami."

Hindi siya nagka-crush kay Matt?

"Hindi, nandoon yung girlfriend niya. Nakabantay!" natatawang sabi ni Kim.

Bukod kay Matt ay nakita rin daw ni Kim sa U.S. ang comedian na si Ben Stiller [Meet The Parents].

"Nagpa-picture kami," sabi niya.

"Binuksan niya yung bintana ng sasakyan niya. Kinatok kasi namin.

"Nagpaka-fan kami nina Angelica [Pangilinan] at saka si Maja.

"Guwapo siya, pero matanda na.

"Nakipag-shake hands naman siya. Nagpakilala lang kami na fan kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN