Ricky Reyes reveals how he copes with rare eye disease

"So, they had a diagnosis of reading-eye epilepsy, na kung saan yung nerve ng socket ng mata mo, nagko-collapse, parang nagso-short circuit. Na parang itong mga socket, may mga nerve going to the brain for you to understand what you’re reading. Yung akin, pag sobrang pagod ng kababasa, nagko-collapse. Nagsa-shut down," says beauty expert Ricky Reyes about his eye condition.


Isang buwan na raw na hindi nakakalabas ng bahay ang itinuturing na institusyon sa hairstyling at makeup industry na si Ricky Reyes.

Ang dahilan, natuklasan ng kanyang mga doktor na meron siyang tinatawag na "reading-eye epilepsy."

Ito ay isang rare eye disease kung saan umiikot ang paningin ng isang tao kapag siya’y nagbabasa.

Sinasabing rare ang naturang sakit dahil diumano’y limampu’t tatlong tao pa lamang sa buong mundo ang may ganitong karamdaman.

IN GOOD HEALTH. Live na nag-guest si Mother Ricky sa Showbiz Central noong Linggo, May 1, upang ibahagi ang pagsubok na kanyang pinagdadaanan dahil sa kanyang karamdaman.

"Huwag kayong mag-worry because I’m very, very... in good health," bungad niya.

Nilinaw ni Mother Ricky ang mga napabalita na siya ay inatake at nasa bingit na ng kamatayan.

"Iyon nga, e. You know, I’m a victim of...headline ka ng mga tabloids: ’Mother Ricky, inatake!’

"Pero hindi naman nila binasa kung ano yung inatake sa loob.

"Yung umaatake sa akin is only a form of allergy, ni wala ngang medisina na katapat ito.

"What is important is I know how to manage myself," saad niya.

Ano nga ba ang sakit niyang "reading-eye epilepsy"?

"I discovered this seven years ago," sabi ni Mother Ricky.

"Seven years ago, I had a seizure. Nagbabasa lang ako ng diaryo, all of a sudden, I felt na parang inaantok ako.

"When I woke up, I was already in the hospital!

"So, tiningnan ako, lahat ng mga neuro, nag-MRI, walang nakita. Lahat, everything is clear on me.

"Coz you know, I have a healthy... I’m practising a healthy living.

"I sleep early, I choose the food I eat, I exercise.

"Talagang kumbaga, ang buhay...maganda ang takbo ng buhay ko.

"So, sabi nila... Di, tinanong kung anong mga ginagawa ko, bakit nagkaganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, they had a diagnosis of reading eye epilepsy, na kung saan yung nerve ng socket ng mata mo, nagko-collapse, parang nagso-short circuit.

"Na parang itong mga socket, may mga nerve going to the brain for you to understand what you’re reading.

"Yung akin, pag sobrang pagod ng kababasa, nagko-collapse. Nagsa-shut down.

"Kumbaga sa kabadingan, nagbibinakla yung mata ko, nagtititirik na ganyan," paglalarawan niya

Ang buong katawan niya ay nagkukumbulsiyon din daw.

"Yes, as in walang malay," sambit ng beauty expert.

"The first, I had seven years ago was four hours. I was out of my sight, nothing at all, wala akong natatandaan. Nagising ako nasa ospital ako.

"So after that, a month and a half ago, I was also reading in my room. Mabuti na lang carpeted yung kuwarto, bumagsak ako sa silya ko.

"Nagising ako, nasa ospital na ulit ako, but only for one hour and a half. I was out of my sight.

"Kasi, basa ako nang basa. Pagka nagbabasa ako, pag sobra na yung basa ko, yung mata ko, medyo dumuduling na ganyan."

So, ano ang kailangan niyang gawin?

"Manage myself," sagot niya.

"So, ang kailangan, pag titingin ka sa isang bagay, hindi mo tatagalan.

"Titingin ka ulit sa iba, titingin ka ulit sa iba. Hindi dapat naka-focus."


RARE EYE DISEASE. Pero ang napili niyang propesyon ay very dependent on eyesight, di ba?

"Yes, that’s right," pagsang-ayon niya.

"Okay naman ako, I’m so happy.

"I’m doing a lot of things, and it doesn’t affect my job because, you know, I’m more on the management system now.

"I don’t do anymore so much as I used to do. Kumbaga, mina-manage ko na lang ang mga tao ko, ang mga managers ko, and the business.

"And that requires brain, and doon naman tayo magaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nakakatuwa lang, yun bang, you know, nung tiningnan namin sa Internet, ano ba itong lintek na sakit na ito?

"Reading-eye epilepsy... My God, 52 cases lang!

"So if I put my name there, I’m the 53rd case. So, rare, di ba?


"My partner asked my neuro doctor, ’What should I do pagka inatake siya?

"’Nothing! You won’t do anything. Let him lie down and he will go back to himself again, that simple.’

"Ang importante lang, yung ’wag kang mababagsak, wag kang mababagok. Iyon ang pinakaimportante.

"I’m very careful about my life. Before, I used to read seven newspapers in the morning.

"Ngayon, tatlo na lang at saka hindi ko na masyadong binabasa. Ini-scan ko na lang, tinitingnan ko na lang.

"You know what? One thing I discovered, there’s so many people who love me so much. There’s so many people na nagmamalasakit that wherever I go, parang ’Mother!’

"Nakaganyan sila sa akin. ’Hoy, ano ba kayo, mga luka-luka kayo, buhay pa ako, echosera kayo!’

"Even Mother Lily [Monteverde], naku, concerned na concerned, tumawag pa sa akin.

"Mother Lily, thank you so much for the concern.

"I felt that so many people are looking out for you, especially the hairdressing profession.

"Sa lahat ng mga hairdressers na nanonood, talagang sila ang nagwo-worry para sa akin."


TULONG SA KAPWA. Tuloy pa rin daw si Mother Ricky sa pagtulong sa kapwa.

"On May 18, we will have a national event, na lahat ng hairdressers, sa Philtrade Center of the Philippines.

"Then, I also have a series of Gandang Seminar. Eto naman yung personal mismo ako ang magtuturo.

"Because, you know, as much as we have time in this world, this is what I always tell a lot of people: You should learn how to transfer your technology to a lot of people so we can help a lot of people, too."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang seminar ay magaganap ngayong May, August, October, at November.

"And in between the months, my creative team will also do teaching, at ito libre ang lunch, ang merienda, lahat-lahat.

"Para matuto naman ang maraming tao na magkaroon ng hanapbuhay.

"I always tell a lot of people: What else will you do in your life?

"Lagi kong sinasabi, we are 92 million Filipinos. Kung ang bawat isang Pilipino ay tutulong sa isang kapwa Pilipino, walang mahirap na Pilipino.

"That’s what I always tell everyone, hindi yung puro tsismisan, puro daldalan.

"Kailangan, tulong tayo nang tulong sa kapwa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN