Ms. Gloria Romero plans to retire when she turns 80

"Happy ako sa GMA, but I won’t compare it with ABS because all those years, they have pampered me so much too," says Ms. Gloria Romero about working with the Kapuso network for the first time.


Balak na palang mag-retire sa showbiz ng veteran actress, at isa sa original Philippine movie queens na si Ms. Gloria Romero pagsapit niya sa edad na 80.

Ito ang inamin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang press nang ma-interview siya sa presscon ng Munting Heredera kagabi, May 3, sa Studio 7 ng GMA Network.

"May balak ako with the grace of God, pag pagbibigyan ako, when I get to be 80 years old. And that’s three years from now," sambit ng 77-year-old actress.

Ito raw ang isang dahilan kaya tinanggap na niya finally ang offer ng GMA-7 para magtrabaho sa network.

Matagal na panahon ding kasing nagtrabaho siya sa ABS-CBN at naging loyal Kapamilya, magmula pa noong 1987 sa sitcom na Palibhasa Lalake.

Pero ngayon nga ay certified Kapuso na siya sa paggawa niya ng kanyang kauna-unahang primetime teleserye sa GMA-7, Munting Heredera, na mapapanood na simula Lunes, May 9 pagkatapos ng Captain Barbell.

Bakit all of a sudden ay lumipat siya sa Kapuso network?

"Hindi naman all of a sudden ’yan," sabi niya.

"Kasi, for some time, mga three years ago, I was asked to guest dito sa GMA. Unfortunately, lagi akong may assignment sa ABS na ginagawa.

"Then, yun nga, sabi ko, three years na lang bago ako mag-retire, gusto ko namang gumawa sa ibang network bago ako hindi na makamemorya.

"Pinagbigyan naman ako ng ABS, with their blessing," paliwanag ni Ms. Gloria.

Kumusta naman ang treatment sa kanya ng Kapuso network?

"They’re so nice. They treat me well. Sobra nila akong alaga.

"Kung minsan nga, sinasabi ko na huwag nila akong masyadong pina-pamper.

"Happy ako sa GMA, but I won’t compare it with ABS because all those years, they have pampered me so much too."

Bukod sa Munting Heredera, ginagawa rin ni Ms. Gloria ngayon sa GMA-7 ang upcoming comedy series na Andres de Saya, kasama sina Cesar Montano at Iza Calzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PLAYING THE ROLE OF A DONYA. Sa presscon ng Munting Heredera ay ipinakilala si Ms. Gloria bilang "original Philippine movie Queen."

Ano ang feeling niya rito?

"I’m flattered. Ano na lang siguro, the past movie queen!" natatawang sabi niya.

Paano niya ilalarawan ang role niya bilang si Donya Anastacia?

"Well, she’s the donya. Hindi naman siya naging mayaman kung hindi siya nagsikap. She was also poor once upon a time.

"But she was also loving, lalo na sa kids. That’s why gusto niyang mahanap yung tunay niyang tagapagmana, yung munting heredera.

"Istrikta siya pero mapagbigay. She did charity works. Ayaw niyang i-tolerate yung katamaran."

Ano ang challenging sa role niya?

"Yung changes of mood. Yung pagiging istrikta niya, galit. Tapos, magiging malambing na lola.

"And then there’s a part in this teleserye na maghihirap siya ulit kasi maraming nag-aambisyon ng aking kayamanan."

WORKING WITH THE CAST. Happy naman si Ms. Gloria na makatrabaho ang powerhouse cast ng Munting Heredera.

Kabilang dito sina Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, Katrina Halili, Luz Valdez, Roderick Paulate, Gabby Eigenmann, Leandro Baldemor, Ynez Veneracion, Neil Ryan Sese, Krystal Reyes, Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Tampok din dito ang bagong child discoveries ng GMA-7 na sina Mona Louise Rey, Barbara Miguel, at Kyle Daniel Ocampo.

Kumusta naman katrabaho ang mga katulad nina Mark Anthony, Camille, at Katrina?

"They’re all professionals," sagot ni Ms. Gloria.

"Si Mark, he’s a very good actor, guwapo pa.

"Si Camille, it’s my first time to work with her. She’s also good.

"Hindi kami masyadong maraming eksena together, so far. But there is one beautiful scene na ginawa ko sa kanya.

"Si Katrina, my first time din. Magaling din siyang kontrabida, kayang-kaya."

Ano naman ang masasabi niya sa mga batang baguhan na kasama niya sa teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magugulat ka sa kanila, magagaling sila.

"Ang una kong tinitingnan kapag kasama ko ay baguhan, tinatanong ko kung gusto mo ba talagang mag-artista?

"Kapag ang sagot ay ’susubukan ko lang, stepping stone,’ naku, hindi ka tatagal.

"Kailangan talaga mahalin mo ito. In any career na pasukan mo, you have to love your work.

"And sa mga bata dito sa soap namin, nakikita ko naman na gusto nila ang ginagawa nila at hindi sila napipilitan lang."

NO MEMORY GAP. Sa edad niya ngayon, isa raw sa maipagmamalaki ni Ms. Gloria ay hindi pa raw siya nagkakaroon ng memory gap. Kaya hindi pa siya nahihirapan sa kanyang dialogues sa mga ginagawa niyang projects.

"Sharp pa rin ang memory ko. Sa awa ng Diyos, wala pa naman akong memory gap," sabi ng veteran actress.

Ano naman ang secret ng sharp memory niya? Meron ba siyang tine-take na vitamins?

"I don’t take anything kasi if I take it, I would rely on it, di ba?" sagot ni Ms. Gloria.

"Tapos, sasabihin ko hindi kasi ako uminom kaya hindi ko na-memorize. Ayoko ng feeling na yun.

"I think the only trick na ginagawa ko, though it’s not really a trick... Pero para sa akin, I read the whole script.

"And then, from there, yung role ko, inaaral kong mabuti, ini-internalize ko. Hindi ako nagme-memorize ng page to page.

"Pagdating sa work, alam ko na. It’s easy pag alam mo na yung ginagawa mo. Dibdibin mo lang yung role mo."

CHOOSING HER ROLES. Sa tagal niya sa industriya, halos lahat na yata ng klase roles na pambabae ay nagampanan na niya.

Meron pa ba siyang role na gustong gampanan?

"Ako, sa totoo lang, hindi ako mahilig ng ganitong donya na bihis na bihis. Siguro kasi noong kabataan ko, nagsawa na rin ako sa role na mayaman at glamorosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But once in a while, I’d like to appear on a role like this. Kaya lang, mas gusto ko yung role na mahirap ako, walang makeup."

Incidentally, bukod sa Munting Heredera ng GMA-7 ay mapapanood din si Gloria sa 100 Days to Heaven ng ABS-CBN.

Nagawa na raw kasi niya ito bago pa siya lumipat sa Kapuso network.

"Yes, nagawa ko na yun, matagal na. Guest lang naman ang role ko doon. Isa akong pulubi doon.

"Pero dito na talaga ako sa GMA ngayon."

One taping day lang daw siya para sa 100 Days to Heaven.

Enjoy rin daw siya sa pagganap ng kontrabida, gaya ng ginawa niya sa pelikulang Condemned with Nora Aunor at sa Tarima with Fanny Serrano.

"Doon sa Tarima, salbahe ako doon. E, kasi sabi sa akin noong first shooting day namin, kailangan sampal-sampalin ko si Fanny.

"Sabi niya, ’E, tita, hindi ako maka-react kasi hindi masakit.’

"Bueno, maghintay ka. Nung matapos, sumobra naman yata!" natatawang kuwento niya.

Mapili pa rin ba siya sa roles na tinatanggap niya?

"I’m not exactly choosy. Basta may sense yung istorya," sagot ni Ms. Gloria.

"Ang unang tinatanong ko is ’Do you have a script?’ And then I’ll take it from there.

"Ako naman, happy ako basta nagtatrabaho. Even if maliit lang yung role, basta may laman at importante yung character, I accept.

"Lalo na if I like yung mga kasama kong actors and directors."

AWARDS. Natutuwa naman si Ms. Gloria na kung kailan daw siya tumanda ay saka naman dumami ang acting awards niya.

Matagal din kasing nasundan ang unang Best Actress award na kanyang nakuha.

"Kasi the first award I got was for Dalagang Ilocana in 1954 for a comedy role. First time nagbigay ng award for comedy nung time na yun.

"Hulaan n’yo kung ilang taon bago nasundan? I got it 34 years after as Best Supporting Actress for Saan Nagtatago ang Pag-ibig? (1987).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya noong tinawag ako, ang dami kong sinabi. Sabi ko, ’Huwag n’yo akong pipigilan, I can’t wait for another 34 years!’" biro niya.

Ilan nga sa memorable niyang awards for Best Actress ay para sa role niya sa Tanging Yaman at Best Supporting Actress naman para sa Magnifico.

"I got four for Tanging Yaman (2000) and two for Magnifico (2003)," banggit ni Ms. Gloria.

Ilang beses na rin siyang pinarangalan ng Lifetime Achievement Award ng iba’t ibang award-giving bodies.

Most recent sa awards na natanggap niya ay ang 9th Gawad Tanglaw Best Supporting Actress para sa Tarima, kung saan naka-tie niya ang co-actress niya sa movie na si Rustica Carpio.

Sa nakaraang 8th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) ay kinilala naman siya bilang isa sa 13 Movie Icons of Our Time.

Nominated din siya sa bilang Movie Supporting Actress of the Year para sa Tarima sa 27th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nae-excite pa rin ba siya kapag nakakatanggap siya ng award?

"Parang it’s always my first time," sagot ni Ms. Gloria.

Nag-e-expect pa rin ba siya na manalo tuwing nominated siya?

"Salamat na lang kung may darating. Pero tama na yun, marami-rami na rin," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN