Mo Twister reportedly breaks up with Rhian Ramos on Twitter

A heated exchange of Twitter posts happened last night, May 3, between rumored couple Rhian Ramos and DJ Mo Twister. Because of these posts, their Twitter followers were curious: "Did Rhian and DJ Mo break up on Twitter?"

But Rhian was quick to deny the alleged breakup tweet posted on her Twitter account. She said, "Anong ’break-up tweet- break-up tweet’ ang sinasabi niyo. didn’t he say i wasn’t


Naging mainit ang palitan ng Twitter posts sa pagitan ng rumored couple na sina Rhian Ramos at Mo Twister kagabi, Mayo 3.

Marami tuloy sa mga Twitter followers nila ang nagtatanong, "Break na ba sina Rhian at DJ Mo?

Nagsimula ang sagutan ng dalawa nang i-post umano ng actress-TV host sa kanyang Twitter account ito:

"Exactly 1yr of being together, we have broken up. Thank you for loving me. It had amazing moments and I’m sorry.."

Sinubukang balikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang post na ito ni Rhian kagabi rin, subalit nawala na ito sa timeline ng kanyang Twitter account.

Subali’t tila nabasa ito ni DJ Mo bago pa man mabura.

Sa katunayan, parang ikinagulat ito ng radio jock, at sumagot pa siya: "Really? Twitter?"

Ilang sandali pa ay naging sunud-sunod na ang palitan ng mga Twitter posts sa pagitan nina DJ Mo at Rhian.

Sumunod na post ni DJ Mo: "You told me its your job to be single and desired, but what about the hearts you break along the way?"

Sa kabilang banda, halos gulat din ang reaksyon ni Rhian sa kanyang sumunod na post.

Natanong pa nga niya: "what the heck is everyone saying that i tweeted?"

Sinundan pa niya ito ng ganitong post: "well, thank you for breaking into my twitter. nice job. i hope you get all the sympathy you hoped for."

Sa sumunod na Twitter post ng Juicy! co-host na si DJ Mo, mapapansin na parang nagka-ideya na siya na para sa kanya ang huling mensahe ni Rhian.

Sumagot kasi ito ng: "@whianwamos wow! are you implying now its me who did it? what else do you want to throw at me today? im just reacting to your tweet and now job is whats the link? i wasnt the one who did everything for the job."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman ito sinagot ni Rhian.

Sa halip, nilagay niya ang mensaheng ito: "and to the rest of you, mind your business, i’ve been harassed enough for today, thank you. as if would really publicize my personal life? as if i’m the one that is known to want to be a part of every scandal? thanks."

Pinabulaanan din niya na siya ang nag-tweet ng "breakup tweet" nang sinubukang kumpirmahin ito ng isa niyang follower.

Sabi ng In The Limelight lady host, "of course not. ako ba ang mahilig mag publicize ng personal life?"

Samantala, sinabi naman ni DJ Mo sa kanyang Twitter account: "there are a few people i wont fight here on twitter & one of them is you [Rhian]. i think ive been thrashed and lied enough to today. im done here & i wont argue w/ you. i hope your thailand trip last holy week went well."

Ngayong araw, May 4, sinabi ni DJ Mo sa kanyang Twitter account na hindi siya nakarating sa kanyang radio show at sa kanyang daily TV5 entertainment program na Juicy!

Nag-post din siya ng isang malayong kuha ng isang babae na kahawig ni Rhian Ramos, at may caption na: "I Missed You, You Were Too Far Away."

Matagal nang nababalita ang tungkol sa relasyon nina Rhian at DJ Mo, pero lagi nilang sinasabi noon na magkaibigan lang sila.

Pero early this year ay inamin ni Mo na "nililigawan" niya si Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN