Francine Prieto pours her heart out about feud with half-brother

"Hindi naman ako madamot, pero huwag namang abusado. Kasi kung abusado naman, siyempre parang grabe naman, sobra naman, di ba? Parang ibinigay mo na nga yung kamay mo, gusto pa buong braso mo," complains Francine Prieto.


Nagsimula na kahapon, May 5, ang garage sale ni Francine Prieto na ginanap sa D Vamps Restobar sa may Hobbies of Asia, Macapagal Avenue.

Hanggang bukas, May 7, ang pagbebenta niya, at natutuwa naman siya dahil ang dami na raw bumibili sa kanya.

Naipon na raw ang mga gamit niya kaya kailangan na niyang i-dispose.

Bilang paghahanda na rin daw ito sa paghahanap niya ng bagong bahay kapag maibenta na niya ang bahay nila ngayon na naka-loan pa sa bangko.

"Yung loan ko, hanggang December na lang this year, e.

"So, next year, kung saka-sakaling meron na akong makitang bahay, puwede na akong... At least, maglu-loan ulit ako, hindi na yung dodoble-doble pa."

Ito ang pahayag ni Francine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang garage sale.

SIBLING RIVALRY. Matagal nang may mga naglalabasang intriga tungkol sa pagbebenta ng bahay ni Francine, na pinag-aawayan daw nila ng kanyang half-brother.

Umabot pa raw ito sa death threat laban sa dating sexy actress.

Ayon kay Francine, "Parang, meron akong kapatid at pinipilit niyang sabihin na, parang ano, na sa lolo niya daw yun [bahay], parang ganun.

"Pero ang akin naman, dinagdag lang naman, e. Tapos, yung nagpapatuloy naman nun, ako na lahat nagbabayad, ako naman lahat.

"So, sabi ko, para wala nang gulo, pag nabenta yung bahay, ibibigay ko yung share nila para wala nang masabi.

"Sabi ko, yun lang naman yun, e."

Nababasa na noon pa sa mga ipinu-post ni Francine sa kanyang Twitter account ang mga hinanakit nito sa kanyang half-brother.

"Sabi ko nga dati, parang tingin niya sa akin, human ATM.

"Siyempre, nagtatrabaho lang naman ako, di ba?"

Siya raw ang gumagastos para sa kaniyang dalawang kapatid na lalaki.

"E, kumbaga, binibigyan ko naman sila ng allowance monthly.

"Tapos, siyempre, libre na sila ng pagkain.

"Sa bahay, libre na’ng tira sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung tutuusin, hindi na sila bata. Yung edad nila, puwede na silang magkaroon ng sarili nilang pamilya.

"Hindi na sila dapat umaasa sa akin—at lalung-lalo na, lalaki pa man din sila, di ba?"

Paglilinaw ni Francine, na host ngayon sa night slot ng ABS-CBN teleradyo, "Hindi naman ako madamot, pero huwag namang abusado.

"Kasi kung abusado naman—siyempre parang grabe naman, sobra naman, di ba?

"Parang ibinigay mo na nga yung kamay mo, gusto pa buong braso mo."

Sa pagkukuwento ni Francine, nagsimula ang masamang sitwasyon niya ngayon sa isang maliit na bagay.

"Nag-start lang yun, ibinenta ko yung isang sasakyan namin—na sasakyan ko yun.

"Pero feeling niya [her half-brother] kasi, kanya yung sasakyan.

"So, mula nun, parang nagalit na siya.

"May usapan naman kami na kung kailan ko siya ibebenta. Tatapusin lang yung school niya. So, tapos na, ibebenta ko na.

"Kailangan ko pang nakawin yung sarili kong sasakyan para lang maibenta!"

NOT ON SPEAKING TERMS. Hindi na raw sila ngayon nag-uusap at wala na silang komunikasyon ng kanyang half-brother.

Matindi na raw ang away nila, na umabot na nga sa mga pagbabantang hindi na maganda laban sa kanya.

"May sinasabihan siya na tao. Parang, kapag hindi daw siya nakapagpigil, baka kung ano daw ang magawa niya sa akin.

"Yun ang sinasabi niya, e. Siyempre pag nag-aalitan na kayo, di ba? Iba na yun.

"Kaya yun, minsan, nagpapatulong ako sa mga kaibigan ko na...alam mo yun? ’Sige na, anuhin niyo ito [bahay], kasi para lang mawala lang siya sa akin.’"

Ayaw nang idetalye pa ni Francine ang mga pinaggagagawa diumano ng kapatid kapag nasa bahay ito.

Pero nadidismaya lang daw siya dahil siya pa rin naman daw ang gumagastos sa pagpapaayos kapag may sinisira ang kapatid niya.

"Nagtanong na rin ako kung puwede ko siyang ipahuli o ano, kasi may mga ginagawa na siyang hindi ko gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sinasabi raw, hindi mo raw puwedeng ipakulong ang sarili mong kapatid.

"Siyempre, magkakaroon ng negative effect yun sa akin.

"Kasi dito sa atin, napakaimportante ng pamilya.

"Kaso kasi, para sa akin, kung sobra naman sama ng ginagawa, hindi mo naman dapat na pabayaan na lang ng ganun, e.

"Hindi kasi ako naniniwala sa ganun na porke’t pamilya mo, kadugo mo, di ba, na hayaan mo?

"Siguro puwede mong pagbigyan isa, dalawang beses.

"Pero, pag sumobra na dun—sobrang abusado na, parang grabe na," pahayag ng aktres.

SPOILED. Naisip ni Francine na may pagkakamali rin ang namayapa niyang ina na si Amelia Flacon sa ugali ng nakakaalitan niyang kapatid.

"Mali rin ang pagpapalaki sa amin ng mommy ko," sabi niya.

"Yun din yung isa sa hindi ko gusto sa nangyayari.

"Kasi, parang lahat kami, spoiled niya. Na siguro kasi, hindi naman niya ini-expect na mawawala siya.

"So, mali yung pagpapalaki, kasi parang masyado niyang ibinigay lahat ng gusto. Ganun, e.

"Kasi ako naman, kapag may gusto ako, tinatrabahuan ko. Kaya ko siya nakukuha.

"Pero itong iba namang kapatid ko, parang may gusto lang sila. Pero gusto nila, nakukuha nila.

"Nasanay sila sa mommy ko na ganun, e.

"Hindi na ganun yung buhay. Dapat, alam mo yung, tumulong naman sila sa akin."

Tuloy, ayon kay Francine, "Minsan, hangga’t maari, hindi na lang ako uuwi sa bahay.

"Minsan, parang gusto ko, pag-uwi na ako sa bahay, tutulog na lang ako.

"Kasi, kahit minsan paggising ko, parang may problema. May kung anu-anong nangyayari.

"Minsan dinededma ko na lang, e. Pero minsan kasi, hindi mo siya puwedeng dedmahin, e.

"Lalong-lalo na, ako yung nag-aasikaso sa lahat kung ano mang problema.

"Sa akin sila lahat tatakbo.

"So, hindi ko naman puwedeng talikuran.

"So, yun minsan, naaapektuhan ako, e.

"Ang problema ko, siyempre wala na akong magulang na puwede kong matakbuhan. Ako na lang, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, konti lang naman yung taong pinagkakatiwalaan ko na puwede kong malapitan, o masabihan ng sama ng loob."

Mabuti’t nandiyan daw ang kasintahan niyang si Bobby Yan na sumusuporta sa kanya at nagiging takbuhan niya kapag namumroblema siya.

Kay Bobby na lang daw niya ibinubuhos ang lahat ng sama ng loob.

Naniniwala si Francine na kapag maibenta na itong bahay nila, matatapos na ang problema niya dahil ibibigay na raw niya ang share na para sa kapatid niya.

Hindi na raw siya umaasang magkakaayos pa sila ng kaniyang half-brother.

Magsisimula raw siya sa zero.

Kasama ang isang kapatid pang lalaki na kasundo niya at pinapag-aral niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN