Sharmaine Suarez admits to being a close friend of Illac Diaz

"He’s a very smart person, he’s a nice guy, very intelligent, wholesome—and that’s who he really is. His work says a lot about him and how he’s very dedicated to help out with the foundation [MyShelter Foundation]," says Sharmaine Suarez (in photo) about her friend Illac Diaz.


Nakitang magkasama sina Sharmaine Suarez at Illac Diaz sa premiere night ng Hollywood film na Water for Elephants—starring Reese Witherspoon and Robert Pattinson—noong April 28 sa Cinema 2 ng Glorietta 4.

Kaya nagkaroon agad ng haka-haka ang ibang tao na may namumuong relasyon sa pagitan ng dalawa.

Nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makausap si Sharmaine nang pareho kaming nag-judge sa first Bikini Open contest sa Quezon, Palawan last May 1.

Kasama rin sa judges ang iba pang mga aktres na sina Lotlot de Leon, Mymy Davao, at Karla Estrada.

Ang nag-imbita sa grupo na pumunta sa Palawan ay ang abugadong si Atty. Arnold Labay, na siyang nag-asikaso ng annulment proceedings ni Lotlot at dati nitong asawang si Ramon Christopher.

"Yes, we’re friends, we’re very good friends," pag-amin ni Sharmaine na magkasama nga sila ni Illac sa nabanggit na movie premiere.

Paano sila nagkakilala?

"Through a common friend na I’ve known for a long time.

"Kami [Illac], hindi pa ganung katagal magkaibigan. Pero yung kaibigan niya na kaibigan ko rin nung araw pa, siguro high school days pa nila.

"Then later on, naging friend ko in college naman. Pero siya [Illac], nakilala ko siguro a few months pa lang."

May usapan sila na sabay dadalo sa premiere?

"Yeah, I invited him to come over with a few friends.

"And he said, yeah, na he also wants to watch a movie, so he came..

"But we did not come together, we met up lang doon sa G4," sabi ni Sharmaine.

ILLAC ’S ISSUE WITH ANGELICA JONES. How does she find him? Ano ang comment niya about the issue between Illac and Angelica Jones?

"Oh, yeah, he’s very open to me about that, and we really talk.

"I ask questions and he details me... Yeah, we’re that open."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang kaibigan, sa tingin ba niya ay naapektuhan si Illac ng issue with Angelica?

"Oo, e, kasi knowing him and his character, and even the other people who don’t know him, your impression of him would be very good. Na hindi sanay sa intriga.

"He’s a very smart person, he’s a nice guy, very intelligent, wholesome—and that’s who he really is.

"His work says a lot about him and how he’s very dedicated to help out with the foundation [MyShelter Foundation]."

Kampi raw siya kay Illac, but she has nothing against Angelica dahil hindi naman niya raw ito kilala personally.

"We’ve never met, we’ve never worked together," sabi ni Sharmaine tungkol kay Angelica.

"Yeah, siyempre, kaibigan ko papaniwalaan ko. Hindi dahil kaibigan ko lang kundi dahil alam ko naman...

"Kilala ko rin naman yung tao. Kung paano kumilos yung tao, nakikita ko."


ILLAC-JULIA BREAKUP. Alam din ni Sharmaine na break na si Illac at ang actress-TV host na si Julia Clarete.

Nung nalaman niya ang tungkol dito, magbe-break pa lang ang dalawa o break na?

"Nung medyo on the rocks sila, medyo alam ko, I was aware of that.

"Tapos nung nagbalikan sila, alam ko. Then naghiwalay sila, alam ko."

Hindi raw siya nagtanong kung bakit naghiwalay ang dalawa.

"No, coz I’m the type of person who doesn’t pry.

"I would rather that my friend would tell me what’s up rather than me asking them questions. Kasi they might feel uncomfortable answering.

"So, yeah, he was open to me about that.

"Siyempre lahat naman ng relasyon kumplikado, di ba?

"Siguro sa kanila, time to move on na for both of them."

Sa tingin niya, bilang kaibigan, naka-move on na ba si Illac?

"I think it’s still very fresh. But he’s moving on as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He does not escape from his problems.

"When he thinks about her, he just thinks about her, and I tell him na just be open with all his feelings so he can really move on.

"So, ayun. I think he’s in the process and it’s perfect that he’s doing things as he should. Busy siya, e."

Wala raw relasyon sina Sharmaine at Illac other than being good friends.

"Yes, were good friends," sabi ng aktres.

"We re sharing a lot, he’s moving forward.

"He’s very excited with all his projects and he’s making me want to do [things] on my own as well."

Paano siyang ine-encourage ni Illac?

"The fact that he’s doing good things already encourages me to, or inspire me to do something for myself and for other people.

"Hindi natin maikakaila na masuwerte tayo, na bilang artista kahit papaano may impluwensiya tayo sa ibang mga tao.

"And gusto ko din magamit yung impluwensiya na yun para makatulong sa mga tao, para ma-improve yung mga buhay nila, para magkaroon sila ng mabuting edukasyon.

"And gift natin iyon na sayang naman kung hindi natin gagamitin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN