Phil Younghusband admits "exclusively dating" Angel Locsin

After weeks of speculation, Azkals heartthrob Phil Younghusband has admitted that he and actress Angel Locsin are now "exclusively dating."


Inamin ng sikat na football player na si Phil Younghusband na "exclusively dating" na sila ni Angel Locsin.

Ginawa ng Azkals heartthrob ang pag-amin sa panayam sa kanya ni MJ Felipe para sa showbiz talk show ng ABS-CBN na Showbiz News Ngayon. Si Angel ay talent ng ABS-CBN.

Sa naturang panayam ay idinetalye rin ni Phil kung paano nagsimula ang lumalalim na nilang relasyon ni Angel.

Kuwento niya, “The first meeting of me and Angel, I met the family. I came on my own and it was nice.

"I got to meet her dad, her brothers and sisters, and her friends and family.

"It was good. They made it easy for me.” he said.

Inamin ni Phil na kinabahan siya sa una nilang pagkikita ng aktres.

"Yes, yes. I didn’t know what to do. Hindi ko alam ano’ng gagawin," sabi niya.

Matatandaang idinaan ni Phil sa social networking site na Twitter ang pagpapahayag niya ng damdamin para kay Angel.

Noong February 10, 2011 ay kinilig ang buong Twitter world nang imbitahan ng Azkals player ang Kapamilya actress para sa isang date noong Valentine’s day. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi man natuloy nung mismong araw na yun ang pagde-date nila ay nagkaroon ito ng katuparan pagkatapos ng ilang araw. (CLICK HERE to read related story.)

Sinabi rin ni Phil sa interview sa kanya na sinamahan niya si Angel sa isa sa mga charity events nito.

“I wanted to be with Angel on the day and she’s very...one of the kindest people, nicest people you ever meet.

"What she does for charity is amazing and I wanted to be with her on that day,” sabi niya.

May balita namang lumabas na binigyan daw ni Phil ng isang mamahaling Givenchy Pandora messenger bag si Angel bilang regalo sa aktres para sa kaarawan nito noong April 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkakahalaga diumano ng P100,000 ang naturang bag.

Ayon kay Phil, hindi siya eksperto pagdating sa pagpili ng mga regalo kaya kinuha niya ang payo ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

“Gusto ko yung material. Siyempre kailangan ko ng advice, hindi ako experienced sa picking presents," aniya.

Noong nakaraang Holy Week naman ay sumunod si Phil kay Angel sa Hong Kong, kung saan nagdiwang ng kanyang kaarawan ang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN