Ms. Gloria Romero also affected by death of AJ Perez, a very close friend of her grandson Chris Gutierrez

"Sobrang naapektuhan si Chris. I never saw him cry so much. Kasi nga naman, almost every day ay magkasama sila ni AJ. And then this incident happened. Naawa ako sa apo ko kasi nawalan siya ng matalik na kaibigan. Pareho kaming umiyak because we will miss AJ a lot," says Ms. Gloria Romero about the death of young actor AJ Perez (inset, top), who was a close friend of her apo, Chris Gutierrez (inset, bottom).


Sobrang nalungkot din si Ms. Gloria Romero nang malaman niyang sumakabilang-buhay na ang young actor na si AJ Perez.

Kuwento ng veteran actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matalik na kaibigan ng kanyang apong si Chris Gutierrez si AJ.

Magkasama raw ang dalawa sa Star Circle Batch 13 ng ABS-CBN, at may dance group silang binuo noon sa ASAP, ang Gigger Boys.

Si Chris ay anak ng unica hija ni Tita Glo na si Maritess Gutierrez. Ang ama ni Maritess ay ang late actor na si Juancho Gutierrez.

"Ang aking apo na si Chris at si AJ ay sobrang close. Para na silang magkapatid," kuwento ni Ms. Gloria sa press launch ng pinagbibidahan niyang drama series sa GMA-7, ang Munting Heredera, sa Studio 7 ng GMA Annex Bldg. last May 3.

"They would always hang out together. Madalas sa bahay namin sa New Manila in Quezon City.

"May times kasi na mahaba ang oras nila waiting before they go to rehearsals or for tapings sa ABS-CBN, kaya sa bahay sila nagki-kill time.

"Minsan naaabutan ko sila doon sa bahay at ipaghahanda ko sila ng makakain nila. Sometimes nakikipagkuwentuhan ako sa kanila."

Naging close din si Ms. Gloria kay AJ at para na rin daw niyang apo ito.

"Naging malapit na rin sa akin AJ. I treated him like my own apo na rin.

"Madalas nga silang magkasama ni Chris, and sometimes, he would join us sa mga special occasions.

"Parang part na rin ng family namin si AJ.

"Lahat naman ng mga barkada ni Chris ay itinuturing kong parang apo ko na rin.

"Nag-iisa lang kasi si Chris ko, kaya yung mga friends niya, gusto ko ay lola rin ang itawag nila sa akin," nakangiting kuwento ng artistang minsa’y naging reyna sa pinilakang tabing.

Kaya gano’n na lang daw ang naramdamang lungkot ni Ms. Gloira nang makarating sa kanya ang balitang sumakabilang-buhay na ang kaibigan ng kanyang apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At first, nagulat talaga ako. I couldn’t believe it kasi he was so young and such a nice boy.

"Noong mapanood ko na sa TV ang nangyari, it really affected me because AJ was like my apo talaga.

"Sobrang naapektuhan si Chris. I never saw him cry so much.

"Kasi nga naman, almost every day ay magkasama sila ni AJ. And then this incident happened.

"Naawa ako sa apo ko kasi nawalan siya ng matalik na kaibigan. Pareho kaming umiyak because we will miss AJ a lot."

Nabanggit din ni Ms. Gloria na magkasama sa Boracay sina AJ at Chris ilang araw bago nangyari ang aksidenteng kumitil sa buhay ni AJ.

CHRIS IS ON LEAVE. Nabanggit ni Ms. Gloria na pansamantala munang tumigil sa pag-aartista ang kanyang apo dahil gusto nitong makapagtapos ng pag-aaral.

Chris is taking up International Studies at De La Salle University.

Nakalabas si Chris sa ilang shows ng Kapamilya network, tulad ng ASAP, Abt Ur Luv, Maalala Mo Kaya, Boystown, at Astigs.

"Si Chris mismo ang nagsabi na titigil muna siya sa showbiz and he wants to finish his college course," sabi ni Ms. Gloria.

"Natuwa naman ako because, sa edad niya ngayon, may mga priorities na siya sa buhay niya.

"I asked him kung hindi ba niya mami-miss ang mga ginagawa niya sa showbiz. Hindi naman daw.

"He really wants to finish school at kung itutuloy niya ang showbiz, baka raw hindi niya matupad ang promise niya sa parents niya na he will finish college.

"Kaya maayos naman siyang nagpaalam sa mga dapat pagpaalaman niya sa ABS-CBN.

"Temporary lang daw siyang mawawala because he wants to prioritize school.

"Sa ginawang ’yan ng aking apo, I am very proud of him.

"He will sacrifice a career in this business para makakuha siya ng college degree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will support him in whatever he wants," nakangiting sabi ni Ms. Gloria.

Nahihilig din daw sa pagluluto ang apo ng aktres, at hindi raw siya magtataka kung maging chef din daw ang ito tulad ng kanyang ina.

"Chris is inspired a lot by his mom.

"Nabanggit niya before na he wants to be a chef like his mom. Ngayon pa lang, he knows his way in the kitchen.

"Like what I said, kung ano ang gusto ng aking apo, susuportahan ko siya.

"In the same manner na sinuportahan ko ang gusto ng kanyang mommy when she was as young as my apo.

"Ganyan naman tayong mga lola, di ba? Kaligayahan na lang natin ang makita ang ating apo na masaya," sabi niya.

MOTHER’S DAY. Ngayong Mother’s Day, may mga plano ba si Tita Glo kasama ang kanyang anak at apo?

"Usually naman on Mother’s Day, we go out for dinner. Yung simple lang para ma-celebrate namin ang occasion.

"I don’t know what surprises my daughter and my grandson have for me, but just to be with them ay kuntento na ako.

"Simple joys na lang ang hanap ko sa buhay.

"And being with my daughter Maritess and my apo Chris is enough happiness for me," saad ni Ms. Gloria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN