Keempee de Leon on the lookout for his own house; has new girlfriend

Actor-TV host Keempee de Leon has decided to start a new life by moving out from his dad’s house and finding a place of his own.


Susulong si Keempee de Leon sa panibagong buhay ngayong hinahangad niyang umalis na sa poder ng kanyang amang si Joey de Leon.

Nakatira siya ngayon sa magarang bahay ng ama niya, na veteran Eat Bulaga! host, sa Valle Verde.

Magkakaroon na si Kempee ng sariling bahay.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Keempee, nabanggit niya na titingin siya ng bahay na malilipatan ngayong linggo.

Gusto ni Keempee na sa may Pasig bumili ng bahay para malapit lang sa kanyang amang si Joey, sa lola niya, at sa kapatid na si Cheenee de Leon.

Natawa ang actor-TV host sa biro naming malaki-laki na rin siguro ang kanyang naipon para makabili siya ng buong bahay at hindi isang condo unit lang.

Mas gusto raw kasi niyang tumira sa bahay kaysa sa condo. Mas marami raw kasing dues na babayaran pag sa condo siya tumira.

KEEMPEE’S NEW GIRLFRIEND. First priority ni Keempee na unang pagpakitaan ng kanyang bahay kung saka-sakali ang kanyang 15-year-old daughter at ang kanyang girlfriend.

Napangiti nang buong tamis si Kimpoy nang ibalita niya sa PEP na mayroon na siyang bagong kasintahan.

"Mga two months ago na," banggit niya.

Paano sila nagkakilala ng girlfriend niya?

"Ipinakilala siya sa akin ng friend ko. Nanood siya ng Eat Bulaga! one time. Wala lang, from afar, parang hi-hello lang kami.

"Accidentally lang naman na naka-online ako, tapos siya rin. Nag-message lang kami. Tapos, yun na.

"Tinanong ko na kung ano yung mga hobbies niya. Nagpo-poll [dance] kasi siya, e.

"Pinuntahan ko siya sa class niya. Parang yung kay Ciara [Sotto].

"Basically, parang doon kami nakapag-usap nang maayos," salaysay ni Keempee.

Wala pa raw sa isip ni Keempee ang magpakasal. Bukod sa marami siyang trabaho ngayon, dalawang buwan pa lang daw sila ng kanyang girlfriend.

Hindi nagdamot si Keempee na magbigay ng ilang personal details tungkol sa kanyang 24-year-old girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano lang, she’s petite. She’s like 5’4". Maputi.

"Ang sinasabi ni Cheenee, may hawig daw kay Chin Chin Gutierrez. Ewan ko, kung sino pa. Mestiza siya na maliit."

"Very simple family. Tiga-Cavite kasi ito, e. Matapang ito, Caviteña, kaya takot ako dito. Baka hindi ako makalabas ng Cavite!" biro niya.

Dagdag ni Keempee, "She works for a company now. I don’t wanna mention the name, but it’s a big company.

"Nakapunta na siya sa house a couple of times. Na-meet na niya ang family and relatives ko.

"Actually, every Sunday she goes to the house."

THE MEETING. Nagkita at nagkakilala na rin daw ang anak ni Keempee at ang bagong kasintahan niya.

"Mismong birthday pa ng daughter ko, eksakto," sabi niya.

"Medyo kabado ako noong una, baka kasi magtaray-taray yung anak ko, e. So, kinausap ko siya.

"Naintindihan naman niya and she’s happy naman for me.

"Ang tanong lang niya—bakit hindi niya nalaman agad. In-explain ko naman sa kanya kung bakit.

"In-explain ko naman sa kanya lahat na kahit nasa relasyon ako... Sabi ko, ’You should understand you’re mom is married already.

"Na hindi na rin kami puwedeng magbalikan. But we’re good friends. Hindi ka namin pababayaan.’"

Patuloy niya, "’But we might as well... Sooner or later, ganun din naman ang mangyayari sa akin, ikakasal din naman ako. I’m going to have my own family.

"Pero, first list—ikaw ang number one doon.’"

Non-showbiz ang ina ng anak ni Keempee, na dati niyang girlfriend. Pero tumanggi ang aktor na sabihin ang pangalan ng dati niyang girlfriend.

"Alam mo naman, bata. Baka magtampo, kaya in-explain ko sa kanya. Kumbaga, nandoon pa rin sa kanya ang atensiyon ko.

"Mabait naman yung girlfriend ko. Sinasabi nga niya na ’Ilabas natin ang baby mo.’ So, very understanding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun talaga ang dinasal ko, na ibigay sa akin na maintindihan ako no’ng taong mamahalin ko, at very open-minded."

Hindi raw nakikita ni Keempee ang sariling makipag-live in muna sa kasintahan. Mas gusto niyang ikasal muna sila nito bago sila magsama sa iisang bahay.

ISKUL BUKOL. Masuwerte si Keempee sa buhay niya ngayon dahil bukod sa maganda ang takbo ng kanyang lovelife, maayos ang daloy ng trabaho niya sa TV5.

Tuloy-tuloy na ang taping para sa bago niyang show—ang remake ng sitcom noong ’80s na Iskul Bukol, na pinagbidahan noon nina Tito Sotto, Vic Sotto, at ang ama ni Keempee na si Joey de Leon.

Pang-apat na itong project ni Keempee sa TV5, kabilang na ang umeere pa rin ngayong game show nila ni Eugene Domingo na Lucky Numbers.

"Thankful naman ako sa TV5 dahil binigyan naman nila ako uli ng project," nakangiti niyang sabi.

Sa remake ng Iskul Bukol, pangungunahan ni Keempee ang cast, kasama sina Sam YG, Alwyn Uytingco, Regine Angeles, at Erika Padilla.

Maliban sa ibang characters sa remake, ibang-iba na raw ang bagong version ng Iskul Bukol ngayon.

"Yung mga characters, may similarity sa una, pero marami na ring iba.

"Actually, matagal na processing kasi ipinaalam pa sa tatlo yun—kina Tito, Vic and Joey. It’s a big risk for us. Kasi nakatatak na yun, e.

"Ang hirap kasing tapatan nung tatlo, legend na yung mga yun. Kaya gumawa na lang kami ng sarili namin.

"Kaya ang ginawa namin, parang Friends na Glee na How I Met Your Mother, minus the musical pero pambata.

"Kung ano yung mga buhay ng mga college students, ipapakita dito. Pero yung mga kalokohan, yung mga kapilyuhan, nandoon pa rin."

Aminado si Keempee na malaking pressure sa kanila nang maibigay ang proyektong ito dahil sikat na sikat ang Iskul Bukol noong kapanahunan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaatang sa kanila nina Sam YG at Alwyn na parang sila ang Tito, Vic & Joey.

"Ang original kasi niyan, kami ang magkakasama nina Oyo Boy [Sotto, anak ni Vic] at ni Gian [Sotto, anak ni Tito].

"Ayaw nilang ikumpara sa shadow ng mga tatay. Kasi mahirap dahil iba na yung sinimulan no’ng tatlo, e.

"Nanghinayang din ako kasi iba yung Escalera na character, e. Gusto nina Oyo at Gian.

"Pero ang napag-usapan ng management, kailangan ibahin.

"Aware naman kami na hahanapin talaga. Na pag sinabing Iskul Bukol at Wanbol University—Tito, Vic & Joey ’yan. Pero it’s a big risk for us.

"Worst comes to worst, we have to do it kasi it’s an honor to do the show after so many years na ngayon lang ito ibabalik sa ere."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN