Angelica Panganiban bonds with her American father and other relatives in the U.S.

"Mas kaya ko na ngayon kasi alam ko na ang feeling. And siya yata ang hindi prepared. Siguro nakakalungkot, kasi pinuntahan ko kung saan siya lumaki. Inikot niya ako. Tapos, nakita niya ang mga anak niya, magkakasama sa isang kuwarto. Masyado siyang naging emosyunal. Moment niya ’to. Moment niya itong trip na ito," says Angelica Panganiban about her second meeting with her father Mark Charlson.


Muli na namang nagkita at nagkasama si Angelica Panganiban at ang kanyang American father na si Mark Charlson nang magpunta sa U.S. ang young actress, kasama ang ibang Star Magic artists para sa kanilang concert tour.

First time ding napanood ng kanyang ama si Angelica na mag-perform sa entablado.

Sa taped interview ng The Buzz kay Angelica na ipinalabas kahapon, May 8, ay ikinuwento ng young actress ang pagkikita nilang muli ng kanyang ama.

"Nagpunta sila ng New York, kasama yung fiancée niya.

"So, nakapanood sila ng show namin, ng Star Magic sa New York.

"At nakakatawa kasi yung dance ko, very conservative—naka-bra lang ako!" natatawa niyang sabi.

"Okay naman. Hindi naman siya yung daddy na...at saka, alam naman niya kung ano ang image ko rito.

"Medyo iba nga lang na nakikita niya. Kasi, kapag magkasama kami, tahimik lang ako at medyo seryoso ang pinag-uusapan namin.

"First time niya akong makita na artista nang live."

Dagdag ni Angelica, "Nakaka-proud siyempre na mag-perform sa harapan ng daddy mo, na never mong nagawa, di ba?

"And yung first time na yun, siyempre memorable din sa akin at memorable din sa kanya."

Bago ang concert, naipakilala raw ni Angelica ang ibang mga kasamahan niya sa kanyang ama.

"Nag-dinner kami pagdating ng daddy ko. Nakasama lang si Maja [Salvador] at saka si Mamang.

"Naging sobrang saya naman ng dinner kasi naging sobrang harutan siya. Tawa kami nang tawa."

FAMILY REUNION. After their meeting in New York, kasama ang adoptive mother ni Angelica na si Mommy Annabelle, pumunta sila ng Iowa kunsaan nakatira ang ama ng aktres at ang buong pamilya nito.

Dito nakilala ni Angelica ang mga nakababata niyang kapatid sa ama at ang lolo at lola niya.

"Sabi ko nga, parang nagawa ko na ang part ko bilang si Angelica. Yung ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, napuntahan ko na yung lolo at lola ko, nakita ko na sila. Nakita ko na ang mga tita ko ro’n, mga kapatid ko.

"Kumbaga, ang dami ko nang na-check sa mga kailangan kong gawin sa buhay ko," saad niya.

Aminado si Angelica na sa una nilang pagkikita ng ama ay naging emosyunal siya. Pero ngayon, ang daddy raw niya ang mas naging emosyunal.

"Mas kaya ko na ngayon kasi alam ko na ang feeling. And siya yata ang hindi prepared.

"Siguro nakakalungkot, kasi pinuntahan ko kung saan siya lumaki. Inikot niya ako.

"Tapos, nakita niya ang mga anak niya, magkakasama sa isang kuwarto.

"Masyado siyang naging emosyunal. Moment niya ’to. Moment niya itong trip na ito.

"Hindi niya akalain na magkikita-kita kaming magkakapatid at magkakasundo-sundo kami, and sobra siyang naging happy."

FATHER AND DAUGHTER. Sa panayam naman ng The Buzz sa ama ni Angelica na si Mark Charlson, ikinuwento nito ang pagkikita ng lahat ng kanyang mga anak.

"She met her sister and her brother—all three of them—and her grandparents. I think they hit it off this time.

"I’m the happiest dad in the world. The last time I was this happy was when my boys were born," sabi ni Mark.

Sinabi rin ng ama ni Angelica kung ano ang similarities nila ng kanyang anak na artista.

"There are a couple of things that are kind of the same.

"We have the same front teeth. Our feet are shaped the same.

"We both got a sense of humor. We like to laugh."

Nagpasalamat din si Mark sa adoptive mother ni Angelika na si Annabelle nang magkita sila.

"Annabelle? I love her. She’s a wonderful lady. I like her a lot. She likes my cooking," sabi nito.

Kinumpirma naman ito ni Angelica.

"Nag-thank you naman siya [her father]. ’Thank you...’ sabi naman niya. English, e, mahirap, huwag na lang!"natatawang biro ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano niya kamahal ang ama?

"Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa pamilya. So, hindi mo nasusukat.

"Siyempre, mahal mo yun, pamilya mo yun, e.

"Sa ngayon, palaki lang nang palaki ang pamilya mo, ang buhay mo.

"So, masarap yung feeling na ang dami mong puwedeng takbuhan, lalo na kapag may problema ka.

"Ang dami-daming nandiyan para sa ’yo. Ang dami-daming magpoprotekta sa ’yo."


COMING TO THE PHILIPPINES. Aminado naman ang daddy ni Angelica na kahit ilang linggo pa lang sila nagkakalayo, gusto raw niyang makitang muli ang anak. But this time, sa Pilipinas na.

"Oh, yeah, I miss her a lot and I’d like to see her again soon.

"I’d go to the Philippines if I can get there. I’m looking forward to getting back there.

"I’d like to spend a bit of time there, maybe a month," sabi ni Mark.

Isa raw sa gustong makilala nang personal ng ama ni Angelica ay ang boyfriend ng kanyang anak na si Derek Ramsay.

"If they wanna get married, I’m all for it. They make each other really happy," sabi nito.

Very proud nga raw si Mark sa kanyang panganay.

"She’s beautiful. Of course, everybody knows that.

"She’s very talented, very, very generous.

"If she’s got something and she wants to share it, then she’s going to share it.

"She gave me a watch, a camera, a sunglasses, and some clothes.

"Mahal kita, anak," sabi ni Mark sa wika ng kanyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN