Regine Angeles turns freelancer; reveals reason for changing managers

"At least, nai-experience ko naman kung paano magtrabaho sa iba’t ibang network, hindi yung nakatali ka sa isang station," says Be Bench winner Regine Angeles about being a freelancer.


Kabilang na rin ang Be Bench female winner na si Regine Angeles sa mga artistang tumawid ng TV5 mula sa kanilang home studio para magtrabaho.

Homegrown talent ng ABS-CBN si Regine mula nang manalo siya sa model search ng Bench, kasama si Carlo Guevarra. Nauna nga lang lumipat ng GMA-7 si Carlo, na naging Carl Guevara na ang screen name.

Kasama si Regine sa cast ng Iskul Bukol ng TV5, na kinabibilangan din nina Keempee de Leon, Sam YG, at sina Alwyn Uytingco at Erika Padilla na parehong nagsimula sa Kapamilya network.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Regine, sinabi niyang freelancer na siya mula nang matapos ang kanyang kontrata sa ABS-CBN.

Ang manager niya ngayon ay si Manny Valera.

Wala pa raw siyang pinipirmahang kontrata sa TV5 kaya malaya siyang gumawa ng iba pang projects sa ABS-CBN o sa GMA-7 kung may offer ang mga ito sa kanya.

BIG STAR. May nakahandang paliwanag si Regine kung bakit hindi siya nabigyan ng chance na maging big star sa ABS-CBN gayong sunud-sunod na ang projects niya.

"Hindi naman lahat ng artista, dumadaan sa gano’n," sabi niya.

"Like si Erich [Gonzales], ang tagal bago... Ilang taon muna ang pinaghintay niya mula nang nanalo siya sa Star Circle Quest. Etong mga nakaraang taon lang siya nabigyan ng break.

"Hindi naman ako gano’n. Hindi naman ako matampuhin.

"Like ako naman, noong una naman, nabibigyan nila ako ng atensiyon. At hindi naman ako maarte sa project, as long as may trabaho ako.

"Yun lang naman ang gusto ko."

Ikinagulat ni Regine ang assessment ng ilan na kaya hindi raw nagkainteres ang Kapamilya Network na bigyan siya ng build-up contract dahil sa hindi raw niya pagpapa-sexy at pagtanggap ng kissing scenes at love scenes.

"No, that’s not true," tanggi ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dyusko, kung anu-ano ang pinaggagawa ko sa ano... Kung napanood n’yo yung Tayong Dalawa, nagpapahalik ako kay Baron [Geisler], kay Coco Martin.

"Ilang beses kong pinaggagawa ’yan.

"Dyusko, may isang teleserye na dalawa o tatlong lalake ang nakahalikan ko! Deadma na lang.

"Noong una siyempre, hindi ka sanay. Pero pag naano mo na siyempre, kailangan mong gawin bilang artista kailangang gawin mo."

TALENT FEE. Nagtataka nga si Regine kung bakit sinasabi sa kanya ng marami na naudlot ang pagsikat niya sa ABS-CBN.

"Talaga? Hindi ko naramdaman. Although, very supportive naman sila," pahayag niya.

"Eto, aaminin ko sa inyo, ha... Siyempre, pag bago kang artista, hindi gano’n kalaki ang talent fee.

"Parang yun lang ang hinihingi ko, na kahit tumaas siya ng konti sa Star Magic.

"Pero I understand na lahat talaga dumadaan sa gano’ng phase. Pero kasi, it’s been three years and...five thousand lang," pagtatapat niya.

"I swear, it’s been three years! Per taping day yun, regardless of how many hours I stayed in a taping.

"For three years, five thousand lang talaga. And I was asking na baka puwede naman pong madagdagan or tumaas.

"Ang hindi ko maintindihan, maybe because sa handler ko ba?

"Pero yung iba ko namang kilala, hindi naman gano’n. Nagtataka ako kung bakit gano’n na ang tagal.

"Ang ipinagtataka ko pa, pag nagwa-Wowowee ako, ang TF ko, P10K. Pero pag taping ko, P5K.

"Mas malaki pa yung mga guesting ko. Kaya nga nagtataka ako!" natatawang sabi ni Regine.

Sinubukan ng PEP na kunin ang reaksiyon ng Star Magic tungkol sa pahayag na ito ni Regine, pero hindi pa nila sinasagot ang aming text message.

TIMES FOUR. Sa TV5 daw ay apat hanggang limang beses ang itinaas ng talent fee ni Regine kumpara sa dati. Pero depende raw ’yon sa kung anong show ang lalabasan niya sa programa ng Kapatid Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No’ng lumipat ako ng manager, nagawan niya ng paraan, even with ABS-CBN," nakangiti niyang pahayag.

"Pero in all fairness naman sa Star Magic, hindi naman sila nagka-cut pag P100K and below.

"Pag 100K and above, doon na sila magka-cut ng reasonable percent naman.

"Pero yung mga outside shows naman na raket, malalaki naman yung mga ibinibigay nila. Doon naman ang bawian.

"Kasi siguro dahil in-house talent ka kaya gano’n.

"Ang tagal nga bago ako nakabili ng kotse. Ang hirap pag-ipunan.

"Biruin mo, yung kinikita mong limang libo... Kunwari ang location mo Subic, pang-gas mo P2K. Magkano ang matitira sa ’yo, di ba?

"Kawawa... Kaya dati iniisip ko, sasabay ba ako sa pullout o ano? Yung mga simpleng factors para makatipid ka.

"Tapos yung mga damit mo pa. Buti na lang may sponsors. Kung wala, talaga kawawa," saad niya.

Pero idiniin ni Regine na malaki rin naman ang nagawa sa kanya ng ABS-CBN.

"Ang laki ng utang na loob ko sa kanila," sabi niya.

"Marunong naman akong tumanaw ng utang na loob.

"Of course, with Sir Ben Chan [Bench owner]. Siya ang may kagagawan kung bakit ako nandito sa showbiz ngayon, and kinupkop naman ako ng ABS-CBN."

Masaya si Regine sa takbo ng career niya dahil sa pagiging freelancer niya.

"At least, nai-experience ko naman kung paano magtrabaho sa iba’t ibang network, hindi yung nakatali ka sa isang station," nakangiti niyang sabi.

FHM COVER GIRL. Si Regine ang cover girl noong April issue ng FHM Magazine.

Inakala naming pansamantala muna siyang tumiwalag sa pagiging miyembro ng Iglesia Ni Cristo para lang makapag-pose sa nasabing men’s magazine.

Isa kasi sa mga ipinagbabawal ng INC ay ang pagpapa-sexy ng kanilang mga kapanalig sa kahit na anong form ng entertainment.

"Medyo strict sila when it comes to liquor, ganyan-ganyan," sabi ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, sinabi ko nga sa inyo yung Tanduay? Every year kinukulit nila ako. Tinataasan nila.

"Nag-start sa P1.2 million, tapos naging P1.8 million. Tapos naging P2.5 million pesos.

"Hanggang ngayon, promise, kahit ilang beses mo silang tanggihan, kinukulit ka nila, nakaabang sila.

"Gano’n, e. May mga bagay na hindi mo puwedeng i-give up for the sake of money.

"Naisip ko na kikitain ko naman siya sa ibang paraan.

"In fairness after the FHM issue, marami nang tumatawag kahit hindi na liquor," sabi niya.

Nakipag-compromise raw ang FHM kay Regine sa mga dapat at hindi niya dapat gawin para sa kanyang pictorial.

"Hindi ako puwedeng naka-two piece. Bawal akong bumukaka.

"Maraming mga gano’ng eksena. Naka-two piece ako sa pictorial, pero pinagtakip naman nila ako.

"Dyusko, nag-away kami nang bongga ng nanay ko! Ayaw niyang pumayag.

"Sabi niya, ’Matitiwalag ka! Wala namang bayad diyan! Wala kang mapapala diyan! Blah-blah!’

"Sabi nga niya sa akin, ’Wala ka namang mapapala diyan, hindi ka naman babayaran, ano! Mag-Tanduay ka na lang!’

"Pinag-awayan namin yung FHM, sobra!

"Tapos, nagpaalam pa ako sa church [INC]. Sabi ko, ’Ay, ano po ang nangyari, kinomit na ako ng manager ko. E, pag nag-backout daw po ako, magbabayad ako ng danyos.’

"Actually, pinagsulat ako ng letter na hindi ko raw ipapahiya yung... Natatakot kasi sila. ’Sigurado ka? Pumayag ka?’

"Kasi natatakot sila na porke’t ang FHM may reputasyon na nakahubad, ganun-ganun.

"Sabi ko, ’Hindi po, pumayag po sila kung ano ang gusto ko.’

"Sabi nila, ’Sigurado ka? Pumayag sila?’

"Opo.’

"No’ng lumabas ang magazine, wala naman akong narinig mula sa kanila.

"Then, no’ng pumayag yung church, pumayag na rin ang mommy ko," kuwento ni Regine.

Proud si Regine sa kanyang mga larawan sa FHM. Mas gusto nga raw niya ang inside shots niya sa magazine kaysa sa larawan niya sa cover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat may mga limitasyon si Regine sa kanyang pagpapa-sexy, hindi naman sarado ang utak niyang gampanan ang daring roles pag kailangan.

"Pero ako naman, pag eksena sa mga shows, hindi naman maarte.

"Pag halikan at bed scene, ginagawa ko ’yan. Kasi naiintindihan naman nila yun dahil trabaho yun, umaarte ka lang.

"Pag nag-e-endorse ka, pangalan mo talaga yung nakalagay doon," sabi niya.

Wala pang maibigay na kumpirmasyon si Regine kung rarampa siya sa FHM Sexiest Women this year. Nakadepende raw iyon sa magiging ranking niya sa listahan ng 100 Sexiest Women of the World.

VILLAINESS. Ang career path na gustong tahakin ni Regine ay ang pagiging kontrabida.

"Gusto ko yung pagiging villainess ko, yun ang gusto kong forte.

"Kasi nong naging kontrabida ako sa Tayong Dalawa sa ABS-CBN, napansin ako.

"Tuwing lalabas ako, sinasabi nila na ang galing ko raw."

Pero sa Iskul Bukol, manang at conservative ang role na ibinigay sa kanya.

"Oo nga, e. Kasi yung FHM ko, sexy ako. Sa bago kong show, binalutan nila ako nang maigi.

"Pero okey lang para maiba naman, at isa ako ditong probinsyana. Ang mga damit ko dito, saya kung saya.

"Ang role ko dito, estudyante na wala akong kamuwang-muwang sa mundo. Baduy ako, manang.

"Pero sa mga susunod na episodes magkakaroon yata ako ng makeover," banggit niya


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN