Pilar Pilapil on stabbing incident: "It’s a miracle. The Lord has performed another miracle for me."

"This has a purpose and I should serve Him with His purpose. This isn’t a good experience but I should learn a lot from this. God gave me this to test my strength," says Pilar Pilapil about the unfortunate incident that happened to her last month.


Kung may positibo mang resulta ang hindi magandang pangyayari kamakailan sa buhay ng batikang aktres na si Pilar Pilapil, ito ay ang mas lalong tumibay ang kanyang paniniwala sa Panginoon.

Matatandaan na noong gabi ng April 14, Huwebes, naging biktima ng karahasan ang dating beauty queen.

Kasabay ng pagka-carjack ng kotseng kanyang sinasakyan, nagtamo rin ng ilang mga malalalim na saksak si Pilar mula sa mga suspek.

Kasama niya noong gabing iyon ang pamangkin ng kanyang asawa, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ng mga awtoridad. (CLICK HERE to read related article)

Sa eksklusibong panayam ni Boy Villasanta ng ABS-CBN News, inalala ni Pilar ang mga pangyayari noong gabing iyon.

Bukod sa pag-iisip kung paano siya makakaligtas, naisip din umano ni Pilar na ipagdasal ang mga masasamang loob na sumaksak sa kanya.

"I prayed hard. Gano’n pala ’yon.

"The only thing that came out of my mind was ’Lord, please help me! Lord, please help me! Touch the hearts of these men.’

"They could have stabbed me in my neck but they didn’t. Thank God!

"Just the same, it was horrible."

Pagkatapos ay isinalaysay niya kung paano siya nakahanap ng tulong matapos siyang iwan ng mga suspek sa isang madilim at isolated na lugar sa Antipolo. (CLICK HERE to read related article)

"I crawled and then I got up. Blood was dripping all over me.

"I walked my way to ask for help but I couldn’t find anyone."

Katulad ng kuwento ng mga tumulong kay Pilar, na nailathala dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi kalayuan mula sa lugar na iyon ay makikita ang maliit na bahay na tinutuluyan nila.

At doon na nga humingi ng tulong si Pilar.

Kuwento pa niya, "Nagpahinga muna ako sandali. I was already tired and I couldn’t breathe easily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Until I saw a lighted house, so I walked again and finally reached it.

"I presented myself as Pilar Pilapil and they were all shocked.

"It’s good the family had a [Ford] Fiera so they brought me to the hospital."

"IT’S A MIRACLE." Itinuturing ni Pilar na isang himala ang pangyayaring ito sa buhay niya.

Sa katunayan, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakaligtas siya sa anumang kapahamakan.

"It’s a miracle. The Lord has performed another miracle for me," sambit niya.

"Imagine, pinagsasaksak na ako, pero hindi bumaon nang todo.

"Pinatigil talaga ng Panginoong Diyos. Sinabi Niya na ’Hanggang d’yan lang ’yan.’

"Dumugo siya pero, di ba, puwedeng may tama na ang kidney ko o ang liver ko, pero wala?

"Ang tinamaan lang ay ang left lung ko kaya ito ang dapat na may therapy. I was advised to swim a lot para mabalik ang lakas ng baga ko."

Kaya naman bilang pasasalamat sa pagkakaligtas ng kanyang buhay, nangako si Pilar na mas pagbubutihin pa niya ang pagsisilbi sa Panginoon.

"This has a purpose and I should serve Him with His purpose.

"This isn’t a good experience but I should learn a lot from this.

"God gave me this to test my strength," sabi niya.

Nagpapasalamat din si Pilar sa mga kaibigan at iba pang mga hindi niya kilalang mga tao na nagpaabot ng kanilang pag-aalala sa kanyang kalagayan.

"I couldn’t imagine that friends from long, long time ago were around to wish me well.

"Imagine, [former actor] Romeo Vasquez came all the way from the U.S. just to pay me a visit at the hospital.

"Romeo is a good friend and he immediately went to my room in the hospital."

"Akala raw niya, e, gimik lang ’yon, but when he saw me black and blue, he right there and then believed it was true."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VAGINA MONOLOGUES. Tulad ng inaasahan, hindi na nagampanan ni Pilar ang dapat sana’y parte niya sa stage play na The Vagina Monologues noong nakaraang buwan sa Teatrino, Greenhills, San Juan.

Gayunman, marami pa rin umano ang nagpunta upang alamin kung ano sana ang gagawin ni Pilar.

Nagbigay-pugay rin ang mga kasamahan ni Pilar sa naturang stage play matapos ang programa.

Ayon sa direktor nito na si Mia D’Bayan, "During the curtain call, after we offered a rose to the Women’s Crisis Center, I was holding on to another rose for Ms. Pilar Pilapil.

"We offered it to her while her photo was being flashed on the giant screen.

"It was a standing ovation and you could see the faces of all of the audience.

"They were all proud of Pilar."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN