Enchong Dee answers rumor he is courting Mara Clara star Julia Montes

"Sa palagay ko, masyado pang maaga at bata pa siya. Julia is 16, I’m 21. Basta right now, we’re friends. Hindi ko naman ide-deny na lumalabas kami, but not just [by] ourselves," says Enchong Dee about Julia Montes.


Naging palaisipan ang identity ng showbiz girl na sinasabi ni Enchong Dee na kanyang nililigawan ngayon. (CLICK HERE to read related story.)

Kahit anong pilit kay Enchong na magbigay ng kahit kaunting clue kung sino nga ba ang tinutukoy niya, laging maingat ang young actor sa katauhan ng sinasabi niyang nagpapatibok sa puso niya ngayon.

Nitong mga nakalipas na araw ay sumulpot ang pangalan ng Mara Clara star na si Julia Montes, na siya raw dinidiskartehan ng young actor.

Sinundan pa ito ng balita na madalas raw nakikitang lumalabas ang dalawa kasama ang mga kaibigan nila at dating kasama sa programang Shoutout.

"Hayaan na lang muna natin yung mga ganung issues," sabi ni Enchong nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

"Sa palagay ko, masyado pang maaga, at bata pa siya. Julia is 16, I’m 21.

"Basta right now, we’re friends. Hindi ko naman ide-deny na lumalabas kami, but not just [by] ourselves."

Patuloy niya, "Mabait siya. Sabi ko nga, bibihira ang mga artistang tulad niya na hindi pa nakakain ng [sistema] ng showbiz.

"So, I’m happy na mayroon akong kaibigan na ganun."

Sa tanong ng PEP kung hihintayin ba niya ang right age na puwede nang ligawan at makipag-boyfriend si Julia, walang linaw ang sagot sa amin ni Enchong.

"Tingnan natin. Mahirap kasing magsalita ng tapos, e," aniya.

STAR MAGIC TOUR. Isa si Enchong sa mga artistang nakasama sa Star Magic Tour sa U.S. Hindi lang nakapag-bond si Enchong sa mga kapwa niya taga-Star Magic talents kundi nakasama rin niya ang kanyang mga lolo at lola.

"Sa Star Magic Tour, ang dami-dami pala nating mga Kapamilya na sabik na sabik na makita ang mga iniidolo nila.

"Tapos, ang daming regalo! Maraming-maraming salamat sa mga nagbigay ng regalo sa akin at sa mga nanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, sobrang suwerte ko na nakasama ako dun. Kasi yung mga nakasama dun, sobrang nire-request ng mga TFC subscribers natin, at makikita mo talaga kung gaano nila ina-adore yung mga Kapamilya stars.

"Sabi ko nga, buti na lang nakasama ako sa Star Magic tour na ito.

"Kakaunti lang yung oras ko with the Kapamilya artists, kasi kasama ko palagi ang mga lolo at lola ko. And I think, yung kakaunting oras na yun, tsinerish na talaga namin.

"Sa mga lolo at lola ko, alam mo yung gusto nila akong dalhin sa lugar na ito kasi talagang sine-share nila ako sa mga relatives namin.

"Kaya nga ako, I don’t have more time sa mga co-artists ko, kasi talagang kasama ko ang mga relatives ko palagi."

THE VIEW. Ang pagsama ni Enchong kay KC Concepcion sa studio ng American talk show na The View ay naging way rin para makita ng young actor ang ilan sa Hollywood stars na hinahangaan niya.

Kuwento niya, "Mayroon kasi silang apat na tickets. Nagkataon na tatlo lang sila na pupunta, kulang ng isa.

"Sabi ko, ’Sige, sige, ako na lang!’ Kasi gusto ko rin makakita ng mga artista dun.

"Nakita ko sila Barbara Walters, si Whoopi Goldberg...kasama sila sa The View. Sumisigaw ako, ’Whoopi! Whoopi!’

"Nakita ko rin yung mga stars ng Modern Family. Tapos nung pauwi na kami, nakasabay namin sa eroplano si Rain."

Si Rain ang sikat na Korean singer-actor na gumanap sa Koreanovela na Full House at sa Hollywood movie na Ninja Assassin.

Patuloy niya, "Nagpa-autograph talaga ako. Mabait siya saka iba pala siya pag sa personal.

"I think it’s just a perfect time for me to to be myself, to go back to your original self, na kahit ako, I’m a fan.

"Kanina nga, nakasalubong ko si Joel Torre. Napahinto ako, e. I look up to Joel Torre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Tito Aga, nagpa-picture din ako. Tapos sabi niya, ’Jollibee family na tayo.’

"Honestly, I’m a big, big fan."

AJ PEREZ’S DEATH. Habang nasa Star Magic tour si Enchong, saka naman nangyari ang aksidente kay AJ Perez na kumitil sa buhay ng young actor.

Magkasama ang dalawa noon sa all-male group na Gigger Boys.

"The moment that I found out, I just prayed," sabi ni Enchong.

"I’m so thankful na magkakasama kami buong grupo nung nalaman namin yun, we just prayed.

"Ako, honestly, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kay AJ."

MARIA LA DEL BARRIO. Tinanong din namin si Enchong kung bakit na-move ang airing ng pinagbibidahan nilang serye ni Erich Gonzales sa ABS-CBN, ang Maria la del Barrio.

Nabalita kasing ipalalabas na ito, pero biglang hindi natuloy.

"To be honest, kinakabahan ako pag tinatanong nila ako kung kailan nga raw ba, kasi wala akong maisagot.

"But at the same time, nakakatuwa kasi ang daming naghihintay.

"There’s certain adjustments lang para sa ikagaganda ng show.

"Basta may maganda kaming balita na dapat abangan nila," sabi ni Enchong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN