Matthew Mendoza on Alakdana lead star Louise delos Reyes: "She will be a very, very big star someday because of her talent."

"May sariling style na si Louise when she’s on the set. Parang na-master na niya. She can turn it on and turn it off anytime she wants," says Matthew Mendoza about the acting style of his Alakdana co-star Louise delos Reyes.


Last episode na ng top-rating afternoon telefantasya ng GMA-7 na Alakdana ngayong Friday, May 13.

Sobra ang pasasalamat ng buong cast ng Alakdana dahil simula noong umere ito last January 2011 ay hindi ito nawala sa number one spot sa kanyang oras.

Kabilang ang former heartthrob na si Matthew Mendoza sa mga proud na naging part ng cast ng Alakdana.

Gumanap si Matthew bilang si Vergel, ang ama ni Adana, ang babaeng alakdan na ginampanan ni Louise delos Reyes.

"I’m very happy that I became part of the cast of Alakdana. Ito nga ang first show na ginawa ko sa pagpasok ng 2011.

"So, in a way, suwerte sa akin ang telefantasya na ito," sabi ni Matt sa farewell presscon ng Alakdana na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Building last May 9.

"Lahat naman kami sa show ay masayang-masayang kasi nga parating maganda ang ratings namin and maraming nae-excite sa mga episodes namin.

"First time ko kasi gumawa ng ganitong klaseng series and nag-click nga siya sa televiewers.

"Hindi namin ini-expect na it would be one of the top-rating shows of GMA-7.

"Kaya every taping day namin ay masaya kaming lahat kasi nga parating may good news sa amin ang staff in regards sa rating ng show.

"Akala ko nga na ang role ko as Abner ay short lang, pero mula sa simula at sa pagtatapos ng Alakdana ay nandoon ako.

"Nitong last week lang ng Alakdana namatay ang character ko. It was because iniligtas ko ang buhay ng aking anak na si Adana."

Inamin ni Matt na ang mga last few episodes niya sa Alakdana ang pinakamahirap dahil nabigyan siya ng mga mahahabang dialogue.

"Pina-drama talaga ako ni Direk Mac [Alejandre].

"I’m not used talaga in delivering long lines, lalo na in Tagalog. Medyo nabubulol tayo," tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But that scene na pinagtanggol ko si Adana sa mga taong gustong saktan siya was one of the most challenging scenes for me in the series.

"Kasama na siyempre ang naging death scene ko.

"I was able to pull it off kasi magagaling ang mga katrabaho ko sa series.

"Kailangan kasi galingan mo para hindi ka mapahiya sa mga katrabaho.

"And I think I did a good job doing those scenes."

IMPRESSED BY NEW GENERATION OF ACTORS. Bilib nga si Matt sa mga nakatrabaho niyang mga bagong henerasyon ng artista.

Lalo na raw sa bidang si Louise delos Reyes, pati na sina Joanna Marie Tan, Paulo Avelino, at Alden Richards.

"Kapag nakikita ko sila sa set, I can’t help but reminisce noong nagsimula ako sa showbiz 15 years ago.

"I was like them din na bago and entering a new world.

"Ang pagkakaiba lang ng mga young actors ngayon ay mas alam na nila ang mundong papasukin nila.

"Yung iba kasi sa kanila ay produkto ng mga reality artista-search on TV.

"Walang ganyan noong panahon ko.

"Kumbaga, prepared na sila at nakapag-acting workshop na sila.

"Kaya nakakabilib ang mga pinapakita nilang pag-arte.

"They are very professional and committed sa trabahong binibigay sa kanila.

"In my case before, I was just doing TV commercials, tapos napasok ako sa paggawa ng movies kaagad.

"Hindi ko nga matandaan kung nakapag-workshop ba ako o hindi.

"It all happened so fast for me noon. I did movies na sunud-sunod.

"Unlike ngayon, maraming pagdadaanan ang mga baguhang artista before they can be given good projects on television.

"Ang maganda rin ngayon ay inaalagaan na sila ng mga TV networks at kinokontrata sila.

"Kami kasi noon, film companies ang nag-aalaga sa amin."

ON CO-STAR, LOUISE. Nakikita nga ni Matt na malayo ang mararating ni Louise dahil very talented ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakagulat lang kasi sa edad ni Louise ngayon, she can express so much emotions.

"Kapag magkaeksena nga kami, napapabilib niya ako.

"Kapag kailangan niyang umiyak nang todo, gagawin niya in one take.

"Pero after the take, makikita mong masaya siyang nakikipagkuwentuhan sa set.

"May sariling style na si Louise when she’s on the set. Parang na-master na niya.

"She can turn it on and turn it off anytime she wants.

"She will be a very, very big star someday because of her talent," diin niya.

LEARNING FROM JEAN AND JOBELLE. Patungkol naman kina Jean Garcia at Jobelle Salvador, na first time niyang nakatrabaho, hindi raw mararamot ang mga ito pagdating sa trabaho.

"Nagtutulungan kami parati.

"Mahusay pareho sina Jean and Jobelle, and it’s been a privilege working with them.

"Mami-miss ko ang dalawang ’yan kasi marami akong natutunan sa kanila as far as being an actor is concerned.

"Mami-miss ko rin ang dalawang ’yan dahil sa mga pagkain na dala-dala nila parati sa set.

"Masasarap parati ang mga dala nilang baon!" tawa pa niya.

MISSING HIS MOM. Noong nakaraang Mother’s Day ay nakaramdam ng lungkot si Matt dahil sumakabilang-buhay ang kanyang mother—si Linda Ann Winter Kniazeff-Mendoza—nitong January 2011 lamang.

Very close si Matt sa kanyang ina at sobra niya itong na-miss.

"It was very sad nitong nakaraang Mother’s Day.

"I always greet my mom and give her a warm hug on Mother’s Day.

"Even my kids, close sila sa lola nila.

"Ngayon, pare-pareho naming nami-miss si mommy.

"But we all know that she’s in a better place now. But we truly miss her a lot."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN