Ai-Ai delas Alas claims she has been celibate for some time

"Wala po, hindi ko po pinapagalaw yung mukha ko kasi natatakot ako. Baka hindi magpantay, baka pumasok yung baba ko, baka gumanun. So, natatakot po ako," says Ai-Ai delas Alas.


Hindi man lang pinag-isipan ni Ai-Ai delas Alas ang sagot niya sa tanong kung ang billboard niya para sa Flawless ang pantapat sa billboard ni Ruffa Gutierrez para sa Belo Medical Group.

"Yes!" ang walang kagatul-gatol na sagot ni Ai-Ai sa presscon ng Flawless kaninang tanghali, May 12, sa 55 Events Place sa Tomas Morato, Quezon City.

Pero kumpara raw sa mga billboard ni Ruffa ay hindi raw ganun ka-sexy ang sa kanya.

"Hindi, hindi masyadong sexy. Tama lang.

"Ayaw nilang masyado, kasi baka mabunggo sa Edsa!" pagbibiro pa ng comedienne sa mga driver na dumadaan sa kahabaan ng Edsa.

"Saka kasi, di ba, yung image ko—Tanging Ina—ayaw ng mga bata na kita ang mga panty, alam mo na."

Pero wala naman talagang kumpitensiya dahil sister companies ang Flawless ni Ruby Coyiuto at Belo Medical Group ni Dra. Vicki Belo.

Dati ring endorser ng Belo si Ai-Ai.

Pakuwela rin ang naging sagot ni Ai-Ai nang tanungin kung anong preparasyon ang ginawa niya para sa pictorial niya kay Jun de Leon.

"Wala, as is. Eto na ’yon. Paggising ko, piniktoryal, nilagay na sa billboard. Yun na ’yon, walang Photoshop!"

Pero sa seryosong usapan, inamin ni Ai-Ai na may inayos sa napakalaking billboard niya na nakapuwesto sa Guadalupe.

"Yung tattoo ko lang sa likod. Saka medyo inano lang yung konting-konting puti. E, ganun naman talaga, para kitang-kita... As is, where is!" sabi pa niya.

FORMER ENDORSER. Dahil si Ai-Ai ang pinakabagong endorser ng Flawless, nabanggit ng isang columnist ang isang aktres na dating kaibigan niya na naging endorser din ng beauty center.

"A, oo nga!" bulalas ni Ai-Ai nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng nagtanong.

"E, ganun talaga, saka move on. Saka siguro ang buhay natin, di ba, lahat ng sugat ay nahihilom ng panahon?

"So, kung friend ko siya noon, naging enemy ko siya, friend ko pa rin siya ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbiro naman si Ai-Ai na wala na raw nakakakilala sa kaibigan niya nang may nagtanong kung sino ang tinutukoy niya.

Ang dating kaibigan at dating endorser ng Flawless na tinutukoy ay si Rosanna Roces.

SURGICAL PROCEDURE. Dahil sa pag-e-endorse niya ng age-defying beauty products, naitanong din kay Ai-Ai kung nag-undergo na ba siya ng surgical procedure para iparetoke ang isang parte ng kanyang katawan.

"Honestly, mayroon po akong ginawang operasyon, pero hindi ’yon Flawless, and hindi puwedeng sabihin kung saan, kasi ayaw din ng doktor," sabi niya.

Pero sinabi ni Ai-Ai na wala pa raw siyang pinapabago sa mukha niya.

"Wala po, hindi ko po pinapagalaw yung mukha ko kasi natatakot ako.

"Baka hindi magpantay, baka pumasok yung baba ko, baka gumanun.

"So, natatakot po ako," medyo nagbibiro niyang sabi.

Dagdag ni Ai-Ai, "Saka siyempre, sa showbiz, di ba, pag nagpa-tsuk [retoke], ’Ano ba naman ’yang si ano? Nakita mo ba ang lola mo?’ Yung ganun.

"Ayoko nun, ayokong pag-usapan ng ganun! Okay na lang yung ganito.

"Basta po yung mukha ko, hindi ko talaga pinapagalaw. From neck pababa, ayan, puwede."

Dahil nabanggit ni Ai-Ai ang "pinapagalaw," may nangahas namang magtanong kay Ai-Ai kung kailan siya huling "nagpagalaw."

"Galaw ba ng lalake o galaw ng operasyon?" balik-tanong naman ng reigning Box-Office Queen.

"Galaw ng lalake...ako na raw yung sumagot!" tawa niya.

"Wala, hindi na ako nagpapagalaw. Oo nga! Totoo."

Pero inamin ni Ai-Ai na "nami-miss" na rin niya ito.

"Nagpe-pray nga ako, sabi ko, ’God, tutal wala pa namang movie, puwede bigyan Mo muna ako ng chever!’

"Hindi... Kasi po, pag may movie, from the time na nagsu-shoot ’yon, until ma-showing, after po ng showing, celibate po ako talaga.

"Kaya minamadali ko si God, ’Bilisan Mo na, malapit na yung movie,’" natatawa niyang sabi.

Ngayong wala pa siyang pelikulang ginagawa at nagkataong endorser pa siya ng beauty products, may nangahas muling magtanong kay Ai-Ai kung sino naman ang gusto niyang "makinabang o magpasasa" sa "flawless" niyang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi makasagot nung una si Ai-Ai, pero dahil kilala ito na walang inuurungang tanong, sumagot din siya kinalaunan.

"Siyempre, Brad Pitt, ’no! Angelina Jolie ako sa Flawless, e. Siyempre dun ako sa pangmalakasan."

Sa local naman?

"E, di siyempre si Aljur Abrenica na," mabilis niyang sagot.

Ano ang gusto niyang gawin ni Aljur sa kanya?

"Paputiin niya ako sa pamamagitan ng..." bitin na sagot ni Ai-Ai na ikinatawa ng lahat.

BEAUTY QUEEN. Gaya ng karamihan ng mga kababaihan, nangarap din pala noon si Ai-Ai na maging isang beauty queen.

"Kaso," ani Ai-Ai, "na-realize ko noong college ako, nung pinagtatawanan na nila ako pag meron kaming palabas, sabi ko, hindi siguro ako pang-beauty queen.

"Parang natatawa sila sa akin?

"Pero hindi ko na kailangang maging beauty queen, hindi ko na kailangang sumali sa mga competition, kasi beauty is in the eyes of the beholder."

Dahil ang Mayo ay buwan ng mga Santacruzan, natanong din si Ai-Ai kung nakasali na siya sa ganitong parada.

"Oo, sa amin, sa Baesa, Novaliches. Nasali naman ako sa mga Santracruzan," sabi niya.

Naging Reyna Elena ba siya o Emperatriz?

"Hindi naman, yung bandang medyo sa gitna na. Hindi na ako umabot sa dulo, gitna lang ako!

"Hindi masyado, half-half lang yung beauty kaya hindi ako pang-Reyna Elena!" nakakatawang sagot ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN