Bea Alonzo denies snubbing Gerald Anderson at Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards

"Hindi naman deadmahan. Ang layo kasi ’yong upuan ko. Kahit nga sila Nanay Ai [Ai-ai delas Alas] hindi ko napuntahan. Alangan naman, ang awkward naman na pupunta ako sa dulo just to say ’hi’ to them," Bea Alonzo said to deny her alleged snub of Gerald Anderson during the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards last Tuesday, May 10.


Isang karangalan sa pag-arte ang muling natanggap ni Bea Alonzo mula sa taunang Box Office Entertainment Award ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, na ginanap noong nakaraang Martes, Mayo 10, sa RCBC Plaza sa Makati.

Kahit na ilang beses na rin siyang nakakuha ng award na tulad nito, lubos pa ring ikinatuwa ng 23-year-old actress ang pakakatanghal sa kanya bilang "Film Actress of the Year."

Ito ay para sa pelikula niyang Miss You Like Crazy noong nakaraang taon.

"Sobrang happy, kasi for them to recognize you as a ’Film Actress of the Year,’ sobrang nakakatuwa," sabi ni Bea sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang media.

Ito ay naganap matapos ng event ng kanyang ini-endorsong hair product, ang Clear, na ginanap kahapon, May 12, sa Midas Hotel, Roxas Boulevard, Pasay City.

Para kay Bea, nakakataba raw ng puso ang ganitong uri ng pagkilala sa industriya.

"Whenever I get a project, I put my heart and soul to it. So, kapag nare-recognize, it feels good na naa-acknowledge nila ’yong work ko."

NO SNUBBING INCIDENT. Inamin ni Bea Alonzo na nahuli siya ng dating sa naturang parangal. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit may bali-balitang hindi niya pinansin ang dating na-link sa kanya na si Gerald Anderson.

Kasama naman ng binata ang kanyang long-time onscreen partner na si Kim Chiu noong gabing iyon.

"Hindi naman kami nagde-dedmahan. Define dedmahan. Hindi naman dedmahan," sabi ni Bea sa press.

Pagkatapos ay ipinaliwanag niya, "Ang layo kasi ’yong upuan ko. Kahit nga sila Nanay Ai [Ai-ai delas Alas] hindi ko napuntahan.

"Alangan naman, ang awkward naman na pupunta ako sa dulo just to say ’hi’ to them.

"Parang nakakahiya, kasi medyo late ako ng dating. Kasi, galing ako ng photoshoot, so I went straight to the awards night."

Para kay Bea, mainam na raw iyon kaysa naman sa lumapit pa siya sa kinauupuan ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ni Bea, "Parang nakakahiya naman na gagawa ako ng eksena.

"I’m sure, lahat ng tao... Hello, alam naman natin na kung lumapit pa ako, mas malaking bulungan ’yon, di ba?

"So, bakit ko pa gagawin ’yon? It’s better this way."

Sa kabila ng ganitong usap-usapan, nilinaw naman ni Bea na walang problema sa pagitan nila ng dating rumored boyfriend na si Gerald.

Aniya, "Alam mo ’yong kapag kami-kami lang naman, parang wala namang isyu.

"Feeling ko, kapag gano’ng mga event lang kasi, ’yong mga tao, ’yong atensyon nila nasa amin.

"Maybe because they’re not used to that or maybe because hindi kami nakikita na magkakasama sa iisang lugar.

"Doon lang naman nabibigyan ng kulay. Pero kapag kami-kami, like noong Star Magic Tour, wala namang issues."

At para tapusin na ang pang-iintriga, biro na lang ni Bea sa media, "Wala naman. Parang, it’s so last year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN