Former 6Cyclemind vocalist Ney Dimaculangan goes solo; Ney album under Star Records out in the market

"Walang nangyaring masama sa loob namin," was Ney’s answer when asked about the reason for his producing a solo album. He and his former band, 6Cyclemind, are under the management of Star Records.


Matapos ang 10 taon niya sa music industry, nagdesisyon si Ney Dimaculangan, ang vocalist ng bandang 6Cyclemind, na mag-release ng kanyang first solo album, ang Ney.

Noong May 12, sa Rockville Bar sa Timog, ang launching ng kanyang album. Sa nasabing launch ay ipinarinig niya ang ilang kanta mula sa kanyang album.

Kasama rito ang "Sama-sama,","October," "Shut Up," at ang carrier single na "Ligaw."

Ipinakita din sa launch ang music video ng "Ligaw," kung saan sinabi ni Ney na first time niyang gumawa ng music video na siya ay umaarte imbes na kumakanta.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kay Ney—Rhoniel Dimaculangan sa totoong buhay—nilinaw niya na walang away sa pagitan nila ng kanyang mga kabanda sa 6Cyclemind.

"Maganda nga sana kung issue, ’di ba?" biro niya. "Pero talagang malinis, e."

Going Solo. Hindi raw disbanded ang 6Cyclemind.

Ngayon nga lang ay mayroon na itong bagong vocalist, si Tutti Caringal.

"Si Tutti, who used to be the drummer, nag-step up lang siya as the front man."

Pinaliwanag din ni Ney na kahit may solo album na siya, parte pa rin siya ng banda at patuloy niya silang susuportahan.

"Walang nangyaring masama sa loob namin," giit niya.

"Sabi ko nga sa inyo, umiinom kami paminsan-minsan."

Ang ilan sa mga sikat na kanta ng grupo ay "Sige" (2003), "Sandalan" (2005), "Prinsesa" (2007), "Magsaya" (2007), at "Kasalanan" (2009).

Nanghihinayang ba siya na humiwalay sa banda?

"Iba kasi po, e," bulalas niya.

"Pag titignan ko sa point na nanghihinayang, hindi ko magagawa yung gusto kong gawin, e.

"So ito talaga wholehearted ko na gusto gawin. So sana maintindihan nila."

Hands-on si Ney sa paggawa ng kanyang self-titled album. Kaya naman talagang masaya raw siya sa kanyang desisyon.

"First time ko po na lahat ng songs sa akin, and yun nga in-arrange ko, tapos pinroduce ko."

Ang pag-produce ng album ay isang bagay na matagal na niyang gustong gawin, sabi ni Ney. Hindi raw niya magawa ito noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi it’s a band, e, so hindi talaga. Pag sinabi kong composition, hindi pwedeng hindi sila maging involved, kasi banda nga, e.

"So, I guess din, yun yung bottomline nung reason for this," pag-amin pa niya sa kanyang career move.

The Album. Ang album na Ney ay tinapos niya ng 10 working days. At lahat ng kanta dito ay siya mismo ang gumawa.

"I can say na 100 percent of my songs are me," wika ni Ney.

"First time nangyari ’to, and I’m proud to say na magaganda talaga yung kanta, yung mga materyales."

Kwento pa niya, "Excited na nga ako, e.

"I’m really waiting for this night to happen!

"Alam ng Star Records yun. Dahil gusto kong mailabas na, gusto kong mai-share [ang album] sa mga tao."

Tingin niya ba ay bebenta ang CD niya sa mga tao kahit pa wala na siya sa bandang 6Cyclemind?

"Malalaman po natin," pahayag niya.

"Sabi ko nga ayaw ko magpasok ng negative ideas nung ginawa ko ’tong album na ’to.

"So, let’s just see and wait kung ano mangyayari."

Kuwento ni Ney, ang mga kanta daw sa album niya ay inspired sa realidad ng buhay.

Bagaman at group effort, ang ilan sa mga awitin ng banda niya noon ay base din sa mga nangyayari sa totoong buhay.

"Inspiration ko siguro, my personal experience, mga typical na situations lang naman, kung ano yung nangyayari sa atin, ganun din.

"Parang ako lang yung speaker ng mundo, parang ganun lang."

Hindi naman daw puro sentimental ang tema ng mga kanta sa album niya. Natatawa pa niyang sinaabi na, "Si Ney po ang tagapagligtas!"

Ang "Tagapagligtas" ay isa sa mga kanta sa album niya.

Paliwanag ni Ney, "I’m giving inspiration to other people.

"So, parang makikita mo yung iba, kahit malungkot siya, may maririnig kang parang may hope, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So I can say na by hearing my album and hearing the songs, magiging ako’ng tagapagligtas ng tao na yun.

"Ililigtas ko siya sa kalungkutan!" habol pa niya.

Ang album na Ney ay mayroong 10 kanta: "Sana," "Velvet Skies," "Shut-up," "Ligaw," "Fall Out," "Himig Mo," "Hopeless," "Tagapagligtas," "Sama-sama," at "October."

Mayroon din itong dalawang bonus tracks.

Ang isa ay ang "Kaya Mo," theme song ng pelikulang "RPG Metanoia," ang pambato ng Star Cinema sa 2010 MMFF (Metro Manila Film Festival).

Ang theme song ng Imortal ay isa din sa bonus tracks ng album na ito—ang "Walang Hanggan"—kung saan naka-duet niya ang isa pang Star Records talent, si Yeng Constantino.

Out na ang Yen album sa lahat ng record bars nationwide. Pwede rin makabili ng digital copy ng album sa website ng Star Records, www.starrecords.ph.

Kaya naman ang mensahe ni Ney sa kanyang mga fans:

"Sana bilhin nyo po [ang album]. Ako mismo, I recommend it to my friends and family na before hindi ko nire-rekomendahan ng album.

"...100 percent lahat ’to akin, and I assure you maganda ito, maganda, the best!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN