Krista Ranillo on her life as wife and mother: "I’m at peace. Masaya. My life is complete."

"Madaming nabago. Naging priority mo na talaga yung family, yung ganung klaseng buhay. Kasi dati nami-miss ko yung showbiz. Sabi ko, gusto kong umuwi. So, parang ngayon hindi ako makalabas ng bahay pag hindi siya [Nate Jacob] kasama," says Krista Ranillo about the changes in her life now that she is a mother.


Masayang-masaya si Krista Ranillo sa kanyang kalagayan ngayon kahit aminado siyang nami-miss pa rin niya ang showbiz.

Ayon kay Krista, "Madaming nabago. Naging priority mo na talaga yung family, yung ganung klaseng buhay.

"Kasi dati nami-miss ko yung showbiz. Sabi ko, gusto kong umuwi.

"So, parang ngayon, hindi ako makalabas ng bahay pag hindi siya [Nate Jacob] kasama.

"Tapos parating nagwu-worry about him, yung talagang sa kanya na nagri-revolve yung buhay ko ngayon, grabe!

"I’m at peace. Masaya. My life is complete."

Sinabi ito ni Krista Ranillo nang dinalaw siya ni Ricky Lo ng Startalk sa bahay nila ng asawa nitong si Niño Jefferson Lim sa Los Angeles, California kamakailan lang.

Tuwang-tuwang ibinalita ng kontrobersiyal na aktres na malaki na ang ipinagbago ng kanilang anak.

Five months na raw ang baby boy nina Krista at Niño Jefferson na pinangalanan nilang Nate Jacob.

Si Krista raw ang pumili ng Nate at si Niño ang pumili ng Jacob.

Iyon ang napagkasunduan nilang ipangalan, para kapareho raw ng initials ni Niño na NJ.

Sa July raw ang balak nilang pagpapabinyag kay Nate Jacob, pero hindi raw masasabi ni Krista kung sino ang mga napili nilang ninong at ninang.

Ang dating balak nilang pagpapakasal sa Pilipinas ay nagbago na rin dahil sa pagdating ni Nate Jacob.

Gusto pa rin daw nilang ituloy yun, pero kailangan maghintay sila na medyo malaki na ang kanilang anak.

Kailangan kasama raw nila itong umuwi ng bansa.

Sa July 1 ang first wedding anniversary nila, pero hindi raw nila isasabay rito ang binyag.

Gusto nila, may sariling araw ang kanilang baby.

Wala na raw mahihiling pa si Krista ngayong mag-iisang taon na ang pagsasama nila ni Niño Jefferson.

Bukod sa masaya nilang pagsasama, ini-enjoy raw nila ang pag-aalaga sa kanilang anak.

Masaya na raw muna sila kay Nate Jacob at wala pa raw silang balak na sundan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ni Niño kasi Year of the Dragon, swerte, e." Ang Year of the Dragon ay next year, 2012.

"We’ll see. Gusto ko muna i-enjoy, e," masayang pahayag ni Krista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN