Menudo’s Robi Rosa stricken with stomach cancer

Back in the ’80s, Robi Rosa was the most popular member of his group, Menudo, where Ricky Martin’s singing career also began.


Ikinalungkot ng fans ni Robi Rosa ang balita na may Non-Hodgkin Lymphoma siya sa lower abdomen.

Isang uri ng stomach cancer ang kanyang sakit, na kasalukuyang ginagamot sa Burzynski Clinic, Houston, Texas.

Dating member si Robi ng Menudo, ang all-male Puerto Rican group na sumikat sa Pilipinas noong mid-80s.

Si Robi ang pinaka-popular noon sa mga miyembro ng Menudo dahil siya ang kumanta ng hit song na "If You’re Not Here By My Side."

Nang umalis si Robi sa Menudo, ginamit niya ang pangalan na Draco Rosa at naging music producer at songwriter siya.

Si Robi ang producer at writer ng "Livin La Vida Loca" at "She Bangs," mga hit songs ng kanyang fellow Menudo member na si Ricky Martin.

Forty-one years old si Robi, at may dalawang anak sila ng misis na si Angela Alvarado. Naninirahan sila sa Los Angeles, California.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN