Child star Angeli Nicole Sanoy admits being ratings-conscious at her age

Paliwanag ni Angeli Nicole kung bakit conscious siya sa ratings: "Kasi po, kapag po mababa ang rating, parang feeling ko, kulang ang arte ko. Ganoon po. Na kailangan ko pa pong dagdagan."



Masuwerte ang Kapuso child actress na si Angeli Nicole dahil consistent na mataas ang rating ng kanyang pinagbibidahang early primetime series sa GMA-7, ang Magic Palayok.

"Saka, sana po, mag-extend pa po kami," sambit pa ni Angeli nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magic Palayok sa New Manila, Quezon City, last Friday, May 13.

Natatawa si Angeli nang sabihin niya ito dahil ang totoo, nag-extend na ang Magic Palayok mula sa original plan na one season lang sana nila.

Pero sabi niya, "Sana lang po mag-extend pa kasi mas lalo pa pong gumaganda ang story."

Aminado si Angeli na rating-conscious na siya kahit bata pa lang siya.

"Kasi po, kapag po mababa ang rating, parang feeling ko, kulang ang arte ko. Ganoon po. Na kailangan ko pa pong dagdagan," paliwanag niya.

Hindi ba siya nahihirapan na madalas ay umiiyak siya sa mga eksena niya sa Magic Palayok?

"Nahihirapan din po. Pero after naman po, tumatawa na lang po ako," natawa rin niyang sabi.

Ang pera raw na kinikita ni Angeli ay iniipon niya.

Sa katunyanan, malapit na raw siyang makabili ng sasakyan.

Sa ngayon kasi, kapag nagpupunta siya sa taping ay sumasakay daw sila ng taxi.

Nakikilala na rin daw siya kahit ng mga taxi driver na nasasakyan nila.

Kuwento nga niya, "Kapag po sumasakay kami ng taxi, ’Di ba, ikaw si Cookie? Pinapanood ka ng mga anak ko.’

"Siyempre po, masaya po ako kasi ganoon na po pala kasikat ang Magic Palayok."

Nararamdaman ba niyang sikat na siya ngayon bilang child star?

"Opo, pero hindi naman po yung sobrang sikat," sagot ni Angeli.

"Yung parang wala lang po kasi sa akin. Sa akin po kasi, parang laro-laro lang po ito.

"Pero masaya po ako kasi tinatawag nila akong ganoon. Palagi nilang pinapanood."

Dahil sa maselan na pagbubuntis ni Manilyn Reynes, si Janice de Belen na ang humalili rito bilang magic palayok sa serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware si Angeli na marami ang nagsasabi na magkahawig sila ni Janice, lalo na noong child star pa lang ang aktres.

Pero ayon kay Angeli, "Hindi ko naman po siya kamukha kasi mas maganda naman po siya."

CHILD STARS. Very honest si Angeli na sumagot sa kahit anong tanong sa kanya.

Ni hindi niya itinanggi na kahit bida na siya sa isang teleserye, may kaba pa rin siyang nararamdaman kapag may mga bagong child stars na dumarating.

Dagdag lang niya, "Opo, pero okay lang naman po. Masaya nga po kasi marami na kami dito."

Ang tinutukoy ni Angeli ay ang mga child stars sa bagong primetime series ng GMA-7 na Munting Heredera.

Grade 5 na pagpasok si Angeli ngayong school year. Pero instead na mag-enroll siya as a regular student, nasa home-schooling daw siya ng Angelicum.

Ayon kay Angeli, okay lang sa kanya kahit home-schooling dahil nag-e-enjoy raw talaga siya sa pag-aartista.

"Okay lang po kasi masaya naman po ako sa ginagawa ko," sabi niya.

"Pero kailangan ko pa rin pong tapusin ang pag-aaral ko, e.

"Saka kapag wala po akong taping, nagkakasakit po ako."

Wala pa raw siyang alam na follow-up project pagkatapos ng Magic Palayok na nakatakdang magtapos sa June.

"Ako naman po, kahit ano naman po ang ibigay nilang project sa akin, okay lang po sa akin," sabi ng batang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN