Charice clarifies issue about her "Before It Explodes" single: "Ako yung kauna-unahang nag-release, so song ko ito."

Aside from her international recording career, Pinay singer Charice is also busy shooting her first Hollywood film, Here Comes The Boom. "And ang role ko, yeah, Filipino. My name is Maria," says Charice, who appears in the movie starring Kevin James and Salma Hayek.


Matapos ang global digital release ng single ni Charice na "Before It Explodes," ilang fans ng British singer na si Alexandra Burke ang nag-react.

Nauna raw kasing i-record ni Alexandra ang naturang kanta na nilikha ng Grammy award-winning R&B artist na si Bruno Mars.

Ngunit nilinaw ni Charice ang tungkol sa naturang single sa panayam sa kanya ng Startalk TX na ipinalabas kahapon, May 14.

"Gusto ko lang i-clear, actually ’no, kasi ang daming lumabas na issue about it.

"Na kasi, merong isang artist na nag-demo nung song—si Alexandra [Burke].

"So, gusto ko lang i-clear na hindi niya ni-release ’yan, hindi niya ni-release, or si Bruno.

"Ako yung kauna-unahang nag-release, so song ko ito," pahayag ni Charice mula sa Las Vegas, sa isang taped interview ng Startalk TX segment host na si Enzo Pineda.

Ayaw na raw patulan ni Charice ang kanyang mga kritiko. Instead ay naka-focus daw siya ngayon sa shooting ng kanyang kauna-unahang Hollywood film.

"Ayun, nagsu-shooting pa rin ako ng movie. Movie with Kevin James and Salma Hayek, and it’s called Here Comes The Boom.

"Ilalabas siya next year, pero nagsu-shooting pa rin kami ngayon.

"And ang role ko, yeah, Filipino. My name is Maria."

Abala rin si Charice sa promo ng song which she co-produced with Nick Jonas of the Jonas Brothers.

"Actually yung ’One Day’ is a song para sa commercial ko na...na theme song for that, and Nick Jonas wrote the song ’One Day.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN