Ali Sotto "reconnects" with dead son Miko through a mentalist

"Mothers like me na who lost a child, it’s a very difficult time for us. But year after year, we just try to survive it. But with God’s grace naman, nakakaraos," says Ali Sotto about her son, Miko Sotto, who passed away in 2003.


Walong taon na ang nakalilipas mula nang sumakabilang buhay ang anak ni Ali Sotto na si Miko Sotto.

Nasawi si Miko nang aksidente itong mahulog mula sa ninth floor ng kanyang tinitirhang condo unit noong December 29, 2003.

Pero kahit hindi na kapiling ni Ali ang anak ngayon, buung-buo pa rin ang pagmamahal nito sa anak.

Patunay nito ang patuloy na paggunita ng pamilya ni Ali sa kaarawan ng yumaong Kapuso actor tuwing May 10.

Pagkukuwento ni Ali sa taped interview sa Showbiz Central noong May 15: "We went to Loyola in Sucat, Parañaque where he is.

"Tapos, inabutan na namin yung mga flowers na dinala ng mga nagmamahal sa kanya, and we said our prayers and we greeted him happy birthday.

"Ano yun, e, kasi Mothers’ Day, tapos birthday niya, di ba?

"So, mothers like me na who lost a child, it’s a very difficult time for us.

"But year after year, we just try to survive it.

"But with God’s grace naman, nakakaraos."

RECONNECTION. The following day, May 11, pumayag ang TV host na malaman ang lagay ng anak sa kabilang-buhay.

This was through the help of mentalist Nomer Lasala nang mag-guest siya sa show na Mind Master ng GMA-7.

Using a process called "reconnection," nade-describe ni Nomer ang kasalukuyang estado ni Miko.

Sa pamamagitan din ng ginawang ito ni Nomer, nagawa umanong magpahatid ng isang mensahe ni Miko sa kanyang nangungulilang ina.

At tila nagpapahiwatig ito kung nasaan siya ngayon.

"Of course, every mother’s hope, di ba, na the child you’ve lost... As everybody said nga, ’Huwag kang mag-alala, he’s in a better place.’

"It’s so typical of him, ganun siya magsalita sa akin.

"But more than that, I think, ang paniniwala ko kasi, hinintay niya na umokey ako.

"Hindi niya ako iniwan hanggang dun sa panahon na sinabi ko na, ’Hindi, ano, sige na, okay na ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Which is also typical of him," saad ni Ali.

Ang buong detalye ng paghaharap ni Ali at ng mentalist na si Nomer ay mapapanood sa episode ng Mind Master sa Sabado, May 22.

May mga mag-iisip na promotion lamang ito para sa bagong show ng GMA-7, na makikinabang nga naman sa paggamit ng isang kilalang personalidad.

Ngunit sa huli, na kay Ali ang pagpapayag na gawing subject ang relasyon niya sa pumanaw na anak para sa episode.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN