Vina Morales says Nasaan Ka Elisa? still in search of timeslot fit for mature audience

"First time na nabigyan ako ng ABS-CBN na kontrabida ako. So, ’yon talaga ang most challenging role," says Vina Morales about her first kontrabida role in ABS-CBN’s upcoming teleserye, Nasaan Ka Elisa?.


Ilang buwan na rin ang nakararaan nang ipalabas ng ABS-CBN ang teaser ng bagong teleserye na pagbibidahan ni Melissa Ricks, Nasaan Ka Elisa?.

Ang naturang teleserye ay Pinoy adaptation ng Chilean soap opera na Donde Esta Elisa?.

Subalit hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung kailan talaga ito ipalalabas sa telebisyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa isang cast member nito na si Vina Morales, sinabi niya na kasalukuyan pa rin silang nagte-taping para sa teleserye.

Natatagalan lamang umano ang pagpapalabas nito dahil, "Hindi nila alam kung ano ang time. Hinahanapan pa ng timeslot.

"Kasi masyadong pang-mature, e. Ang daming iniikutan.

"Ngayon, they’re really looking for the right time kung saan dapat ilagay. Dapat afternoon. I don’t know. We’ll see."

FIRST KONTRABIDA ROLE. Masaya naman si Vina na napasama siya sa naturang teleserye dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap siya bilang kontrabida. (CLICK HERE to read related article)

Para kay Vina, isang hamon ito sa kanya bilang aktres dahil, "Ever since naman, since I was ten years old, puro naman ako little Sharon, mabait, ’tapos inaapi ako.

"Alam mo ’yong gano’n? Puro ako iyak, lumalaban man, pero hindi gano’n kataray."

Bukod sa kanyang role, nag-aalala rin umano si Vina sa magiging reaksyon ng mga manonood tungkol sa karakter na kanyang gagampanan sa Nasaan Ka Elisa?.

"Nai-stress lang din ako because I don’t know kung ano ang mga reaksiyon ng mga tao.

"Pero tinatanong ko rin naman ang mga Vinanians, ’Ano sa tingin ninyo? Okay ba?’

"Kasi, medyo may pagkaseksi at daring ang pagkakontrabida ko. So, nire-ready ko na lang sila na, ’Abangan n’yo na lang po’.

Hindi naman daw nababahala si Vina na baka dahil sa kanyang role ay magbabago ang tingin ng tao sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may mainis man sa kanyang pagganap bilang Cecile Altamira Caceres, ibig sabihin daw nito, "nagwo-work ang aking pagiging kontrabida!"

Pero aniya, "Alam naman ng mga tao ’yon. I mean, I’ve been touring, I’ve been doing shows in provinces, nakikilala rin nila ako.

"I’ve been in the business for a long time na. I’m sure kilala na nila ako na hindi ako gano’n.

"I mean, kaya nga ako blessed, hanggang ngayon nandito pa rin ako sa trabaho na ito, kasi mahal ko ang trabaho kong ito.

"At the same time, I know how to deal with other people. Wala naman akong attitude problem na ganyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN