Sam YG gets another TV break via remake of Iskul Bukol

"Sabi nga nila, to succeed in life, ilang beses kang mahuhulog. Ilang beses kang madadapa. You fall all over and over," says Sam YG about what happened to his TV career.


Full-time acting na ang gagawin ng radio-TV host na si Sam YG sa remake ng sitcom na Iskul Bukol ng TV5.

"For me, it’s something new," sabi ni Sam sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching Iskul Bukol noong Lunes ng gabi, May 16, sa Metro Bar, sa West Ave., Quezon City.

"Of course, it’s a blessing and I’m so thankful na binigyan ako ng chance na mapasama rito.

"It’s also a challenge na mapatunayan na kaya ko itong gawin."

Aware naman si Sam sa sitcom na unang pinagbidahan ng comedy icons na sina Tito, Vic & Joey.

"Of course, it’s a legacy," sabi niya.

"Parang iconic ng masyado ang Iskul Bukol kaya siguro talagang siniseryoso ko ito, dahil nire-respect ko ang legacy ng Iskul Bukol."

NAUGHTY SAM. Makakatulong ba ang pagiging "naughty" niya sa radio sa role niya sa Iskul Bukol?

"Makakatulong siguro, pero different din ito," sagot ni Sam.

"Kumbaga, may pinasok din akong character para maging Easy Balidoso [pangalan niya sa sitcom].

"May pagka-bully pero hindi intensiyong manakit. Pilyo lang. Gusto pang mag-prank.

"Maloko lang pero hindi intensiyong manakit ng tao. Hindi intensiyon to put a person down. May limit."

Hindi niya paiiralin ang pagiging senswal niya?

"Wala munang senswalidad. Wala munang kamanyakan!" tawa niya.

"More on the naughty side, pero hindi sexual, naughty... Naughty na pilyo."

Ano ba ang mga kapilyuhan niya?

"Ako, mahilig sa role-playing.

"Sa naughty side ko... Mahilig ako sa mga candle, oils, feather-feather... lahat! Favorite ko ’yan.

"I’m a very sensual person at hindi ko tinatago ’yan."

Pero loveless daw siya ngayon.

"Oo, I’m in love with what I do—with my work.

"It’s been four years na akong single pero..." bitin niyang sagot.

Nakakatiis siya?

"Hindi pa rin nakakatiis!" tawa na naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANOTHER BREAK. Hindi ba siya na-frustrate dahil matagal bago nasundan ng bagong break ang career niya?

Matatandaang sumikat ang character niyang Shivaker sa late-night gag show noon sa GMA-7 na Cool Center, hosted by Eugene Domingo and Anjo Yllana.

Pagkatapos nito ay naging mainstay siya, bilang Shivaker, sa noontime show na Eat Bulaga!.

Hanggang sa maging main host siya sa defunct variety show na Diz It It.

Pero pagkatapos nito ay tila naglaho siya sa sirkulasyon.

"I think I’m more of...marami realizations. Marami ring thoughts na pumapasok sa utak ko.

"But for me, everything happens for a reason, di ba? It’s matter of how you see.

"Puwede mo siyang tingnan na ganito. Tingnan mo ito as blessing.

"Matuto ka. Use these lessons to move on.

"Sabi nga nila, to succeed in life, ilang beses kang mahuhulog. Ilang beses kang madadapa.

"You fall all over and over," katuwiran ng Indian-born Filipino citizen.

Nakadarama rin ba si Sam ng discouragement dahil sa biglang sikat siya, bigla ring nawala sa showbiz?

"Oo naman. Oo naman," pagsang-ayon niya.

"For me, it’s also hard. I mean, I’ve been hosting for a long time. I did a show.

"Pero lahat naman ng desisyon mo, risk lahat ’yan. Wala namang siguradong...

"But sa akin, kung hindi ko ita-try, hindi ko malalaman."

After that lesson, anong Sam YG na ang makikita ng mga tao?

"Well, hopefully, hindi na DJ-host ang makikita kundi kaya ring umarte. Yun na sana.

"It’s gonna be a process. Hindi madali.

"Hindi madaling magpatawa, but it’s something I’m working on and I’m blessed on having this project," sagot ng isa sa mga bida ng Iskul Bukol.

SPIRITUAL. Lingid sa kaalaman ng marami, seryoso at ispiritwal na tao si Sam YG.

"Not saying religious, but spiritual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medidate ako araw-araw. I clear my thoughts.

"Madaldal ako pag nasa labas but my friends know that I am very quiet.

"Cerebral ako, e. Ako yung nag-iisip.

"Tahimik lang ako," paglalarawan niya sa kanyang sarili.

So, mawawala na ba ang image niya bilang si Shivaker?

"Hindi naman," sagot niya.

"I did Shivaker four years ago.

"Siyempre, nakita siya ng Bulaga, and I was blessed to have that as part of my career also.

"So, hindi naman siya... May TVC siya recently. Indian naman talaga ako.

"I also enter a different character pag Shivaker ako. Hind ko naman siya iniwan.

"E, hindi ka naman maggu-grow pag hindi ka nag-expand at expound sa sarili mo.

"Like this, ibang expansion at ibang side ni Sam YG ang makikita ng tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN