Here are the winners of the 34th Gawad Urian Awards

(Top, from left) Sid Lucero was named Best Actor for his performance in Muli; Rosanna Roces won Best Supporting Actress for Presa; and Joem Bascon bagged the Best Supporting Actor award for Noy; (bottom, from left) Dekada Awardees Cherry Pie Picache, Coco Martin, and Gina Pareño.

The night’s artists were recognized by Gawad Urian, a group tout


Ang bituin ng mga independent film makers ay muling nagningning sa 34th Gawad Urian awards night kahapon, May 17, sa Marriott Hotel.

Ang naganap na awards night ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ay sinamahan na ngayon ng Cinema One, ang cable channel na nagpapalabas ng mga Filipino mainstream and independent films.

Inumpisahan ang gabi ng parangal ng isang awitin nina Jovit Baldivino, Christian Bautista, Sitti Navarro, at Angeline Quinto.

THE AWARDS. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ng mga nominado at ng mga manonood dahil sinumulan agad ang pagbibigay ng parangal.

Nauna na dito ang Best Supporting Actress award na nasungkit ni Rosanna Roces para sa pelikula nitong Presa.

Samantalang ang parangal para sa Best Supporting Actor ay napunta kay Joem Basco para sa pelikulang Noy.

Ang ilan pa sa mga parangal ay para sa Best in Sound na napagwagian ni Dempster Samarista para sa pelikulang Limbuan.

Ang Best in Music naman ay napunta kay Jerrold Tarog ng pelikulang Ang Damgo ni Eleuteria.

Pero bago pa man ituloy ang pagpaparangal ay nag-perform muna ng isang song number ang mga bokalistang sila Ney Dimaculangan, Kean Cipriano, at Tutti Caringal.

Kinanta nila ang ilang sumikat na awitin ng Eraserheads, tulad ng "Sa Lahat ng Masa" at "Pare Ko."

Matapos ang masayang song number ay pinagpatuloy ang pagbibigay ng parangal.

Nasungkit ni Christian Linaban ng Ang Damgo ni Eleuteria ang Best in Cinematography.

Si Rodell Crus naman ng Amigo ang nag-uwi ng tropeyo para sa Best in Production Design.

Magkatuwang ang direktor at ang editor sa lalo pang pagpapaganda ng pelikula. Kaya naman ganun na lang ang tuwa ni Willie Apa Jr. at Arthur Ian Garcia nang sila ang tanghaling Best in Editing para sa pelikulang Sheika.

At lalong walang mapaglagyan ng tuwa ang direktor ng pelikulang Ang Damgo ni Eleuteria, si Remton Siega Zuasola, nang tanghalin siyang Best Director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wika ni Remton, "Nagpapasalamat ako sa pamilya ko na nung una ay nagdududa kung tama ba ang landas na tinatahak ko..."

Tatlo sa pinaka-aabangang parangal sa gabing iyon ay ang Best Actress, Best Actor at Best Picture awards. Kaya naman mararamdaman sa loob ng hotel venue ang antisipasyon at tensyon.

Ngunit natuto na ang Urian sa gawaing showbiz. Pansamantala nitong binitin ang mga kalahok nang mag-perform ng song number si Lea Salonga.

Ang pagkanta ng world-class perform ay bilang pagkilala sa mga pelikulang Pilipino na humakot ng mga parangal sa ibang bansa.

BEST ACTOR & ACTRESS. At matapos ang matagal na paghihintay, ang award para sa Best Actor ay napunta kay Sid Lucero para sa pelikulang Muli.

Dito ay nakatrabaho ni Sid si Cogie Domingo, kung saan gumanap sila ng gay roles.

Ito ang unang gay role ni Sid, kaya naman hindi naging madali sa kanya ang pagganap dito.

Sa kanyang speech kagabi ay pinasalamatan ni Sid ang kaisa-isahang babae sa kanilang team na tinawag niyang Maan.

"Sa lahat ng mga kissing scenes, sa mga sensitibong eksena, I want to thank Maan. Nanatili akong secure sa aking pagkalalaki.

"Siya lang yung nag-iisang babae sa set, e, kaya salamat ng marami, salamat sa mga yakap, umuwi akong secure," biro ni Sid.

Pero gayun pa man, nangibabaw ang pasasalamat niya sa kanyang ina at sa manager niyang si Ricky Gallardo.

"Of course my manager, like I always say, thanks. To be a Sid Lucero, there has to be Ricky Gallardo.

"My mom, I know you’re here, I know that I had put you through a lot, but I hope you’re proud of me."

Ang Best Actress award naman ay napunta sa baguhang si Fe GingGing Hyde, na siya ring prodyuser ng kanyang pelikulang Sheika.

Ayon sa kanyang kasamahan na kumuha ng tropeyo para sa kanya, "Wala man bituin ang aming pelikula, ito naman ay lumikha ng bituin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEST PICTURE. At ang pinakahihintay ng lahat, ang Best Picture award, ay napunta sa humakot ng mga award ng gabing iyon: Ang Damgo ni Eleuteria, na under ng Panumduman Pictures at Creative Programs, Inc.

Sa speech ng direktor ng pelikula na si Remton Suega Zuasola, hindi raw siya makapaniwala na makakamit niya ang parangal na ito.

"I still can’t believe na totoo lahat ng ito.

"Ang dami naming pinagdaanan. Talagang sobrang hirap na talagang dun ko na-realize na hindi madaling maging direktor ng isang pelikula.

"Pero wala, no regrets at all."

Hindi rin naman nakalimutan na pasalamatan ng baguhang direktor ang kanyang staff at cast na bumuo sa kanilang pelikula.

DEKADA AWARDS 2000-2009. Ang isa pang malaking parangal na Ibinigay ng gabing iyon ay ang "Dekada Awards."

Dito ay pinarangalan ang mga nangibabaw na pelikula mula noong taong 2000 hanggang 2009.

Ang mga naparangalan ay ang mga pelikulang:

Batang West Side (2001)

Tuhog (2001)

Babae sa Breakwater (2003)

Magnifico (2003)

Ebolusyon ng Pamilyang Pilipino (2004)

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (2005)

Kubrador (2006)

Serbis (2008)

Kinatay (2009)

Lola (2009).

ACTOR & ACTRESSES OF THE DECADE. Pinarangalan din ng Gawad Urian ang mga hinirang nila bilang Actor and Actresses of the Decade.

Ang award na ito ay napunta kina Coco Martin, Cherry Pie Picache, at Gina Pareño.

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD. Pinarangalan ng Lifetime Achievement Award ang scriptwriter na si Jose "Pete" Lacaba.

Si Lacaba ang manunulat sa likod ng mga pelikulang Kapit sa Patalim, Sister Stella L, Rizal sa Dapitan, at Eskapo.

Kinilala din bilang Best Short Film ang Huwang Kang Titingin ni Pam Miras, at bilang Best Documentary ang Kano ni Monster Jimenez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN