Rachel Alejandro and journalist husband plan second wedding in Spain

Singer-entrepreneur Rachel Alejandro looks very happy and in love despite a long- distance relationship with Spanish husband Carlos Santamaria, who is now based in Bangkok, Thailand.


Star-studded ang relaunching ng The Sexy Chef na ginanap kahapon, May 18, sa Filipinas Heritage Library, sa likod ng Ayala Triangle, Makati City.

Ang The Sexy Chef ay isang restaurant at healthy-food delivery business, na itinaguyod ng singer na si Rachel Alejandro kasama ang kanyang kapatid na si Chef Barni Alejandro, noong 2005.

More than just being a restaurant, kilala ang nasabing negosyo sa iba’t-ibang diet programs na iniaalok sa kanilang mga customers.

Ang diet programs daw ay naglalaong makatulong sa tamang pamamaraan ng pagbabawas ng timbang.

Ibig sabihin ay hindi makumkumpromiso ang kalusugan ng isang kliyente.

Kasama sa kanilang diet program na inilunsad kahapon ay ang Sugar Buster Diet, Lose Big Diet, Pounds Away Diet, Health For Two, Body After Baby Diet, at ang Fight Fat Diet.

Inanunsiyo rin ng magkapatid na Rachel at Barni na ang pangangasiwa ng operasyon ng The Sexy Chef ay nasa ilalim na ng OBC 5Star, Inc.—isang family- owned corporation na nasa pangangalaga ng kanilang ina na si Myrna De Mauro.

Ilan lamang sa mga celebrities at personalidad na dumalo sa event ay sina Geneva Cruz, Dingdong Avanzado, Mikee Cojuangco-Jaworski, Belo Essentials Managing Director Cristalle Henares, at Regal Entertainment founder Lily Monteverde kasama ang anak na si Roselle Monteverde-Teo.

Mga kaibigan ang mga ito nina Rachel at Girlie Rodis, ang long-time manager at ninang sa kasal ni Rachel.

SPANISH STYLE WEDDING. Bakas sa aura ni Rachel na masaya siya sa itinatakbo ng kanyang career bilang isang negosyante at maging sa pribado niyang buhay.

Noong April 9, 2011 ay ikinasal si Rachel sa kanyang Spanish journalist boyfriend na si Carlos Santamaria. (CLICK HERE to view gallery.)

Beach wedding ang naging tema ng kasal at ginanap ito sa Shangri-La Resort sa Boracay.

Nakabase dito sa Pilipinas noon ang pinapasukang Spanish news agency ni Carlos, ang EFE, pero lumipat na ito ngayon sa Bangkok, Thailand, kaya kasalukuyang long distance ang relasyon ng bagong kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya medyo mahirap kasi lagi na lang akong nasa eroplano. Siguro yung mga tao, siguro sinasabi nila, ’Uy, siya na naman!’

"Parang nagba-bus lang ako from Manila to Bangkok," natatawang sambit ni Rachel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters.

Naikuwento rin ni Rachel ang plano nila ni Carlos na muling magpakasal, this time sa Spain, para makadalo ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ng kanyang asawa.

"Ang nag-attend nga lang ng wedding namin dito, from his family, is yung parents niya [Carlos].

"We’re planning maybe a second celebration sa Spain, kung saan yung hometown niya, which is Valencia, Spain. Pero hindi pa namin alam kung kailan."

Nagbiro si Rachel na tiyak mahihirapan siya kung sakaling matuloy ang kanilang Spain wedding ceremony dahil hindi siya marunong magsalita ng Español.

"Sabi ni Carlos iilan lang daw yung kamag-anak niya na nakakapag-English.

"So kailangan meron man lang akong baon kahit isang supot man lang na Español," ngiti ng singer-entrepreneur.

May plano ba siyang kumuha ng Spanish lessons para mabilis siyang matuto?

"Wala pa!" tawa ni Rachel. "I’m a procrastinator, e. ’Pag alam kong malapit na, ayan, aaralin ko."

Dagdag pa niya, "I tend to memorize things very easily kaya ganyan ako, lagi akong last minute.

"But yeah I have to learn kahit konti and then, eventually, malay mo, tumira din kami dun someday."

Sa ngayon ay wala pa namang plano na mag-anak si Rachel at Carlos dahil pareho pa silang busy pagdating sa kanilang respective careers.

"Although si Tita Girlie, ang unang-unang sinabi niya kung magkakaanak daw ako, siya raw ang magpapalaki. Iwanan ko raw sa kanya," muling halakhak ni Rachel.

"Sabi niya, ’Okay lang kahit busy ka. Ako na lang ang mag-aalaga!’"

STILL SINGING AND PERFORMING. Malayo sa isip ni Rachel na talikuran ang kanyang singing career kahit pa sabihing abala siya sa negosyo at pagbiyahe-biyahe sa Thailand para makapiling si Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang planong ganun [to quit showbiz]. In fact, there are several shows coming up within the year.

"I think I’ll be having a concert in New York, meron kaming mga offers sa Bermuda and Ireland.

"Dito sa Manila, I’m still promoting my album.

"It’s just that balik-balikan pa rin as of right now, and sometime a little later this year, ’pag na-transfer yung husband ko sa US, I’ll be in the US also some of the time," paliwanag ni Rachel.

Recently lang din ay nagkaroon si Rachel ng series of shows sa iba’t-ibang casinos at inaantabayan na rin ang pagbubukas ng stage musical na Aida itong darating na Hunyo.

"Parang ang ganda ng pasok nitong taon. Ang daming pumapasok na shows and I have a very good feeling about the economic situation natin.

"Parang as a singer and performer, ang ganda ng pasok ng taong ito, not just for me but even for my dad [Hajji Alejandro].

"Napansin namin na parang masaya itong taon na ito," sabi ni Rachel.

Positibo maging ang pakiramdam ni Rachel sa local music scene kahit pa sabihing tila matamlay ang industriya dahil pa rin sa problema dulot ng piracy at malawakang free music downloads sa internet.

"Marami namang mga bagong singers, mga bagong artista, and there seems to be something for everyone," seryosong tugon ni Rachel.

"Yun lang yung napansin ko, and of course I’m grateful na nagtagal ako ng ganitong kahabang panahon in the business.

"Parang kahit papaano, e nandiyan pa rin ako," sabi ng mahusay na singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN