Gretchen Barretto excited to wear her latest fashion collection for new ABS-CBN teleserye

"Hindi madaling mag-ipon ng mga damit na gagamitin sa mga eksena for this teleserye. We want to give viewers outfits na different na nakita nila sa Magkaribal para hindi magsawa yung mga tao. We made sure na hindi siya pareho sa Magkaribal, pinag-aralan naming mabuti," says Gretchen Barretto about her wardrobe for her upcoming teleserye.


Pagkatapos mamahinga sa telebsiyon for more than a half year, magbabalik-telebisyon si Gretchen Barretto sa pamamagitan ng isang bagong teleserye sa ABS-CBN ngayong taon.

Last Monday, May 16, ay pumirma ng kontrata si Gretchen sa ABS-CBN para sa soap operang sisimulan niyang gawin. Alta ang working title nito.

Huling napanood si Gretchen sa primetime series na Magkaribal, kasama sina Bea Alonzo at Derek Ramsay, last year.

"After a year, nandito na uli ako. Gretchen is back!" natatawang deklara ni Gretchen sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng contract signing.

"After Magkaribal, gagawa na uli ako ng teleserye and excited na ako.

"Six months na kaming lahat nagpe-prepare, six months na akong nag-iipon ng mga damit for this teleserye. I’ve been exercising.

"Magkaka-workshop na rin kami any time this week. Tuloy na tuloy na ang trabaho naming lahat.

"I don’ know if I can say what the title is. Basta working title niya is Alta, pero hindi pa talaga yun ang title."

Dagdag pa niyang kuwento, "Marami kaming i-introduce na bagong fashion designers, not just from the Philippines but also from around the world.

"Whatever we wore, pati mga bags, lahat ng nakita ninyo sa Magkaribal, I swear hindi n’yo na makikita dito sa bagong teleserye.

"It’s not a fashion teleserye, but it’s about high society.

"Parang hanggang doon na lang ang puwede kong sabihin for now.

"Our theme song is also very nice."

POWERHOUSE CAST. Ang mga makakasama ni Gretchen sa bago niyang teleserye ay sina Angelica Panganiban, KC Concepcion, Zanjoe Marudo, Sam Milby, at Luis Manzano.

At kung dati ay si Derek Ramsay ang ni-request ni Gretchen na makasama niya sa Magkaribal, now it’s Ariel Rivera na gusto niyang gumanap bilang asawa niya.

"Hopefully... hindi ko alam kung makukuha namin si Ariel Rivera to play as my husband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung prinesent kasi sa akin yung story last week, nakita ko na kung mayroong bagay na gumanap as my mabait na husband, perfect si Ariel Rivera.

"It’s true, yun ang hinihingi ko sa management—siya ang aking napupusuan.

"Sabi ng ABS, kapag may hinihingi ako, lagi nilang ibinibigay."

Sa kasalukuyan ay napapanood si Ariel sa early primetime series ng ABS-CBN na Mula Sa Puso.

Ang intense acting, ganda ng istorya, at mga naggagandahang mga damit at alahas ang ilan daw sa mga dapat abangan sa bagong serye na ito ng ABS.

"Hindi madaling mag-ipon ng mga damit na gagamitin sa mga eksena for this teleserye," sabi ni La Greta.

"We want to give viewers outfits na different na nakita nila sa Magkaribal para hindi magsawa yung mga tao.

"We made sure na hindi siya pareho sa Magkaribal, pinag-aralan naming mabuti.

"Isa pa, siyempre iba ang cast. Imagine, magkakasama kami nina Angelica and KC.

"Tatlo kaming babae na matatapang at malalakas ang loob.

"I guess, labanan ito ng acting.

"Makikita mo kami talaga dito as actors, what we all can give to our public.

"That we really love our careers."

ANOTHER CHALLENGE. Aminado si Gretchen na challenge sa kanya ang bagong seryeng gagawin dahil sa naging tagumpay ng Magkaribal.

"Nakaka-presure, but I’m inspired to be a more intense actor," sabi ng aktres.

"Excited ako kasi six months akong nakapagpahinga, nakapag-reflect.

"Six months kong na-miss mag-taping, ang tagal ko nang hindi nagpupuyat.

"I’m hungry to work and give my best to my audience.

"I’m sure people are excited to see us three girls—Angelica, KC and Gretchen—all together in a teleserye.

"It is a challenge for me, but at the same time, it will also serve as an inspiration for me to be a better actor.

"Marami kaming magagawa for this teleserye."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalik-tanaw pa ni Gretvhen, "When I started Magkaribal, I had apprehensions about meeting the actors and working with them.

"And I’m in that same state again.

"Iniisip ko ngayon, ’Magkakasundo ba kami?’

"But this is our choice.

"My choice is for us to fall in love with our work para makita ng mga audience na we are here to work and not to fight.

"We are here to give our best and we owe that to our bosses.

"After all, they’re paying us good money!" tawa niya.

Sabi pa ni Gretchen, "Pumunta ako ng U.S., ng Bangkok, and anywhere, Victoria [her character’s name in Magkaribal] ang tawag sa akin ng mga tao.

"Soon maiiba na. I’m excited to be someone else."

Ang team na gagawa ng Alta ay ang team din na bumuo sa Magkaribal.

"It’s the same team as with Magkaribal, the creative team, the fashion team.

"Si Direk Nuel Naval pa rin... Ni-request ko talaga na sila pa rin ang makasama ko sa susunod na teleserye.

"Kasi nung last taping day ng Magkaribal, iyak ako nang iyak.

"Yung cast lang ang hindi ko makakasama uli, but I’m happy to be working with KC and Angelica."

SUPPORTIVE DAUGHTER. Masaya ring ikinuwento ng aktres sa PEP na very supportive ang anak niyang si Dominique at ang partner niyang si Tonyboy Cojuangco sa bago niyang project.

"Nagpaalam muna ako kay Tony," banggit ni Gretchen.

"Ang sabi niya sa akin, ’You’re much happier kapag may trabaho ka.’

"Kapag may work daw ako, I’m always laughing and smiling.

"This is what I want—to be in showbiz.

"Dominique is excited for me. She asked, ’Mom, is this going to be like Magkaribal?’

"I said, ’It’s going to be much better, honey!’" tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is this another acting piece for Gretchen, na two-time Star Awards for TV winner para sa Maalaala Mo Kaya episodes niya?

"Bonus na lang sa akin ang award, tao na ang magbibigay nun," sagot niya.

"Ang gusto ko lang is mag-rate kami, masaya ang audience and our bosses.

"Kuntento na ako pag ganun."

Marami namang mga tagahanga ni Gretchen ang nagtatanong kung may nakalinya siyang gawing pelikula this year.

"When I do a project, gusto ko, yun lang muna para maibigay ko yung 100 percent ko.

"My schedule can’t handle anything more than a teleserye.

"I’ll be working long hours for three times a week, so wala na akong masyadong time.

"But later this year, probably I’ll do a movie," sabi niya.

CLAUDINE BARRETTO. May balitang nagkabati na raw si Gretchen at ang nakatampuhan niyang kapatid na si Claudine.

Totoo nga bang nagkabati na sila?

"Claudine is my sister, imposibleng hindi kami magkaayos.

"We may have our differences, but I never doubted our love for each other," sagot ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN