Nadine Samonte says she would never resort to suicide out of a failed relationship

Young actress Nadine Samonte’s relationship with boyfriend Emerson Chua is going strong despite their short breakup last year. But the couple are not yet talking about settling down.


Parehong produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck sina Nadine Samonte at Iwa Moto.

Third placer si Nadine sa Season 1, at First Princess naman si Iwa sa Season 3.

Ito ang dahilan kaya kahit papaano ay naapektuhan din si Nadine sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Iwa noong nakaraang linggo.

The latest nga ay naospital si Iwa dahil sa pag-inom nito ng maraming Bangkok pills, na sinasabing may kinalaman sa away nila ng ex-boyfriend niyang si Mickey Ablan. (CLICK HERE to read related story.)

"Naririnig ko lang, hindi ko nga masyadong alam yung mga bali-balitang ganyan," sabi ni Nadine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa last taping day ng GMA-7 afternoon soap na My Lover My Wife sa Mabayo Pier, Morong, Bataan, last Monday, May 16.

Nagulat daw si Nadine nang mabalitaan niya ang tungkol kay Iwa.

"Inisip ko nga noong una, parang palabas lang, o gimik lang, or sabi-sabi lang.

"Hindi ko in-expect na totoo.

"Nakakalungkot lang for her, na dapat ano, life is too short, e, alam mo yun?

"Ika nga, kumbaga sa pera, spend it wisely.

"Spend it wisely na maging masaya ka dapat," sabi niya.

Sa Darna ni Marian Rivera huling nagkasama sina Nadine at Iwa, kung saan gumanap na Babaeng Impakta si Nadine at si Iwa naman ay Valentina.

"Okay naman kami, pero hindi kami yung kunyari text-text-an, hindi kami ganun, e.

"Hindi ko...wala akong idea about her," sabi pa ni Nadine.

HAPPY WITH HER LOVELIFE. Kabaligtaran ng nangyari sa lovelife ni Iwa, masaya naman ngayon si Nadine sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Emerson Chua.

Ano ba ang sikreto ng kanilang relasyon?

"Sikreto? Nagkahiwalay din naman kami, e!" natawang sabi ni Nadine.

Pero nagkabalikan din naman sila.

Kaya paano niya na-handle ang anumang problema na pinagdaanan ng kanilang relasyon? Umiyak ba si Nadine noong nag-break sila ni Emerson?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre!" bulalas niya.

Pero hindi naman umabot sa nagtangka siyang magpakamatay?

"No! Hindi, kasi ikaw rin ang mahihirapan, ’tsaka masakit ’yon, a!" biro ni Nadine.

Two weeks lang daw silang naghiwalay noon ni Emerson at kaagad ding nagkabalikan.

Mag-aanim na taon na ang relasyon nila.

Sino ang mas nag-aalaga ng relasyon nila?

"Ako," mabilis na sabi niya.

"Babae ako, dapat babae talaga, e. Babae ang magdadala nun, e."

Selosa ba si Nadine?

"Medyo," pag-amin niya.

WEDDING PLANS. Pinag-uusapan na ba nila ni Emerson ang kasal?

"Hindi pa," tugon ng young actress.

Hindi pa ba nagpo-propose si Emerson? Hindi ba siya naiinip o nagmamadali?

"Hindi naman, pero may mga pahaging lang.

"Ano, e, sayang ang trabaho kasi kung magpapakasal kami...trabaho muna."

Twenty-three pa lang si Nadine, at 25 naman si Emerson.

Ano ang dream wedding ni Nadine?

"Sa church," sagot niya.

Ayaw niya sa beach?

"Ano, e, sabi daw, nagkakahiwalay pag sa beach...sabi nila!" natatawang sagot ni Nadine.

CONTRACT WITH GMA-7. Ilang taon pa ang kontrata ni Nadine sa GMA 7?

"A, meron pa akong three years," banggit ni Nadine.

Walang offer mula sa ibang networks?

"Wala."

Kapipirma lang ba niya ng kontrata?

"Hindi po," sagot ni Nadine.

"Three years optional po kasi yung nagra-run ngayon—three years exclusive, three years optional.

"Tapos na yung three years exclusive, ang three years optional ang tumatakbo ngayon."

Wala pa raw siyang alam na kasunod na project pagkatapos ng My Lover My Wife, na magtatapos na sa May 27.

"Wala pang sinasabi, sana may kasunod agad," asam niya.

Sino ang mami-miss niya sa My Lover My Wife?

"Si Max," banggit ni Nadine sa co-star niyang si Maxene Magalona, na naka-bonding niya raw nang bonggang-bongga.

BUSINESS-MINDED. Matagal na rin sa showbiz si Nadine at isa sa pinakamasipag na artista, kaya kahit papaano ay nakapag-invest na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa nabili niyang condo na lilipatan na niya sa June, napalakihan at naipaayos niya ang bahay nila sa hometown niya sa Sta. Rosa, Laguna.

Gusto naman daw ni Nadine na mag-business."

"Food po sana or apartments," sabi niya.

"Depende rin po kasi kung saan malakas [ang apartment]. Kasi ang Sta. Rosa sa ngayon, ang daming bahay na binebenta nang mura lang.

"Gusto kong maghanap ng lote sa mga lugar na commercial at kung saan matao... Siguro po, Manila.

"Nagbu-boom ang Sta. Rosa, pero ang daming bahay na mura."

INDIE FILM. Napag-alaman ng PEP na may indie movie na ginawa si Nadine.

"Nag-indie ako, yung OFW, kaya lang may shoot sana kami sa Austria, hindi natuloy.

"E, na-shoot na naming lahat dito, sa Siniloan pa nga kami nag-shoot.

"Tapos na lahat dito, ang problema yung sa abroad na hindi natuloy, kaya nawala na rin yung buong movie.

"Ka-partner ko po dun si Coco Martin. Ang direktor namin, si Direk Celso Ad. Castillo.

"Ang ganda po nun, drama. Kasi bata kaming naging mag-asawa ni Coco, tapos inuwi niya ako sa probinsiya.

"Nagkaanak kami, sinisi ko sa kanya yung buhay ko na parang naging pangit, ganyan.

"Dumating yung point na naaksidente sila nung anak ko, namatay silang dalawa.

"Wala akong magawa, so kailangan kong pumunta sa ibang bansa, nagtrabaho ako doon, may inalagaan akong dalawang bata."

Nanghihinyang si Nadine na hindi natapos ang movie, at gusto niyang makagawa ulit ng pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN