Rosanna Roces ecstatic over winning Urian Best Supporting Actress; reveals her dream role—to portray a man

Rosanna Roces talks about her dream role: To portray a man. "Gusto ko parang isang lalaki, alam mo yun? Alam ko kung ano yung kaya ko e, pero ano yung surprise na ibibigay mo sa akin na kakaiba? So, kung lalaki ako, hirap ako kasi pag-aaralan ko naman yung physiology ng lalaki, mahirap. Pero yung mga bading madali lang, pero yung maging lalaki, mahirap, malaking challenge yun sa akin."


Naging panauhin si Rosanna Roces sa weekly Celebrity Night ng National Press Club last Friday (May 20) sa tanggapan nito sa Intramuros, Manila, sa imbitasyon ng presidente nitong si Mr. Jerry Yap.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Osang, inusisa namin ang kanyang naramdaman nang tawagin ang kanyang pangalan bilang nanalong Best Supporting Actress para sa pelikulang Presa sa katatapos lang na 34th Urian Awards.

"Actually nanalo na ako sa Presa as Best Actress, pinanalo lahat sa Gawad Tanglaw. Ang nakakaano roon, hindi ko matanggap na si Anita Linda, hindi nabigyan ng award, mabibigat kasi ang mga kalaban para mapili ka e, Urian ’yan e, hindi mo maiimpluwensiyahan ’yan," panimula ni Osang.

"Ano, ecstatic yung feelings, kasi, yun yung trophy kong inuuwi na parating proud na proud yung mga bata," pahabol pa niya.

So after Presa, ano’ng susunod niyang project?

"Iyong kay Adolf Alix, yung Haru with Jacky Woo, drama ito. With Cherry Pie Picache and Bembol Roco, tapos may gagawin kami sa Japan with Jacky Woo uli. Then, isa kay John Reid, tapos with Adolf, then magla-line produce uli ako."

Inesplika pa ni Osang kung bakit sa indie films siya nalilinya ngayon.

"Andun kasi yung lalim talaga e. Wala ka nang iintindihin na producer na hinahabol ang box office return. Dito ang habol ay parangal."

Mas fulfilling ba yung indie?

"Oo, sabi ko nga kay Goma (Richard Gomez), try mo mag-indie, kasi di ba for a while maraming nawalan ng project? E mga artists yun e, punung-puno na ng emotion ang mga ’yan, pero hindi nila nailalabas. Pero sa indie, maso-solve ka talaga," nakangiting saad pa ng aktres.

Nagbaba ba siya ng talent fee sa mga ginagawa niyang indie projects?

"Hindi," matipid niyang tugon.

Pero hindi ba kaunti ang budget ng indie?

"Oo, pero nakukuha ko pa rin naman yung presyong gusto ko. Katwiran ko, buong puso’t kaluluwa ko ang ipinakikita at ibinibigay ko rito, e. Kaya hindi naman masasayang yung ibinabayad mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahat ba ng projects na ginagawa niya, ibinibigay niya ang kanyang best?

"Oo naman. Pagkakatapos ko ng project, may gagawin ako uli, mas hinihigitan ko pa yun o pinapantayan. Siyempre para may maipakikita ka pa uling bago."

URIAN CONNECTION. Kaibigan ni Osang si Butch Francisco ng Urian, hindi ba siya nag-alala na lagyan ito ng kulay ng iba at sabihing nanalo siya dahil dito?

"Hindi. Maiimpluwensiyahan mo ba sina [Bienvenido] Lumbera, Mario Hernando?

"Sabi nga sakin ni Mario, ’This time wala kang ano ha, talagang ano sa amin na panalunin ka.’ Kasi before may ka-tie ako, so, feeling ko hindi sa akin yung trophy na yun, ngayon lang yung nag-iisa talaga ako na winner. Talagang akin ito."

Ano pakiramdam niya habang tinatanggap ang award?

"Ang una kong nasabi, ay pu--ng ina! Kasi, si Anita Linda ang ine-expect ko [manalo] e. Kasi nasa category rin siya ng Best Supporting e, pero mali, dapat sa Best Actress siya e. Tumanggap na siya ng katakot-takot, tapos doon lang siya ilalagay?

"Kaya nga sinabi ko ’di ba [patungkol kay Anita], na hindi napunta sa iyo itong tropeong ito, kasi hindi ka pang-best supporting, pang best actress ka," saad ni Osang.

At inialay ni Osang kay Anita Linda ang trophy.

"Oo, kasi iba yung makasama mo siya, at yung first-hand input na naibibigay niya sa akin. On the spot siya nagbibigay ng mga tip kung paano ka aatake, mga ganoong bagay. Malaking bagay yung ganoon hindi ba? At naging close talaga ako sa kanya."

DREAM ROLES. Sinabi rin ni Osang na ang dream role niya ay gumanap ng isang lalaki. Gusto rin niya ng role na walang dialogue, kundi puro acting lang.

"Gusto ko parang isang lalaki, alam mo yun? Alam ko kung ano yung kaya ko e, pero ano yung surprise na ibibigay mo sa akin na kakaiba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kung lalaki ako, hirap ako kasi pag-aaralan ko naman yung physiology ng lalaki, mahirap. Pero yung mga bading madali lang, pero yung maging lalaki, mahirap, malaking challenge yun sa akin," esplika pa niya.

"Pero yung [isa pang] dream role... gusto ko yung walang dialogue, yung puro act lang pero napapaiyak mo yung nanonood sa iyo sa pamamagitan ng mata, at mapapatawa mo rin sila. Yun ang uso ngayon sa indie e, puro act lang, walang dialogue."

May offer ba na gumanap siyang lalaki?

"Pinapapayat ako ni Adolf (Alix), isa yun sa gusto niyang ipagawa sa akin. Gusto niya yung kasing payat ko sa Startalk.

"Sabi ko naman sa kanya, e Direk, nag-aadik pa ako noon, e. Sabi niya, ’E di mag-adik ka uli ngayon.’ Gago talaga e, ano," nakatawang saad niya.

"Sabi ko, ’E, matanda na ako, mag-aadik pa ako.’ Pero at least daw ay papayat ako.

"Bibili nga ako ng bike para umpisahan ko na ang pagpapapayat. Ang title nung project na iyon, Porno."

Bold ba ito o sexy indie?

"May no--- (organ ng lalaki) siya pero nagpalagay siya ng kip- (organ ng babae). Gusto lang niyang magkaanak. Alam mo yun, may psychological ano yun e. Hindi pa naikuwento ni Adolf na buo e..."

Sinabi rin ni Osang ang mga actor na gusto pa niyang makatrabaho at okay lang daw kahit gumanap siyang nanay ni Coco Martin.

"Maraming magaling e, Ronnie Lazaro... Sa mga bata, sina Sid [Lucero], Coco Martin, magagaling ’yan. Kung nanay ako ni Coco, okey lang sa akin. Wala naman sa akin yun kung nanay ako, maganda yung ganoon, yung may pressure sa iyo. Pero yung pressure sa iyo, hindi mo kailangang mag-over acting, mag-under acting ka lang."

Kaninong actor siya bilib na bilib at bakit?

"Lolita Rodriguez... controlled siya e. Hindi ko pa siya nakakasama, pero sana makasama ko [sa isang project].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga lalaki? Namatay na e, si Johnny Delgado, sayang nga at hindi ko na siya nakatrabaho.

"Si John Lloyd, gusto ko ako yung kontrabida. Parang iiyakan ako sa bandang huli, parang bida-kontrabida, ganoon. Anti-hero, ganoon."

FAMILY AFFAIR. Kumusta naman si Jolo Revilla (who fathered a son with Osang’s daughter Grace). Nagkikita pa ba sila?

"Hindi."

Musta na si Jolo at si Grace?

"Siyempre okey naman sila at nagkikita pa rin at sinasabi niya kay Grace kung sino ang bago niyang girlfriend, ganoon," nakangiting saad ni Osang na ayaw ibuko ang nalalaman sa kasalukuyang karelasyon ngayon ni Jolo dahil nangako raw siya kay Grace.

Okay lang bang makasama niya si Jolo sa isang project?

"Why not? Tuturuan ko siyang umakting. Ibig kong sabihin, kaysa ituro ko sa iba yung formula, sa kanya na lang."

Nakukulangan ba siya sa acting ability ni Jolo?

"Bata pa kasi e, at saka buti nga naging ama siya, kaya may paghuhugutan na siya. Pero yung lalim, yung depth, alam mong trabaho lang yung ginagawa niya. Wala pa roon yung lalim na masasabi mo.

"Pag yun ang natutunan niya, okay na, nasa lahi yan e. pati apo ko sigurado yan."

Okey ba sa kanya na maging artista ang apo niya?

"Ayoko. Ano pang nagtatrabaho kami at pagtatrabahuhin mo ang apo ko," matigas na pagtutol niya.

Si Grace ano pinagkakaabalahan niya?

"May business siya, online... mga Louis Vuitton na bag, mga may name na bag, ganoon. Okey naman siya, maganda yung business niya."

May pinagsisisihan ba siya?

"Wala akong ginawa na pinagsisihan ko, kasi para akong tanga niyan pag pinagsisihan ko. Lesson yun lahat e, at saka kung ano ka ngayon, yun yung mga na-experience mo. Yun yung naghulma sa iyo para mas maging better person ka. Hindi ka dapat nagsisisi, ke mali o tama."

Kahit kaunting regrets wala ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una hindi ko naman naisip na mag-artista o wala sa akin, pero ako ang binigyan ng pagkakataon na maging ganito hindi ba? Hindi lang basta artista, milyon ang tao sa mundo pero ako ang nabigyan ng pagkakataon na maging artista, yun lang sapat na yun."

Sa estado niya sa buhay, maligaya na ba siya?

"Oo naman. Mas maligaya ako kung nakatutulong sa iba. Ang pagtulong din sa tao nandiyan lagi, lagi akong bukas palad kasi nasanay na ako kapag may humingi, magbibigay. Ang hirap niyong may lalapit sa iyo pero wala kang maibigay, ang sakit-sakit niyon. Talagang mas masarap magbigay."

Kuntento na ba siya sa career niya ngayon?

"Okey lang. Noon naman kasi simple lang ang buhay namin kahit hindi bonggang-bongga. Ang pinaka-luxury namin yung magpunta sa Hong Kong, ganoon lang. Pero sabihin mo yung mga alahas, designer clothes, hindi namin naging gawi yun.

"Pamilya talaga ang mahalaga sa amin. Siguro yung pinakahilig naming yung pagkain, ganoon lang," pagwawakas ni Osang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN