Butch Francisco talks about the "missing envelope," how an award presenter ended up reading last year’s winners and other gaffes at the 34th Gawad Urian Awards

Ai-Ai delas Alas (above) is one of the co-hosts, along Cesar Montano and Manunuri Butch Francisco, at the 34th Gawad Urian Awards which started two-and-a-half hours late and ended past midnight.


Handa ang Manunuri member na si Butch Francisco na magbigay ng kaukulang paglilinaw sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) hinggil sa naobserbahang ilang "kamalian" sa awards proceedings ng ginanap na 34th Gawad Urian Awards noong Martes, May 17, sa Marriott Hotel Ballroom sa Pasay City.

Agad bumati si Butch F. sa PEP nang magkita kami sa GMA-7 studios kahapon, May 21, kung saan ginaganap ang lingguhang Startalk, na isa si Butch sa mga regular host.

"Tama yung sinulat mo!" sabi ni Butch. He hinted at his co-Manunuri’s reactions, nang lumabas ang ulat na may pamumuna sa naging kaganapan.

"E, yun naman ang totoo, e! Sabi ko, yun naman ang totoo," objective na pagtukoy pa ni Butch, bilang bahagi ng local critics group.

MAIN HOST. Pero sa kanyang paglilinaw, walang inaakong responsibilidad ang Manunuri reviewer-critic sa mga kamalian, either sa proceedings o sa technicalities involved.

"Host lang po ako. Host lang po ako," sunud-sunod niyang banggit sa PEP ng kanyang katwiran.

Ito’y matapos siyang tanungin ng PEP kung bakit naging gano’n ka-"messy" ang awards presentation ng 34th Gawad Urian, na atrasadong nagsimula (by two-and-a-half hours), taliwas sa 6 p.m. na nakasaad sa imbitasyon at programa, kung kaya’t natapos din nang magha-hatinggabi na, sa dami ng mga kategoryang pinarangalan.

Kasama bilang main hosts/emcees of the evening ni Butch Francisco ang premyadong aktor na si Cesar Montano at ang actress-comedienne, Ai-Ai delas Alas.

MISSING ENVELOPE. Alam ni Butch Francisco ang naging mga pagkakamali sa nakaraang Urian awards ceremonies.

Tulad sa best sound category, na nawala ang envelope na kinasusulatan ng winner (Dempster Samarista, of the indie film, Limbunan).

Ayon kay Butch, ang young actor na si Martin Del Rosario, isa sa naging presenters (kasama sina Charee Pineda at Manunuri Lito Zulueta) ang "nakawala" ng envelope.

"Yung kay Martin... kung anuman [ang kadahilanan], nailaglag nu’ng bata," sabi ni Butch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ni-rehearse siya [para sa kategoryang ipi-present], at the last minute," kuwento pa niya. "Hawak-hawak niya [ang envelope]; pagkatapos, nu’ng... [babasahin] na, nailaglag nu’ng bata (Martin).

"Ewan ko. Napaka-iresponsable niya. Nabitawan niya," pagtukoy pa ni Butch.

Kaya naguluhan ang tatlong presenters sa stage. Pati ang mga taga-produksiyon ng "taped as live" event. Maaaring dala na rin ng kaba, hindi na lumitaw ang envelope.

"Oo, because of Martin del Rosario," sabi uli ni Butch.

Para malunasan ang problema nang mga sandaling ’yon, nag-dialogue ang Manunuri Lito Zulueta ng, "Manunuri din naman po ako... ang nanalo, ang tunog ng Limbunan!"

OLD TEMPLATE. Ang isa pang maituturing na glaring mistake, ay ang pagkakabasa ng presenter (veteran actress, Rustica Carpio) sa supposedly mananalong best actress, o Pinakamahusay na Pagganap ng Pangunahing Aktres.

"Oo, may sabit talaga... may sabit talaga..." ani Butch.

Kasama ng kapwa beteranang aktres na si Anita Linda at isa sa mga founding members ng Manunuri, Dr. Nicanor G. Tiongson, binasa ni Bb. Rustica ang simula ng spiel, "sabay na parangal," or something. Ibig sabihin, may magta-tie sa award for best actress.

Pero matapos niyon ay hindi muna naipagpatuloy ang pagbabasa. In consultation with Dr. Tiongson, ang totoong best actress winner, na walang ka-tie, ang siya lamang binasa: Fe "Gingging" Hyde, ng pelikulang Shieka.

PEP asked Butch kung may kontrobersiya bang kaakibat ang pangyayari?

"No, no, no," pag-kumpirma niya. "Kasi ito ang nangyari. Yung isang Manunuri (not Dr. Tiongson)... yung template [na nai-print out, para basahin onstage], kung ano yung sa last year, inulit niya."

Yung last year’s winners nga ang binasa, dahil dalawang best actress winners ang tumanggap ng parangal, sina Anita Linda at Rustica Carpio, ng pelikulang Lola.

"Ay, naku, oo. Yung na-i-print out, yun ding [sa] last year, na merong nag-tie," pagtukoy rin ni Butch F.

"Inaamin ko yun. Kasalanan namin," aniya pa. "[Pero] hindi nagkulang sa preparation [ang involved]. Tinatamad... careless lang siya; that Manunuri," diin pa ni Butch sa isang kasamahan na hindi na lang tinukoy kung sino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, kanya-kanyang assignment ’yan, e. Ang punto ko lang naman, we do everything, alam mo [rin] naman how hard I’ve worked for the Urian.

"So, kanya-kanya kaming trabaho," at naging vocal uli si Butch Francisco sa sarili niyang pamumuna sa kasamahang dapat patungkulan ng pamumuna. "Yun lang ang trabaho niya, hindi pa niya ginawang maayos.

"I don’t deny it. It really happens," sabi rin ng Manunuri at TV host.

Good thing, sa pagpapalabas ng TV coverage ng 34th Gawad Urian Awards, on Sunday, May 22, sa Cinema One (on SkyCable network), ma-e-edit na ang palabas at maisasaayos ang dapat na isaayos na bahagi.

"They better [do it]..." sambit din ni Butch.

SATISFYING RESULTS. At best, inamin ni Butch Francisco na satisfied siya sa kabuuang resulta ng botohan ng Manunuri sa taong ito.

Nanalo ng pinakamataas na parangal, bilang best picture and direction, among other awards, ang indie film na Ang Damgo Ni Eleuteria, ng debuting full-length filmmaker na si Remton Siega Zuasola.

Ang pelikula’y entry sa Cinema One Originals Filmfest noong isang taon.

"Oo naman," pag-amin ni Butch.

Sa pagkakataong may hindi siya pagsang-ayon sa lumabas na resulta, katwiran niya, "May democratic process ’yan. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, ’yung gusto mo ang masusunod.

"May mga naglabasan, karamihan," sa mga naiboto ni Butch, "siguro, mga 60 percent... ang approved ko. O 55 percent."

Sa best actress category, maaaring hindi ’yon ang boto niya, pero ani Butch, "Mahirap naman talaga yung role niya." He was referring to Fe Gingging Hyde, ng Sheika ni Arnel Mardoquio.

Sa best actor category, ang eventual winner ay si Sid Lucero, para sa gay film na Muli ni direktor Adolf Alix, Jr.

"Magaling silang lahat," pagtukoy pa ni Butch, about the category’s nominees. "Ang dami nilang magagaling..."

FUN AND LAUGHS. Throughout the awards ceremonies ay either nasa backstage si Butch F, or onstage, kapag "on cue" na sila ng mga kasamang Cesar Montano at Ai Ai Delas Alas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tatlo, si Ai Ai ang madalas na nagpapatawa, sa kanyang mga binibitiwang pahayag, either mula sa binabasang cue cards/spiels, o pag-a-adlib.

Kinu-complement ni Butch ng mga pagbibiro din sa komedyana o ni Cesar sa simple nitong pagtugon.

Halimbawa, sa isang punto ng pagpapalitan nila ng komento, nasabi ni Ai Ai, "Ang sinabi ko nga, gusto ko ring gumawa ng indie film, kasi indie films ang magbibigay sa akin ng karangalan sa international film festivals!

"Malay mo, makapag-gown ako doon!" sabi pa ni Ai Ai.

Sagot naman ni Butch, "Sa Cannes?"

"Oo, sa Cannes-to... sa kanto!" pagpapatawa ng comedienne.

At ang mga "pinapangarap" din ni Ai Ai, na naisatinig sa isang bahagi ng paghu-host nila ni Butch ng Urian awards:

"Talagang nakakainggit, kung bakit may mga ganyan, di ba?" sabi rin ni Ai Ai.

"Sino kaya ang puwedeng mag-isip ng magiging indie film ko?

"Kumbaga, si Uge (Eugene Domingo), meron siyang Babae sa Septic Tank... ako, puwede akong ’Babaing Ipinaglihi sa Gagamba,’ o kaya, ’Ang Pagbibinata Ni Ai Ai delas Alas!’

"Puwede ba ’yon?" tanong din ni Ai Ai. "O kaya, ’Ang Babaing Nangarap Na Maging Kuya Germs.’ Maganda ’yon! Indie talaga ’yon!"

Parang sa isang sitcom, sumagot naman si Butch sa kasamang host. "Kasalanan mo, di ba, panay ang offer sa ’yo ni direktor Brillante Mendoza, maging title-role sa mga pelikula niya, tulad ng Lola?

"Bakit naman gano’n, direk?" seryoso ang tono ni Ai Ai, as she addressed Brillante Mendoza in the audience. "Puwede namang iba, di ba?

"Hindi, dapat talaga, di ba, direk, may gagawin tayo, dati pa, yung ano, gugulpihin ako nang gugulpihin?" wika rin ni Ai Ai sa natutuwang direktor.

Ani Butch, "Yung Kinatay! Dapat talaga, title-role ka sa Kinatay, parang chop-chop lady ka! Oo. Di ba? Para pira-piraso ka [sana] ngayon..."

At natuwa naman si Ai Ai sa birong-panlalait sa kanya ni Butch, "Okey ’yan! Maganda ’yan! At least, makikita talaga diyan ang acting ko... di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

With that, at ang iba pa nilang pagpapakuwela, akma rin ang masayang pag-uugnayan ng mga tumayong hosts/emcees, o tagapagpakilala, sa hindi maiiwasang tensiyon ng gabi na nag-resulta sa ilang kamaliang maisasaayos din naman sa pam-publikong pagpapalabas ng institusyong parangal pam-pelikula, tulad ng 34th Gawad Urian Awards.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN