Jinkee Pacquiao has forgiven Krista Ranillo; admits husband Manny Pacquiao gets jealous sometimes

"I feel happy para sa kanya na may pamilya na siya, may anak na siya. Alam kong masaya siya sa kanyang first baby. Sana maging mabuti siyang ina para sa kanyang anak at asawa," says Jinkee Pacquiao about Krista Ranillo.


Ang maanghang na pahayag ni Senator Miriam Santiago kaugnay sa posisyon ni Sarangani Rep. Manny Pacquiaio sa pinagdedebatehang Reproductive Health Bill, o RH Bill, ang unang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa victory party na ibinigay ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson para sa Pambansang Kamao.

Ginanap ang victory party sa clubhouse ng Corinthian Gardens kagabi, May 22.

Kalmado at nakangiting nagbigay ng kanyang pahayag ang asawa ni Pacman maging sa sinabi ni Senator Santiago na gumagamit naman daw si Jinkee ng birth control pills.

"That was a long time ago na gumamit ako ng pills. Pero hindi alam ni Manny yun.

"Pero kung alam ko lang na hindi pala siya tama, hindi ko na rin itinuloy," paliwanag ni Jinkee.

Handa rin daw siyang sumuporta sa anumang paniniwala ng kanyang mister kaugnay sa RH bill.

"Kung ano ang conviction niya, doon din ako."

Gustong palampasin ni Jinkee ang samu’t saring pambabatikos ng iba sa kanyang asawa dahil alam naman daw niyang may kanya-kanyang opinyon ang bawat Filipino.

"Opinyon nila yun, so be it," pagkikibit-balikat niya.

"Wala naman akong magagawa doon. Yun ang conviction namin."

Sinuportahan din ni Jinkee ang mga reaksyon ng kanyang biyenan na si Dionisia Pacquiao laban kay Senator Santiago at ang panawagan nitong huwag babuyin ang kanyang anak dahil ito ay inihalal ng taumbayan bilang congressman. (CLICK HERE to read related story.)

"Siyempre, pag naririnig niya na medyo may nagsasabi ng masakit tungkol sa anak niya, siyempre, napi-feel ko rin kung ano yung nararamdaman niya."

Ayaw namang magsalita ni Jinkee sa bali-balitang ang pagiging senador o vice president ang susunod na gustong takbuhin ng kanyang asawa sa susunod na eleksyon.

"Naku, matagal pa yung eleksyon! Hindi ko muna iniisip yung mga ganyang bagay.

"Tingnan na lang natin. If it’s God’s will, why not?" sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ni Jinkee na hindi muna niya gustong sundan ang bunso nilang anak ni Manny.

Napangiti lang siya sa pagpansin naming sayang ang pinaghirapan niyang pagpapaganda ng katawan kung mabubuntis siya uli.

"Hindi naman," sambit niya.

"Kung darating, darating din naman ’yan.

"Kung gusto ng Diyos na mabuntis ako uli, it’s a blessing."

PANTASYA NG BAYAN. Marami ang nakapansin sa napakalaking pagbabago sa hitsura ni Jinkee. Mas gumanda siya at sumeksi.

Nang i-focus ang camera sa kanya sa laban ng kanyang asawa kay Shane Mosley sa Las Vegas, marami ang humanga sa kanyang kagandahan.

Sabi pa nga ng iba, siya na ang pinakabagong "pantasya ng bayan."

"Oh, my God!" ang hindi makapaniwalang reaction ni Jinkee.

"Siguro iniisip ko lang... parang iniba ko yung outlook ko sa buhay, kailangang positive.

"I choose to be happy rather than to be sad.

"At saka yung pag-endorse ko ng Belo, nakatulong talaga sa akin."

Okey ba sa kanya na tawagin siyang bagong pantasya ng bayan?

"Parang nakakatawa lang... pero okey! Thank you!" bulalas niya.

"Flattering kung yun ang tawag nila sa akin.

"Masaya ako at least sinasabi nila yung gano’n sa akin."

Hindi naman itinatanggi ni Jinkee na may mga pagkakataong na-i-insecure at nagseselos si Manny sa malaking pagbabago ng ganda at kaseksihan niya.

"Minsan," nakangiting sabi niya.

"Parang hindi na siya umiimik, hindi na siya nagsasalita.

"Halimbawa sa mga parties, may kausap ako, mag-iiba yung mood niya, or uuwi na kaagad kami.

"May mga gano’n siya."

Marami rin ang nakapunang kung kailan naging sexy si Jinkee ay saka naman tila naging simple ang kanyang mga isinusuot na damit?

"Hindi naman nabago," paglilinaw niya.

"Ang ayaw lang ni Manny yung masyadong maiksi.

"Ayaw niya no’ng mga short-shorts.

"Ayaw niya no’ng hindi na magandang tingnan, yung cleavage to the max.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw niya ng gano’n.

"Pero nasusuot ko naman yung gusto ko.

"Hindi naman ako yung napagbabawalan kasi yung mga isinusuot ko naman, yun yung mga gusto ko na tama lang naman."

POSITIVE OUTLOOK. Kailan siya nagdesisyon na maging conscious sa beauty at looks niya?

"Kasi, di ba, dati pa, parang hindi mo naman mare-realize na hindi naman magiging kumpleto ang buhay pag wala kang pinagdadaanan. Kailangang bumangon.

"Hindi na puwede na maging malungkot ka. Parang ayaw mo namang maging malungkot ka, di ba?

"May mga anak ka, masaya ka sa buhay mo, nandiyan ang pamilya mo. Tapos ang daming blessings na dumating sa buhay mo.

"I-pray mo na lang na pag may mga dumating na problema, ipagdasal mo na lang na sana makayanan mo.

"Yun ang ano ko sa buhay ngayon, na kailangan kong maging, to look good every day.

"Kailangang maging positive ang outlook ko sa buhay.

"Saka be forgiving. Minsan kasi nagbabasa-basa rin naman ako ng mga libro.

"Nakatulong yun sa sarili ko to become a better person."

Nagpatawad na ba siya?

"Oo, napatawad ko nang lahat!" mabilis na tugon ni Jinkee na sinundan niya ng tawa dahil alam niya kung sino ang tinutukoy namin.

"Kung sinuman yung nakasakit sa akin or nasaktan ko."

KRISTA RANILLO. Napatawad niya na ba si Krista Ranillo na na-link noon sa kanyang asawa?

"Oo naman," sagot niya.

"Pag nakita ko nga siya, wala, ngingitian ko na lang siya.

"Parang wala na, kinalimutan ko na yun.

"Kasi para maging at peace ka, kailangan mong magpatawad."

Nakangiti si Jinkee nang magbigay siya ng kanyang saloobin sa pagkakaroon na ng sariling pamilya si Krista.

"I feel happy para sa kanya na may pamilya na siya, may anak na siya.

"Alam kong masaya siya sa kanyang first baby.

"Sana maging mabuti siyang ina para sa kanyang anak at asawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng malawak na pang-unawa ni Jinkee ngayon kumpara noong una namin siyang na-interview sa launching niya bilang endorser ng Belo.

Noong natatanong siya tungkol sa mga nali-link kay Manny, may kaunting yamot sa kanyang mga sagot.

Pero ngayon, may ngiti at positibo ang pananaw niya tungkol sa mga umaaligid o umaligid sa kanyang asawa.

"Siguro kasi before, parang hindi ko pa siya tanggap, parang may dinadala pa ako sa sarili ko.

"Pero ngayon, parang okey na, na-relieve na yung pain," saad niya.

May kinalaman ba yun sa total makeover niya at sa pagkakaroon niya ng kakaibang alindog ngayon?

"Siguro... oo!" sabay tawa niya.

"Naging confident ako."

HOUSE IN FORBES PARK. Kinumpirma naman ni Jinkee ang napabalitang pagbili nila ng bahay sa Forbes Park.

"Medyo inaayos pa namin yung presyo. Medyo mataas pa.

"Meron na kaming nagustuhan. Sana willing nang ibenta ng may-ari.

"Kasi usually daw kapag sa Forbes o Dasma, kapag nagpapagawa ng bahay, para talaga sa sarili nila. Parang dream house ng may-ari.

"Pero kaso noong nagpunta ako doon, yun ang nagustuhan ko.

"Parang nagdadalawang-isip pa yung may-ari kung ibebenta niya... brand new.

"Medyo mahal siya kasi siyempre yung lugar at saka dream house kasi ng may-ari, may personal attachment sa kanya yung bahay."

Ayon kay Jinkee, hindi bababa sa P100 million ang halaga ng bahay na nagugustuhan niya.

Kapag nakapagdesisyon na raw ang may-ari ng bahay ay i-schedule na nilang mag-asawa ang paglipat dito.

Tungkol naman sa nasulat na magpapagawa ng mall ang kanyang mister sa General Santos City, wala pa raw naririnig na plano si Jinkee mula kay Manny.

Pero gusto raw talaga ni Manny na mabigyan ng trabaho ang marami niyang kababayan.

FOR SECURITY REASONS. Sa victorty party kagabi, kapansin-pansin na may ilang nakabantay kay Jinkee habang kausap namin siya at habang nagpapa-picture sa kanya ang mga bisita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni Jinkee na marami silang bodyguards ng kanyang asawa at nagdagdag pa sila ng ilan.

Pero pang-seguridad lang naman daw iyon sa kanilang pamilya.

"Hindi naman kami natatakot kaya kami nagdagdag ng security," sabi ni Jinkee.

"Kumbaga, parang security lang namin.

"Kasi wala naman kaming kaaway, wala naman kaming tinatapakang tao. Mahal naman ng Pilipino si Manny.

"Security lang naman na may kasama kami."

Sa mga naoobserbahan naming reaksiyon ni Jinkee, masaya naman siya sa pakikisalamuha niya sa mga tao.

Nakapag-adjust na ba siya sa buhay nila ngayon? Dati kasi ay simple lang ang buhay nila, pero ngayon ay napapaligiran na sila ng karangyaan at ng iba’t ibang klaseng tao.

"Medyo, pero yun lang, yung parang crowded na masyado.

"Nakakapanibago lang. Pero okey lang naman, enjoy rin naman," sabi niya.

BOXER’S WIFE. Bilang asawa, hindi raw nakikialam si Jinkee sa political, showbiz, at boxing career niya.

Nagbibigay lang daw siya ng kanyang saloobin bilang pagmamalasakit sa magiging kapalaran ng kanyang asawa.

“Bilang asawa, sinasabihan ko lang siya na ganito-ganyan, pero wala akong say sa kung anuman ang gusto niyang gawin na sa palagay niya ay tama.

"Kasi siya pa rin naman yung magdi-decide," sabi ni Jinkee.

Marami na ang gustong kumuha kay Jinkee para mag-artista, pero nananatiling nasa likod lang siya ng kanyang mister.

Does Manny have a say in her career?

"Pag may kasama akong co-host na lalake, ayaw niya ng gano’n kasi raw baka pagtsismisan ako.

"Ayaw niya ng gano’n," pagtatapat niya.

Hindi ba sumasama ang loob niya?

"Ay, hindi naman.

"Sabi ko naman, okey lang naman kung walang co-host, kung ako lang.

"Okey lang din para wala nang gulo."

Isa sa naging isyu noon ay ang pagli-link sa kanila ni Derek Ramsay, na may nakakita diumano sa kanila sa may Greenhills. Ito yung mga panahong marami ang ini-link kay Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi-sabing ito raw ang naging dahilan ni Manny para tuluyang pigilan ang misis niya sa pagpasok sa showbiz.

"Dati pa naman talaga hindi niya ako pinapayagang mag-showbiz," sabi ni Jinkee.

Hindi raw nakaapekto sa friendship nila ni Derek ang lumabas na isyu.

"Pinagtatawanan nga lang namin yun, e. Hindi naman siya madalas tumawag o mag-text.

"Nag-text siya para kumustahin si Manny and yung para sa ticket. Noong nasa Dallas sila, kasama si Dra. Belo, yun lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN