Paolo Contis explains decision to back out from Amaya

"Kasi mahirap talaga yung show, and never akong pumasok sa trabaho na half-hearted ako, kasi ayokong ako yung masira," says Paolo Contis about his decision to back out from Amaya.


Kasama sana sa epicserye ng GMA-7 na Amaya si Paolo Contis, pero mas pinili muna ng aktor na bigyan ng panahon ang kanyang pamilya.

"Inabot lang ako ng panganganak ni Lian [Paz, Paolo’s partner] and I had to make a choice na mag-alaga muna ng baby ko, kasi bagong panganak si Xalene.

"And ang isa sa mga sinabi sa amin tungkol sa Amaya is yung pressure nung oras.

"Kasi mahirap talaga yung show, and never akong pumasok sa trabaho na half-hearted ako, kasi ayokong ako yung masira," paliwanag ni Paolo sa taped interview sa kanya ng Startalk noong Sabado, May 21.

Si Ryan Eigenmann ang pumalit sa role ni Paolo.

Nilinaw rin ni Paolo ang isyung ayaw daw niyang makatrabaho ang bida nitong si Marian Rivera kung kaya’t nag-backout siya sa project.

"Nagkuwento pa ako kay Dong [Dingdong Dantes, Marian’s boyfriend], sabi ko, ’Bro, parang hindi ko kayang gawin yung ano. Okay lang kaya kay Marian?’

"Pati kay Marian, nagpaalam ako kasi I don’t want na magalit siya sa akin.

"But I had to make a choice between giving my one hundred percent sa work, or taking care of my daughter first.

"And hindi ko rin mabigay yung one hundred percent," saad niya.

Since sa taping ng Show Me Da Manny in-interview si Paolo at co-star niya sa naturang show si Marian, biglang dumaan ang aktres sa likod ni Paolo. Lumapit agad ito sa aktor at tumatawang nagdayalog ng: "Uy, iniintriga tayong dalawa?"

Tumatawa namang sumagot si Paolo kay Marian ng: "Oo nga!"

"Sabi ko nga, hindi n’yo ba alam kumpare ko yun!" sabi ni Marian bago umalis.

"Korek!" sambit naman ni Paolo.

Wala naman daw pinagsisisihan si Paolo sa kanyang naging desisyon.

"I’m very, very happy about the choice I made.

"Alam naman ng lahat na two years magkasabay si Lian na nanganak, so the second one is very stressful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi nga...sabi namin, I think she needs a break.

"I believe na maganda yung naging choice namin, maganda.

"Maaaring wala ako sa Amaya, pero it’s...isa sa hindi ko aalahanin yung magalit sa akin si Marian kasi hindi naman ganun kababaw si Marian....

"’Tsaka alam niya yun kasi inaanak niya si Xalene, e."

Bukod kay Marian, sino pa ang plano nilang kuning ninong at ninang sa binyag ng kanilang second baby na si Xalene?

"Meron na sa utak ko, pero hindi ko pa nasasabihan kaya ayoko munang iano.

"Pero si Congressman [Manny] Pacquiao, sinabi niya na hindi puwedeng binyagan si Xalene nang wala siya sa bansa.

"So, inano rin namin, na kailangan nandito siya sa bansa," kuwento ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN