Joshua Dionisio downplays rivalry among co-stars in Tween Hearts

"Meron kaming contribution lahat dito. Lahat kami kasi, kung kulang ng isa, siyempre kulang na ang Tweens. Kasi kaya nga po kami tinawag na Tweens and hindi Tween lang. Hindi puwedeng may mawawalang isa, hindi puwedeng may aangat na isa—kailangan nandun kaming lahat," says Kapuso actor Joshua Dionisio about the equal participation of fellow young stars in their upcoming movie.


Siguradong mami-miss ni Joshua Dionisio ang kanyang mga kasamahan sa afternoon drama series na Nita Negrita, na magwawakas na itong darating na Hunyo.

Sa press conference ng programa na ginanap kamakailan sa Tempura Japanese Grill sa Tomas Morato, Quezon City, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua.

Tinanong namin siya kung ano ang kanyang fondest memory habang ginagawa ang serye.

"Kapag nagte-taping na kami, lalo na pag medyo inaantok si Tita Nova [Villa], lalo siyang kumukulit," nakangiting sagot ni Joshua.

"Hindi yung pag inaantok, bumabagsak. Minsan kunyari, inaantok siya, nakakalimutan niya yung line niya. Lahat ng sinasabi niya, nakakatawa!

"Nakaka-miss yung gano’n kasi masaya magtrabaho kung ang mga kasama mong artista, puro ganun—easy-easy lang.

"Hindi yung parang ang hirap kasama, kasi parang natatakot ka sa kanila kasi masyado silang mataas.

"Masaya kasi kahit malalaki ang artista na kasama namin dito, hindi namin naramdaman yung takot."

MOVIE LEAD PROJECT. Sa pagtatapos ng Nita Negrita ay pagtutuunan muna ng pansin ni Joshua at ng kanyang katambal na si Barbie Forteza ang paggawa ng kanilang upcoming movie under GMA Films na pinamagatang Tween Hearts: Class of 2012.

Bagamat hindi ito ang unang film project ni Joshua, walang duda na ang Tween Hearts: Class of 2012 ang biggest break nila ni Barbie sa big screen, matapos magtagumpay ang kanilang mga programa sa telebisyon.

"Ibang-iba siyempre kung sa iyo iikot yung istorya.

"Sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote po kasi, parang extra lang ako and konting-konti lang yung eksena ko.

"Pero kung ano yung feeling na ginagawa mo sariling movie mo? Ano po siya, nung una, kinakabahan kami, siyempre.

"As in lahat kami, kinakabahan kami sa movie.

"Kasi ang iniisip namin, bawal magkamali at saka siyempre big screen na ’yan.

"Iba na ’yan sa taping-taping lang na puwedeng i-cue-cue.

"E, dito, hindi na talaga puwede, kailangan perfect talaga lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nung first shooting naman, hindi naman kami masyadong na-pressure kasi masaya.

"Para kaming nagte-taping ng Tween Hearts [GMA-7’s television version of the movie], although iba yung characters namin.

"Kasi, si Direk Mark [Reyes] naman, istrikto siya, pero hindi siya masungit.

"Istrikto siya, pero hindi mabigat sa pakiramdam yung pag-guide niya at parang mas madaling magtrabaho," kuwento ni Joshua.

Ngayon pa lang ay ramdam na ni Joshua ang pressure, lalo pa’t malaki ang tiwala sa kanila ng Kapuso management na hinog na sila para sa malalaking proyekto.

May payo naman ang magaling na aktres at direktor na si Gina Alajar, na isa sa mga tumatayong acting workshop teachers ng mga batang artista na mapapanood sa Tween Hearts. Si Gina rin ang TV version ng Tween Hearts.

"Kailangan ipakita raw po namin yung mga natutunan namin and hindi kami puwedeng maging pasaway.

"Kailangan i-meet namin yung expectations ng management at production," banggit ng batang aktor.

Hindi naman naniniwala si Joshua na mas malaki ang partisipasyon nila ni Barbie sa pelikula kumpara sa mga co-stars na sina Jhake Vargas, Bea Binene, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio, Elmo Magalona, Louise delos Reyes, at Alden Richards.

"Kaya medyo natagalan ang movie namin kasi binalanse yung istorya. Hindi puwedeng may aangat, hindi puwedeng merong papangit ang image—hindi puwedeng ganun," paglilinaw ni Joshua.

"Pinaghandaan talaga ng mga writers. Lalo nga po kaming kinabahan kasi pati si Ms. Annette [Gozon-Abrogar, GMA Films president], nag-contribute sa script.

"Pero nung shooting na, dumating po si Ms. Annette. Naisip ko rin kasi siyempre kailangan hindi mo puwedeng ipakita na kinakabahan ka.

"Pero after naman nung visit po, okay na, wala na yung kaba."

NO PARENTS RULE. Tinanong namin si Joshua kaugnay sa balitang lumabas na ipinagbawal ni Direk Mark ang mga magulang sa set ng pelikula para maayos na makapagtrabaho ang lahat at maiwasan ang anumang isyu. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Joshua ang tatanungin, wala naman siyang nakikitang masama sa gustong mangyari ni Direk Mark. Sa katunayan, naniniwala siya na malaki ang maitutulong nito para sa mga artista at sa kabuuan ng pelikula.

"Hindi naman po totally na bawal ang parents sa shooting.

"Nandun pa rin po sila sa standby area, pero bawal lang ang parents kapag sa mismong set," paliwanag ni Joshua.

"Okay na rin po yun para hindi kami mailang.

"Kasi minsan, nakakailang pag nandiyan yung parents mo, tapos umaarte ka.

"Parang patingin-tingin ka kung okay lang.

"So, mabuti na rin po siguro yun para hindi ka mailang and para mas madali ang trabaho.

"’Tsaka sayang po ang oras, kasi talagang importante, kasi mahirap na nga ang schedule namin, tapos magpapasaway pa kami.

"Baka mahirapan po kaming ma-meet yung target date namin kung masyadong maraming distractions."

MATURING IN THE BUSINESS. Malayo na ang narating ni Joshua sa showbiz, at kasama sa kanyang tagumpay ang mga sakripisyo at aral na kanyang natutunan matapos ang ilang taong pamamalagi sa industriya bilang isang young star.

"Kailangan mo talaga ng matinding patience and marami kang kailangang tiisin talaga.

"Kasi, iniisip lang ng tao na madaling mag-artista kasi aarte-arte ka lang. Hindi siya ganun.

"Marami kang kailangang gawin para magkaroon ka ng pangalan dito sa showbiz.

"Kunwari magaling ka ngang umarte, pero hindi gusto ng tao yung ugali mo, hindi ka rin sisikat.

"So kailangan marami kang sacrifices, marami kang kailangang gawin para maging successful sa career.

"Kasi parang dati, easy lang ako sa pag-aartista and parang hindi ko pinapansin.

"Kailangan ngayon makipag-picture ako sa iba’t ibang fans. Kasi po dati, parang isnabero ako.

"Konti pa lang po nakakakilala sa akin, tapos medyo snob po ako.

"Hindi ako aware dati na nakakaapekto pala po yung mga ganun.

"Nalaman ko po na malaki ang epekto sa fans ng mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan po maging approachable, mabait, ’tsaka sincere ka sa mga fans para po mahalin ka nila and maging successful ka sa showbiz," seryosong pahayag ni Joshua.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN