Cheska Garcia loves spending time with brother Patrick and his son with Jennylyn Mercado, Alex Jazz

Actress-TV host Cheska Garcia attended a fashion event-launching in Taguig City last night, May 25, with cager husband, Doug Kramer.


Dumalo ang actress-host na si Cheska Garcia sa fashion event tampok ang mga likha ng designer na si Emy Cruz para sa lifestyle brand na Colours.

Ginanap ito kagabi, May 25, sa Cav Wine Shop-Café, sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Bagamat hindi kasama si Cheska sa mga modelong rumampa ay dumaan pa rin ito para makisaya at magpakita ng suporta sa kaibigan at Us Girls fellow host na si Angel Aquino.

Si Angel ang kasalukuyang tumatayong endorser ng Colours, at ang paglabas niya sa entablado ay ang nagsilbing finale ng fashion show kagabi.

Ilan sa mga showbiz personalities na namataan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa loob ng venue ay ang Kapuso star Solenn Heussaff, Kapamilya actor Matteo Guidicelli, Belo Essentials executive Cristalle Henares, at model-host Marc Nelson.

LIFE AS A MOM AND WIFE. Kasamang dumating ni Cheska ang kanyang mister na si Doug Kramer, na naglalaro para sa koponan ng Rain or Shine sa Philippine Basketball Association.

Taong 2008 nang ikasal sina Cheska at Doug sa isang seremonya na ginanap sa Blue Leaf Events Place sa McKinley Hills, Taguig City. (CLICK HERE to view gallery.)

June 25, 2009 naman nang isilang ni Cheska ang kanilang anak na si Claire Kendra Kramer. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kasalukuyan ay sa Us Girls mapapanood si Cheska.

Bagamat hindi naman mapili pagdating sa mga proyekto ay inamin ng actress-host na meron na rin siyang mga kinukunsidera lalo pa’t kailangang balansehin ang oras sa pamilya at trabaho.

"I don’t really choose. Whatever comes my way.

"But so far, it’s been very flexible with my family life and nothing naman that takes so much of my time, and nothing that compromises my role as a mother and wife," paliwanag ni Cheska sa PEP at iba pang entertainment reporters.

"Everything’s going well and I guess people have accepted na that I’m really a mom now and a wife."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento rin ni Cheska kung paano niya ipinagdiwang ang nakaraang Mother’s Day: "Just very simple. We had dinner with my mom and then stay home—nothing too fancy.

"And then my husband accompanied me to watch a play, Care Divas.

"Angel [Aquino] invited me, and it’s actually a pre-Mother’s Day [celebration] with Angel, and then I asked my husband to come in and join us."

Tinanong namin si Cheska kung madalas ba siyang manood ng mga laro ni Doug, kagaya ng karamihang kasintahan at asawa ng mga PBA players.

"Once in a while I get to watch," sagot ni Cheska.

"I’m not always present, unlike when he was still playing in the UAAP [University Athletic Association of the Philippines] and in the PBL [Philippine Basketball League].

"Pero I still get to watch every now and then."

Bago pumasok sa professional league ay naglaro muna si Doug para sa Ateneo Blue Eagles at sa Cebuana Lhuillier during his amateur playing years.

Sa kasalukuyan ay miyembro si Doug ng Rain or Shine Elasto Painters, matapos maglaro sa mga koponang Air21 Express (2007-2009) at Barangay Ginebra Kings (2009-2010).

ON ALEX JAZZ. Nakakatuwa namang marinig na maayos ang relasyon ng pamilya ni Cheska sa aktres na si Jennylyn Mercado.

Dating kasintahan ng kapatid ni Cheska na si Patrick Garcia si Jennylyn.

May pagkakataon noon na nagkaroon ng hidwaan sa magkabilang kampo matapos na maghiwalay sina Jennylyn at Patrick.

Ngunit naayos rin ang lahat at ngayon ay malayang nakakasama ng pamilya ni Cheska ang anak ni Jennylyn kay Patrick na si Alex Jazz.

"Mahal na mahal ni Kendra ni Jazz.

"Mahal na mahal namin si Jazz and lagi kong kini-kiss yun, and lagi kong hina-hug kasi lagi siyang mabango," masayang kuwento ni Cheska.

"Tsaka sobrang sarap niyang kulitin kasi, ano siya, parang may pagka-isnabero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero everybody loves him. We love him so much."

Pinuri naman ni Cheska si Jennylyn dahil anytime daw ay pumapayag ito na ipahiram ang anak sa kanila—pagpapatunay lamang na maayos na ang relasyon nila sa isa’t isa lalo na pagdating sa kapakanan ni Alex Jazz.

"Kasi si Jen is very nice and she gives time na mapahiram sa amin si Jazz. So, okay naman ang lahat," ngiti ni Cheska.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN