Rochelle Pangilinan says boyfriend Arthur Solinap has nothing to do with decision to get Perry Lansigan as new manager

"Meron akong TV guesting sa Sabado [May 29], pero yung regular, wala naman akong naririnig. Pero siyempre, kung meron, bakit naman hindi? Siyempre, doon ako nagsimula. At saka, masaya na do’n, hindi na ako mangangapa," says Rochelle Pangilinan about the possibility of going back to Eat Bulaga! as a mainstay.


Sariling effort ni Rochelle Pangilinan na magpa-hair extension at sariling gastos din daw niya para kapag dumarating siya sa set ng Amaya ay hindi na siya kailangang masyado pang ayusan.

Pero ayon kay Rochelle, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng bagong primetime series ng GMA-7 na Amaya noong Lunes, May 23, worth it naman daw ang effort at gastos niya.

"Hindi naman kasi nakakahinayang mag-effort at gumastos sa ganda rin naman ng Amaya.

"At the same time, para rin naman sa akin ’to, di ba?

"Actually, March pa ito [hair extension] nakabit.

"Kasi, dapat noon pa kami mag-start mag-taping, e, nitong buwan na lang din ito kami nag-start.

"Pero matagal na siyang naka-standby."

RELATIONSHIP WITH ARTHUR. Birthday ni Rochelle noong Lunes.

Ayon sa kanya, ang bahay niya ngayon ang isa sa maituturing niyang birthday gifts sa sarili.

Noon namang eve ng kanyang birthday ay nagpa-bless siya ng bagong bahay.

Present daw doon ang boyfriend niyang si Arthur Solinap.

Masaya raw si Rochelle sa relationship nila ni Arthur, gayundin sa relationship niya sa pamilya ng aktor.

"Palagi naman kaming masaya, kasi palagi naman kaming lumalabas.

"Wala naman na akong mahihiling pa kay Arthur kasi ang bait-bait niyang tao.

"Walang masamang tinapay na nananalaytay sa katawan niya.

"Parang kahit ano ang gawin ko, naiintindihan niya palagi," sabi ni Rochelle tungkol sa kanyang boyfriend.

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

"Wala pa yun," sagot ng dancer-actress.

"Kasi ako, ang palagi kong sinasabi sa kanya, ’Mag-ipon tayo, mag-ipon.’"

Ang kuwento ni Arthur, tila ang dami pa raw niyang goals sa buhay?

"Siyempre!" bulalas ni Rochelle.

"Ang tao naman, dapat hindi tumitigil. Kasi, kapag tumigil ka na, tatamarin ka na."

CHANGING OF MANAGERS. Wala na nga si Rochelle sa grupong SexBomb at wala na rin siya sa management ng kanyang orihinal na manager na si Joy Cancio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rochelle, under na siya ng management ni Perry Lansigan sa PPL Entertainment.

"Okay naman kami ni Ate Joy," banggit niya.

"Sinabi ko rin naman kay Ate Joy kung kanino ako mapupunta.

"At the same time, siya rin naman, nagsa-suggest siya sa akin kung sino ang magagaling na managers.

"Kaya maayos kami. Maniwala’t sa hindi, maayos kami."

May influence ba ng boyfriend niya kung bakit si Perry ang napili niyang manager? Si Arthur ay nasa pamamahala rin ni Perry.

Ayon kay Rochelle, "Actually, walang kinalaman si Ate Joy, walang kinalaman si Arthur.

"Ako ang pumili kay Mama Perry.

"Matagal ko na siyang nakakasama, SOP time pa lang.

"Nakikita ko na ang galing-galing niya.

"At saka si Arthur, ni salita na ’Doon ka na lang,’ walang ganoon.

"Ako pa ang nagtanong sa kanya, ’Okay ba si Mama Perry na manager?’ ’Oo, okay.’

"At saka, nakikita ko sa kanila na kapag Christmas, masaya.

"Kasi, may bonding moments sila na, ’ang saya-saya naman dito, family na family.’

"Yun ang gusto ko, yung masaya lang, walang involved na pera."

Personal desisyon naman daw niya nang umalis na sa dating manager.

"Oo, at saka sinabi ko kay Ate Joy. Sabi ko, ’Ate Joy, okay lang ba?’

"Pumayag siya agad. ’Sige, okay lang kung ’yan ang gusto mo, hindi naman kita mapipigilan.’"

SEXBOMB. May koneksiyon ba sa paglipat ng SexBomb sa Happy Yipee Yehey! ng ABS-CBN ang desisyon niyang manatili bilang Kapuso?

"Hindi naman," sagot ni Rochelle.

"Kasi, noong mapunta naman sila sa kabila, nasa kanya [Joy] pa ako at puwede pa akong mag-stay sa kanya.

"Pero sabi ko, may mga gusto lang siguro akong gawin pa.

"E, kasi masyado siyang nagiging busy sa Danz Focus.

"Mas marami naman yun. Naiintindihan ko naman yun.

"Ang daming dancer na kailangan niyang asikasuhin, 100 plus yun, at hindi ko kailangang maging bitter para do’n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May communication pa rin naman daw sila ng SexBomb Girls.

"Oo naman. Kahapon [May 22], magkakasama kami sa Party Pilipinas.

"Nandiyan si Mia [Pangyarihan]. Nagkikita kami lagi.

"Malinis naman ang usapan. At masarap din naman kay Mama Perry, naiintindihan niya lahat. Hindi siya makitid."

Kung magkakaroon daw siya ng offer na bumalik sa Eat Bulaga!, definitely ay papayag siya.

"Meron akong TV guesting sa Sabado [May 29], pero yung regular, wala naman akong naririnig.

"Pero siyempre, kung meron, bakit naman hindi?

"Siyempre, doon ako nagsimula. At saka, masaya na do’n, hindi na ako mangangapa."

Nalungkot ba siya nang lumipat ang SexBomb sa katapat na show na pinanggalingan nila?

"Actually, hindi...wala," sagot ni Rochelle.

"Kailangang mabuhay ng tao, e. Kailangang maghanap ng trabaho para mabuhay.

"Kung yun ang choice nila, bakit hindi?

"E, kasi, hindi ka naman maggagawa ng desisyon na makakasama para sa sarili mo, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN