Lani Mercado fondly recalls 25 years of marriage with Bong Revilla

"Mula disi-otso anyos, disi-nuebe anyos, inabot kami ngayon that we are in our 40s. So, andami mong stages ng buhay—yung adjustments na ginagawa... So, napakahirap. Napakahirap actually," says actress-politician Lani Mercado about her 25 years of marriage to Senator Bong Revilla.


Sa Sabado, May 28, ay gaganapin ang renewal of wedding vows nina Representative Lani Mercado at Senator Bong Revilla sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Villamor Airbase, Pasay City. (CLICK HERE to read related story.)

Ito ay bilang paggunita sa kanilang 25th o silver wedding anniversary.

Bagamat hindi ito ang unang pagkakataon na ikakasal siya, may kaba pa ring nararamdaman si Lani sa nalalapit nilang renewal of wedding vows ni Senator Bong.

"May nerbiyos pa din kasi may mga kakaiba kaming gagawin na hindi namin nagawa nung mga nakaraang weddings namin.

"Andiyan yung...basta may mga sorpresa kayong makikita.

"Tapos ang kagandahan, bumalik kami doon sa simbahan na una naming pinagkasalan.

"We went to a trip to the United States just for that, para maging bahagi siya nung [TV] special na sa June 5 ipalalabas."

Nakausap ng PEP.ph si Lani sa grand launch ng kinabibilangan niyang epicserye sa GMA-7, ang Amaya, noong May 23 sa Studio 7 ng GMA Network.

May inihahanda rin ba silang regalo ni Bong para sa isa’t isa?

"Ewan ko lang kung may surprise pa siya sa akin.

"Ako, baka biglaan na lang.

"Actually, the whole preparation is already very big.

"Yung part ko, saka part niya na pinag-combine namin, malaking tulong na ’yon.

"For me, enough na regalo na ’yon sa isa’t isa just to be together for 25 years—enough na gift para matuloy yung aming 25th year."

May plano ba silang honeymoon pagkatapos?

"Hindi ko pa alam," sagot ni Lani.

"Pero kasi, dapat originally, trip to Europe ito instead of renewal of vows. Kaya lang...

"Siguro later on, kasi busy siya sa paggawa ng Panday, magpapasukan pa, tapos ginagawa ko rin yung Amaya.

"Siguro the next few months pag medyo mahaba-haba yung bakasyon natin."

Inamin din ni Lani na naging emotional siya habang ini-interview sila para sa wedding special nila na ipalalabas sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, iyakin po ako. Naiinis ako!" sambit niya.

Bakit siya naiiyak?

"Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Naiinis na nga ako sa sarili ko!

"Kasi... Oo, laging bumabalik-tanaw. Laging bumabalik-tanaw ako."

Ano yung mga binabalik-tanaw niyang yun?

"Wala... Okay na ’yan. Tears of joy ’yon. Oo. Tears of joy, ayun," iwas niya.

25 YEARS. Tinanong naman ng PEP si Lani kung paano niya ide-describe ang 25 years nila ni Bong bilang mag-asawa.

"It went through different levels," umpisa niya.

"In any relationship naman, iba-ibang level naman ang nari-reach ninyo, e.

"Mula disi-otso anyos, disi-nuebe anyos, inabot kami ngayon that we are in our 40s.

"So, andami mong stages ng buhay—yung adjustments na ginagawa.

"Plus, hindi lang kami dating showbiz. Ngayon, pinasok na rin namin ang politics.

"So, napakahirap. Napakahirap, actually.

"Tapos, ang kagandahan noon, na-maintain namin yung relationship despite of these two worlds na pinasok namin."

Ano ang masasabi niyang highs and lows ng pagsasama nila bilang mag-asawa?

"Highs and lows? Highs na lang! Huwag na yung mga lows!" natatawa niyang hirit.

"Highs? Yung unang-unang high was the marriage in the United States, yung itinago naming kasalan.

"Yung ipinanganak yung anim naming mga anak...

"Yung nakita kong suporta sa akin nang nanalo ako bilang kongresista is another high.

"Another high would be yung nakikita mo nang lumalaki yung mga anak mo.

"Meron na silang mga tsikiting. May mga apo ka na. Iba naman yung level ng pagka-high noon."

So, walang lows?

"May lows, pero ’wag na tayong mag-dwell doon kasi it’s an anniversary that we’re talking about.

"And when you say it’s anniversary, we should be happy.

"’Wag na pag-usapan yung low," nakangiti niyang sabi.

Ano ang significance nitong pagre-renew nila ng wedding vows? Ano ang ibig sabihin nito para sa kanila ni Bong?

"Well, kasi our plan originally was trip to Europe. Wala nang renewal of vows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, a lot of people we’re talking, ’Kailangan n’yo i-renew kasi mamaya pag nag-decide kayo mag-renew...25th lang ’yan saka 50th.’

"Sabi nga ng isa pang kaibigan namin, minsan nga, hindi na sila umaabot ng 50th kasi nababawasan na, nawawala na yung partner.

"So, you really have to celebrate your 25th anniversary.

"So, nagplano kami despite of the short notice, tapos nagkaroon pa ng pagbabago in between.

"Pinlano talaga namin to the best of our abilities yung 25th."

Ano ang mga nakita niyang pagbabago kay Bong mula noon hanggang ngayon?

"Malaki. Very different from the 19-year-old Bong to the 40-plus-year-old na Bong na nakilala ko ngayon.

"He has matured in all levels—sa liderato, sa pagpapalakad ng pamilya, sa pakikitungo sa tao, sa decision-making, sa craft niya bilang isang artista, producer...malaki.

"Pati yung concern niya sa industriya that evolved tremendously.

"Dati kasi, pelikula lang niya yung iniisip niya.

"Ngayon, industriya yung iniisip niya, hindi lang yung sa kanya."

AMAYA. Sa Amaya, ginagampanan ni Lani ang papel ni Dal’lang, ang ina ni Amaya na ginagampanan naman ni Marian Rivera.

Kuwento ni Lani, naging mabusisi ang paghahanda nila para sa kani-kanilang roles dito, lalo na’t noong sinaunang panahon ang setting ng kuwento ng Amaya.

"Ang Tagalog namin, mino-monitor, malalim. May mga word... Like ang Panginoon namin si Abba.

"Pati yung mga movements namin... Ako kasi, uripon ako dito, alipin.

"So, may mga movement classes pa kaming sinalihan para ang posture, yung reaksiyon namin pag dumadating yung mga datu...

"Nandoon yung pagtayo namin, yung pagluhod namin sa kanila.

"May one-day workshop kami on movements."

Isa pa raw kagandahan ng pagkakasama niya sa Amaya ay nadagdagan ang kaalaman niya tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

"Bumabalik-tanaw kami sa history.

"Makikita mo, may mga notes sa script kung ano yung hitsura dapat, kung papaano yung pag-atake, kung ano yung nangyayari nooong panahon na ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, meron kaming pointers doon."

Kumpara sa mga ginampanan niyang roles noon, ngayon daw ay mahaba-haba ang role niya rito sa Amaya.

"Awa ng Diyos, hindi naman nila ako papatayin kaagad!" natatawa niyang sabi.

Hindi ba siya nahihirapan na pagsabayin ang pagte-taping ng Amaya at ang trabaho niya sa Kongreso?

"Ang taping ko, hindi naman ako MWF [Monday-Wednesday-Friday]. Hindi siya regular.

"As much as possible, and pakiusap ko sa production, huwag akong mag-absent sa Kongreso.

"Pero hindi maiiwasan, may mga araw na kailangan kong mag-absent," sabi ni Lani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN