Emergence of new stars keeps Smokey Manaloto on his toes

"Ngayon, ang dami-daming artista. Kaya kumbaga ngayon, kailangan meron kang naiisip na bago. O kaya, kung maayos na yung pag-arte mo dati, kailangan mas paghusayan mo pa ngayon. Para hindi ka mapagkakalimutan," says character actor Smokey Manaloto.


After more than 20 years, maituturing nang isang seasoned actor-comedian si Smokey Manaloto, who does good these days playing character roles in movies and on television.

May mahalagang papel si Smokey sa kasalukuyang showing na In the Name of Love ng Star Cinema, bilang best friend-confidante ni Aga Muhlach at kaibigan ng bidang aktres na si Angel Locsin.

Kasama rin siya sa magtatapos nang teleseryeng Green Rose ng ABS-CBN.

But on one occasion na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Smokey, ang dating friendship nila ng rap artist and comedian na si Andrew E ang isa sa naging masayang topic namin.

Not that he’s no longer friends with Andrew, pero bihira na raw silang magkita ng dating nakasama sa mga comedy movies ng Viva Films.

Nagbiro pa nga si Smokey tungkol sa samahan nila noon ng kilalang rapper.

"Wala...wala kaming kalokohan no’n. Matino ang pagkakaibigan namin, oo!" at sinundan ng makahulugang tawa ni Smokey ang sinabi.

Then, seriously, sabi niya uli, "Hindi, hindi...maayos ang samahan namin.

"Oo naman, sino ba naman ang hindi makaka-miss sa pagsasamahan namin no’n sa Viva?

"Iba naman kasi ang... How do say it? Iba ang camaraderie ng mga artista noon."

THEN AND NOW. Bilang artista, naikumpara ni Smokey ang sitwasyon noong araw, sa sitwasyon ng mga tulad niya sa ngayon.

"Mas relaxed noon," aniya.

"Kasi noon, hindi pa gano’n karami ang artista.

"Ngayon, ang dami-daming artista.

"Kaya kumbaga ngayon, kailangan meron kang naiisip na bago.

"O kaya, kung maayos na yung pag-arte mo dati, kailangan mas paghusayan mo pa ngayon. Para hindi ka mapagkakalimutan.

"Lalo na yung mga baguhan ngayon, kailangan they have to work hard."

ON COMPETITION. "Kung matindi ang kumpitensiya noon, mas matindi ang kumpitensiya ngayon," palagay pa ni Smokey.

Sa kabila ng stiff competition, kung nakaka-survive man si Smokey all these years, ito ay dahil, "Pinagpapala lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kahit papaano, nabibigyan pa rin ng trabaho.

"Yun lang ’yon."

After Green Rose, hindi pa rin lilipat ng istasyon si Smokey.

"Dos pa rin," sambit ng dating mainstay ng classic comedy series na Home Along Da Riles.

"Meron nang susunod [na teleserye], pero wala pa lang binabanggit."

Wala pa ba siyang balak mag-asawa? Or has he gotten married already?

"As of...ngayong gabi? Hindi...hindi, hindi, hindi pa. Hindi pa!" sunud-sunod na pagtanggi ni Smokey na natatawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN