Luis Alandy prefers to be called an "actor" rather than a sexy star

"As an actor, I need to do my homework also. Na iisipin ko kung how would the character be more interesting to watch. Kasi if you just gonna do it like sobrang plateau, maanong tingnan sa TV. Pero if you base it more yung kung ano yung interesting panoorin, and then parang yung iba-ibang behavior, ilalagay mo sa isang tao, mas interesting panoorin," says Luis Alandy.


Dahil matatapos na bukas, May 27, ang My Lover My Wife ng GMA-7, mami-miss daw ni Luis Alandy ang pagte-taping ng afternoon drama series na ito ng Kapuso network.

"Nakaka-miss," sambit ni Luis nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa last taping day nila sa Bataan.

Ano ang pinakamami-miss niya sa show?

"Madami, itong dalawang ’to—sina Max and Nadine. Pa-miss kasi itong dalawa, e!" natatawang sabi ni Luis, referring to the two female lead stars ng show na sina Maxene Magalona at Nadine Samonte.

"Of course, sobrang sarap nilang katrabaho, sobrang sarap nilang kasama.

"Si Max madaldal. Ito namang isa [Nadine], tahimik pero ano ’yan, bungisngis.

"Tapos, of course, yung camaraderie ng staff, kasi I’ve been with the staff since Beauty Queen days."

Iisang production group kasi ang humawak ng My Lover My Wife at Beauty Queen, ang primetime series noon ni Luis with Iza Calzado and TJ Trinidad.

"So, parang one year na kaming magkakasama, halos araw-araw."

TAKING A BREAK. Hindi pa alam ni Luis kung ano ang susunod niyang project pagkatapos ng My Lover My Wife.

"Siguro ano, since magkasunod na magkasunod ang Beauty Queen, kaya eto, hihingi muna ako ng kahit mga two weeks lang na bakasyon.

"Summer din kasi hindi pa din ako nakakapag-beach, e, dahil sa trabaho," sabi ng aktor.

Saan siya pupunta?

"Hindi ko pa alam, e...baka La Union. Surfing kung meron.

"Pero feeling ko, walang waves ngayon, e, so basta makapag-beach lang."

Kuwento pa niya, "Nung Holy Week, dapat pupunta ako dun.

"Kaso yun nga, hindi natuloy kasi yung taping kaagad, may taping kami kaagad ng Tuesday, ng Holy Week na yun."

LOVLESS LUIS. Kumusta ang lovelife ni Luis?

"Lovelife, wala, e," nakangiti niyang sagot.

Bakit nga tahimik ang lovelife niya—o magaling lang siyang maglihim?

"Hindi, wala, wala talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam...I don’t know," sabi ng aktor.

At nang patuloy na usisain ng PEP si Luis tungkol sa buhay-pag-ibig niya, ito ang naging pakiusap niya:

"Iba na lang ang pag-usapan natin. Iba na lang ang pag-usapan natin... work na lang."

DUAL CHARACTERS. Saan siya nahirapan sa mga eksena niya sa My Lover My Wife?

"Actually, yung simula," sagot ni Luis.

"Kasi I was playing two characters, e. So, yung transition ng isa from isa, medyo mahirap.

"Kasi yung Lawrence, medyo bad siya. Tapos yung Arthur, mabait naman.

"So, may times na nagkakasabay yung taping nung Lawrence saka yung Arthur.

"Medyo ang hirap lang ng transition ng emotions, ng ugali, yung mannerisms ni Marco kailangan kong kopyahin."

Si Marco Alcaraz ang gumanap na Arthur sa simula ng show.

Kanino mas malapit ang pagkatao ni Luis sa tunay na buhay?

"A, wala, e. I try to make it a point to differentiate every character that I do from the reality.

"Kasi, mas magiging mahirap yun pag ginawa mong closer sa iyo.

"Kasi iba yung personality ko, iba rin yung personality ng bawat character na ginagampanan ko. Kasi fictional naman yun, e."

GMA-7 OR TV5? Magtatapos na ngayong September ang exclusive contract ni Luis sa GMA-7.

Magre-renew ba siya?

"Hindi ko pa po alam kay Sir Noel [Ferrer, his manager], e, kung ano.

"Wala pa kaming napag-uusapan," sabi ni Luis.

Halimbawang papiliin siya between GMA o TV5, kung saan konektado ngayon ang kanyang manager?

"Actually, wala pa kaming napag-uusapan ni Sir Noel kasi, yun nga, it’s...

"I think it’s inappropriate na rin to talk about yung ganyan kasi may existing contract.

"So, we’ll honor the contract until September and then siyempre, I’ll respect din whatever GMA will [decide].

"Kasi sila yung since nawalan ako ng work dati, nung I was rehabbing for my injury nung 2006, tapos they gambled on taking me in 2007 for Impostora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos yun, nagdire-diretso na after. So, very thankful ako."

Anong injury?

"ACL [anterior cruciate ligament]. Yung ligament ko sa tuhod napunit dahil sa basketball."

IMPROVING HIS CRAFT. Paano pinaghuhusayan ni Luis ang kanyang karera bilang isang aktor?

"Right now, it’s not really workshop, but I try to be observant of the people around me, kung how each behavior is different, and I try to watch a lot of movies to gain knowledge.

"Kasi iba rin yung... Sabagay, iba yung acting ng Hollywood, iba yung sa atin.

"Pero as much as possible, you try to see the reality of what’s going on around you."

Lahat daw ng characters ni Luis ay pinag-aaralan niya.

"Ever since po. I try to watch a lot kasi minsan yung...depende sa show.

"I try to watch a lot of cartoons or ano, depende kung..."

Cartoons?

"Yung iba, yung ibang characters sa cartoons, depende po sa kind of character kasi. I mean, may set-up character sila.

"Pero as an actor, I need to do my homework also.

"Na iisipin ko kung how would the character be more interesting to watch.

"Kasi if you just gonna do it like sobrang plateau, maanong tingnan sa TV.

"Pero if you base it more yung kung ano yung interesting panoorin, and then parang yung iba-ibang behavior, ilalagay mo sa isang tao, mas interesting panoorin.

"Like yung ginawa ko kay Lawrence," saad ni Luis.

Wala ba siyang ginagaya o ina-idolize na artista?

"A, marami e, marami... Basta marami.

"I mean, wala naman ina-idolize but, you know, you try to...

"Madami, like when I worked with Eddie Garcia for the first time sa Buenavista na movie, iba siyang katrabaho dahil yung script...

"I mean, although it was more of a Spanish movie, sinusulat niya yung mga nakikita niya, yung mga lines niya, iniiba niya and then he try...binabago niya yung mga linya na isasagot mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung parang at his age, may time talaga siya na maging mabusisi sa ganun, and then tinutulungan ka talaga niya.

"Sa foreign, ang dami kong ina-idolize—si Johnny Depp, Christian Bale...puro character [actor]."

GOING SEXY. May mga nagtatanong kung bakit hindi na raw siya nagpapa-sexy.

"Never naman po akong nagpa-sexy," sabi naman ni Luis.

Hindi ba’t nagpa-sexy na siya sa mga pictorial at sa sexy play na Penis Talks (All About Men)?

"All About Men was a...stageplay naman yun, but it wasn’t centered on me.

"It was centered on a lot of men and siyempre may babae rin dun," sabi niya?

Ayaw niyang magpaseksi?

"I dunno if it’s the path I wanna take, I’m more of sa ano, sa acting," sagot ni Luis.

Bakit "sexy actor" ang tingin sa kanya ng marami?

"Depende rin sa pagtingin ng tao, e.

"You can be sexy just...kahit naman normal na ano.

"But I’ve never done bold," paglilinaw niya.

May offer daw sa kanya before to go really bold in a project, pero ayaw niya.

"More of I just wanna...ayokong i-tag na dramatic actor, it’s more of I just wanna be an actor.

"As much as kung anong role yung ibibigay sa akin, I try to do it, kung paano yung gusto ng director, kung paano yung character na naisip ko or gagawin ko."

FIFTEEN YEARS. Magpi-fifteen years na sa showbiz si Luis.

"1997 ako nag-start," banggit niya.

Ano ang mga natutunan miya sa showbiz in 15 years?

"To save, to save," sagot niya.

So, mayaman na siya?

"Ipon lang!" natatawa niyang sabi.

May business din ngayon si Luis.

"Me and my friends are into buy and sell ng cars, although medyo humina siya starting Ondoy."

Hindi naman "hot cars" ang mga ito?

"Hindi naman, hindi naman!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ayun, a few friends and I are also planning to start up a bar, hopefully next year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN