Nina Kodaka credits Startalk stint for improving her Tagalog

StarStruck V Avenger Nina Kodaka is happy with the way her pictorial for the GMA Artist Center (GMACC) catalogue has turned out.

More Pictures


Muntik na palang hindi dumalo si Nina Kodaka sa launching ng GMA Artist Center (GMAAC) catalogue na pinamagatang The Black Book noong Martes, May 24, sa Republiq, Resorts World, Pasay City.

"Parang di ako masyado magaling makipag-usap kaya nung papunta ako, parang ayoko kasi kinakabahan ako.

"Kaya lang, nung nandito na ako, nung andiyan na ako, ayun, ang saya!" sabi ni Nina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin matapos ang programa.

Kasama kasi sa inihandang programa ng gabing iyon ay ang pag-presenta sa talents na nasa pangangalaga ng GMAAC, at aminado si Nina na nakaramdam siya ng nerbiyos, lalo pa’t present ang ilang Kapuso executives.

Ganito rin ang naging karanasan ni Nina nung araw na pumunta siya sa lokasyon kung saan siya kukunan ng kilalang fashion photographer na si Doc Marlon Pecjo para isama sa catalogue project. (CLICK HERE to view gallery.)

Sa umpisa raw ay hindi kumportable si Nina at nahihiya siya na mag-pose sa harap ng kamera.

Buti na lang at sanay si Doc Marlon na mag-motivate ng modelo at nagamit naman niya ito para makumbinse ang dating StarStruck V Avenger na magtiwala sa konsepto na nais niyang palitawin sa larawan.

"Nung unang kita niya [Doc Marlon] sa akin, pinapalakas niya yung loob ko.

"Kaya nakuha naman namin ’tsaka hindi na ako masyadong nahiya," kuwento ni Nina.

Naging worth it naman ang lahat at labis na ikinatuwa raw ni Nina nang ipakita na sa kanya ang pictures niya na isasama sa The Black Book.

"Ganda! Kasi dapat, isang damit lang, pero si Doc Marlon, gusto niya, gumawa pa ako ng sexy na damit.

"Yun ang naging ano, ginamit na outfit ko," kuwento niya.

"Ayun, so nagpapasalamat ako sa kanya.

"Kasi kung hindi nangyari ’yon, hindi rin maganda yung kinalabasan nung picture."

JACKY WOO FILM. Kapansin-pansin na malaki na ang improvement ni Nina sa pagsasalita ng Tagalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat Filipino-Japanese ang lahi ay sa bansang Japan lumaki si Nina kaya hirap siyang makipag-usap nang sumabak sa showbiz sa pamamagitan ng reality-based artista search na StarStruck.

Noong una ay cute at nakakaaliw para sa mga manonood ang pilipit na Tagalog ni Nina.

Subalit kalaunan ay naging disadvantage ito dahil limitado lamang ang proyektong puwedeng ipagkaloob sa kanya ng management.

Sa palagay ni Nina ay malaki ang naitulong ng paglabas-labas niya sa Startalk para mahasa siya sa pagsasalita ng Tagalog.

"Doon ako natutong magsalita ng Tagalog na ano, malalim.

"Tapos nasanay ako ng sobra sa camera. Kaya minsan masyado akong relaxed kahit na may camera," ngiti ni Nina.

Excited din si Nina dahil malapit nang ipalabas ang pelikula na kinabibilangan niya kasama ang Japanese actor-producer at director na si Jacky Woo.

Bagamat hindi na bago para kay Jacky Woo ang makipagtrabaho sa artistang Pinoy, natutuwa pa rin siyempre si Nina dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makibahagi sa isang movie project na mapapanood sa labas ng Pilipinas.

Kuwento ni Nina tungkol sa proyekto: "Ako yung parang wife niya doon—ex-wife.

"Tapos, ang makakasama ko sa movie si Roxanne Barcelo, si Rosanna Roces, tapos Tanya Lopez ba?

"Pilipina yung role ko dito, e. Ang role ko dito mahirap lang ako, tapos puro iyak ’tong movie na ’to.

"Pero action movie siya... Umikot yung istorya sa Yakuza."

May mga pagkakataon ba na nakakausap niya si Jacky Woo sa likod ng kamera?

"Okay lang," sagot ni Nina.

"Sa set, hindi naman kami nag-uusap kasi meron siyang sariling kuwarto, e. Pero mabait siya."

Dumaan sa audition process si Nina para mapabilang sa pelikula subalit muntik pa pala siyang malaglag sa casting dahil obvious naman na Japanese ang kanyang features at hindi Pilipino na siyang gagampanan niyang papel.

"Sabi nila sa kanya [Jacky Woo], ’Ipinagmamalaki mo ang Pilipinas pero ang kinuha mo Japanese!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, kawawa naman ako, kinuha na ako, tapos wala akong movie. Kaya siguro kinuha na rin nila ako!" natatawang pahayag ni Nina.

Wala namang ideya si Nina kung kailan ipalalabas dito sa Pilipinas ang pelikulang Haruo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN