Vandolph has no problem if dad Dolphy finally decides to marry longtime partner Zsa Zsa Padilla

"Ang daddy ko naman, kung gustong magpakasal, noong araw na lumabas ang annulment, I’m sure nagpakasal na at kinausap na kami. Pero lahat naman ng utol ko, waiting lang kung anuman ang desisyon ni Erpat. Nakakausap ko naman ang matatandang kapatid ko. Lahat kami, okay lang naman. Pero of course, dapat lang naman na magkaroon ng formality muna. Hindi yung magugulat ka na lang na ikakasal na bukas, di ba?" says Vandolph about talks that his dad, C


Bilang isa sa mga anak ng Comedy King na si Dolphy, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Vandolph kung ano ang masasabi niya ngayong posible nang mapakasalan ng kanyang ama ang longtime partner nitong si Zsa Zsa Padilla.

Ito ay matapos aprubahan ng korte ang petition for annulment ng Divine Diva laban sa dati nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari pagkatapos ng sampung taong paghihintay. (CLICK HERE to read related story.)

"Well, okay lang. Kung doon sila masaya at doon sasaya ang tatay ko, and my dad deserves to be happy naman," saad ni Vandolph nang makausap siya sa taping ng Babaeng Hampaslupa last Tuesday night, May 24, sa Malabon.

Dugtong pa niya, "Ine-expect ko na rin naman ’yan. It’s a matter of when.

"Kung darating, sabi ko, good for them dahil yun na lang naman ang hinihintay ng dad ko at ni Tita Zsa Zsa.

"So, kung saan sila masaya, doon lang din ako sa happiness ng dad ko."

Isa ba siya sa mga anak ni Mang Dolphy na pabor kung magpapakasal nga ang kanyang ama kay Zsa Zsa?

"Yeah, oo.

"Nanay ko nga nagpakasal, wala naman akong sinabi," pagtukoy ni Vandolph sa kanyang ina na si Alma Moreno na nagpakasal kay Marawi City Mayor Sultan Fahad “Pre” Salic.

"Atsaka, may pamilya rin naman ako," patuloy niya.

"Siguro my dad deserves to feel... na may asawa na siya.

"Pero malaki kami, malaki talaga kami.

"Pero kung makasal siya sa harap ng Panginoon at gusto niyang maranasan, okay lang din."

Hindi kaya iniisip pa rin ni Mang Dolphy silang mga anak niya kung sakaling ituloy nito ang pagpapakasal kay Zsa Zsa?

"Well, hindi pa kasi niya ako nakakausap about that.

"Hindi pa niya ako natatanong na, ’O, ’Dolph, ikakasal na ako...’ Hindi pa niya ako natatanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, kung ikakasal sila, magkakaroon na ng formality sa amin yun.

"Ako naman, kung saan man dalhin ng hangin, sasabay ako.

"Masama naman na kumontra pa ako," saad niya.

Hindi pa rin naman daw sila nakakapag-usap ng ama tungkol sa annulment ni Zsa Zsa sa dating asawa nito.

"Hindi pa. Hindi ko nga binabanggit sa kanya.

"I’m waiting for him. Pero years back, sinabi naman sa akin ni Papa yun na ’Ikakasal kami.’

"Pero yun nga, hindi natuloy.

"Ngayon, hinihintay ko ulit yung sitwasyon na yun atsaka kami makakapag-usap nang formal, di ba?

"Pero never naman akong kumontra sa daddy ko.

"Ang daddy ko naman, kung gustong magpakasal, noong araw na lumabas ang annulment, I’m sure nagpakasal na at kinausap na kami.

"Pero lahat naman ng utol ko, waiting lang kung anuman ang desisyon ni Erpat.

"Nakakausap ko naman ang matatandang kapatid ko. Lahat kami, okay lang naman.

"Pero of course, dapat lang naman na magkaroon ng formality muna.

"Hindi yung magugulat ka na lang na ikakasal na bukas, di ba?"

BABAENG HAMPASLUPA. Very happy naman si Vandolph sa naging pagtanggap ng manonood sa kanilang primetime series sa TV5 na Babaeng Hampaslupa.

Si Vandolph ay gumaganap bilang si Redentor sa serye.

"Sobrang kakaibang Vandolph ang character ko rito.

"Medyo serious. Hindi nga puwedeng ngumiti, e.

"It’s a good experience for me.

"Lahat po ng kasama ko rito, napakagagaling. Napakababait na artista," sabi niya.

FAMILY MAN. Vandolph is a father of two kids. Isang three-year-old girl at magtu-two years old na boy—sina Quira at Vito.

"Sobrang saya. Pag-uwi mo galing sa taping, hahalik ka lang sa anak mo, mapapa-smile ka na," nakangiting sabi ni Vandolph.

Kung sakaling pag-aartista rin daw ang kahiligan ng mga anak nila ni Jenny Quizon, hindi raw siya kokontra.

"Oo naman, pero huwag lang siyempreng kalimutan ang pag-aaral dahil ako, hindi ko pa nga natapos ang pag-aaral ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron pa akong hahabulin na konti.

"Dapat second year college na ako ng Management.

"Kaso, hindi natapos, nagkaanak, pamilya, kailangang mag-work.

"Pero sa awa ng Diyos, makakahanap tayo ng time para matapos."

Ang daddy niya raw ay tuwang-tuwa sa mga apo sa kanya.

"Sobra!" sambit ni Vandolph.

"Palagi kong dinadala si Vito kapag walang sakit siyempre.

"Hindi puwede kay Erpat yung cold or something.

"Palagi kong dinadala yung mga apo niya.

"Hindi na nga raw ako love—yung mga apo na raw.

"Yung nanay ko, lalo na.

"Hay naku, ’Hi Ma...’ ’O, umalis ka na diyan, akin na mga anak mo!’

"Pero biro lang siyempre yun!" natatawa niyang kuwento.

Seeing Vandolph now, masasabing proud family man na siya.

Looking back, na-imagine niya ba na magiging seryoso pala siya kapag nagkaroon na ng sariling pamilya?

"E, kasi, kailangan," sabi niya.

"Kung masyado akong maiiwan sa dati kong ugali or sa dating ako, parang walang mangyayari sa akin.

"Magiging isa lang ako na dating kilala na naging ganyan.

"Ayoko ng ganoon. At saka, may mga anak na ako."

Ano-ano yung mga naging realization niya?

"I need to work. Not for myself lang, but for my family.

"To give them a good future tulad ng naibigay sa akin ng pamilya ko.

"Maiparanas ko man lang sa kanila yun kahit papaano."

May goal daw si Vandolph na mapanatiling buo ang pamilya niya.

"Yun talaga ang goal ko," sabi niya.

"Yun talaga ang misyon ko na buo lang ang pamilya hanggang sa mamatay ako.

"Babaguhin ko nga ang tingin ng tao. Oo, chickboy, pero babaguhin ko ’yan."

Dugtong pa niya, "Thankful din ako na napagdaanan ko yun dahil kung hindi ko napagdaanan yun, hindi ako ganito ngayon, di ba?"

Kung tutuusin noon, marami ang nag-speculate na hindi magla-last ang relationship nila ni Jenny.

Pero humantong pa sila sa kasalan and their union seems getting stronger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong yun, ayon kay Vandolph, they were able to prove their detractors wrong.

"We’ve proved them wrong.

"Ganoon naman talaga tayo sa showbiz.

"Maraming mag-iisip na, ’Sandali lang ’yan. One time, big time lang ’yan.’

"Pero sabi ko, ’Honey, Jen, ibahin natin ang perception ng tao.’"

Na siyang gingagawa nila ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN