Joross Gamboa joins cast of TV5 drama series Babaeng Hampaslupa

Joross Gamboa plays a young billionaire on TV5 primetime drama series Babaeng Hampaslupa.

"Noong malaman ko, nag-go agad ako. Kasi alam ko na maraming followers ang Babaeng Hampaslupa. At in fairness, pang-matalino yung story. Kapag binasa mo ang script, hindi mababaw," says the young actor.


Papasok na sa primetime series ng TV5 na Babaeng Hampaslupa ang young actor na si Joross Gamboa.

Siya ang gaganap sa role ni Phillip Cheng, apo ni Edward Cheng na ginagampanan ng veteran actor na si Eddie Garcia.

Batang bilyonaryo ang role ni Joross sa Babaeng Hampaslupa.

Kaya naman nang makita siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng serye sa location nito sa isang Chinese temple sa Malabon noong Martes, May 24, malayong-malayo ang suot at maging ayos ng buhok nito kumpara sa nakasanayan nang nakikita sa kanya ng mga tao.

Kuwento ni Joross about his new character, "Yun nga, ako si Phillip Cheng na apo ni Mr. Eddie Garcia.

"Youngest billionaire at maraming hidden agenda.

"Pero hindi ko puwede pang sabihin kung ano ang magiging konek ng character ko sa character nila or sa story.

"Pero yun nga, dahil maraming hidden agenda, medyo dark yung character."

Noong i-offer daw sa kanya ang role, tinanggap niya agad.

"Noong malaman ko, nag-go agad ako. Kasi alam ko na maraming followers ang Babaeng Hampaslupa.

"At in fairness, pang-matalino yung story. Kapag binasa mo ang script, hindi mababaw," sabi niya.

Wala raw problema kay Joross kung kontrabida man ang character na gagampanan niya.

"Pangalawang beses ko pa lang na magko-kontrabida.

"Yung una, sa Kristine series [ng ABS-CBN], bad boy.

"Ngayon naman, mayaman na bad boy.

"At kapag naiisip ko, parang ngayon pa lang din yata ako magkakaroon ng role na mayaman talaga."

Biro namin kay Joross, effort palang masyado sa kanya to act rich.

"Mahirap lang ako sa tunay na buhay kaya inaral ko talagang lahat.

"Effort sa akin ang role na ito!" natatawa niyang sabi.

"Pero seriously, inaaral ko talagang mabuti ang script at kung meron man akong certain words na malalalim, talagang pinag-aaralan ko.

"Gusto ko palagi na tama ang pronounciation, even yung mga Chinese words kung paano sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, Harvard graduate daw ako rito."

May kuwento pa si Joross na dahil sa kagustuhan niya na hindi mawala sa kanya ang role, nagpagupit siya ng buhok sa set mismo.

"Pagdating ko kasi noong first taping, mahaba pa yung buhok ko dahil na rin sa isang show na ginagawa ko, e, hindi raw puwede.

"Kailangan maigsi dahil youngest billionaire nga yung role.

"Kaya ura-urada, sa taping, nagpagupit ako ng buhok.

"Buti na lang din, sa Hiyas [his show on ABS-CBN], ni-reshoot, so okay lang."

WORKING WITH EDDIE GARCIA. First time daw ni Joross na makakatrabaho at makakaeksena ang veteran actor and director na si Eddie Garcia.

At halos lahat ng mga eksena niya sa Babaeng Hampaslupa ay ang veteran star ang kabatuhan niya ng linya.

Hindi ba siya kinabahan?

"Sa simula talaga, kinabahan ako," pag-amin ni Joross.

"Kasi noong una, excited ako. Binabasa ko ang script, paulit-ulit, e.

"Noong humiwalay na ako sa kanya, naalala ko ang unang eksena, Chinese, e, puro Chinese.

"Halatang feeling ko, kabado ako.

"Habang nagla-line ako, iniisip ko ang hitsura ko from afar.

"Later on, na-at ease na rin ako sa kanya [Eddie]. Kasi the whole day, kaming dalawa lang ang kinukunan.

"Isang location kami, lahat ng scenes, kaming dalawa lang hanggang sa maging kumportable na."

ON BEING A KAPATID. Posible bang pagkatapos ng Babaeng Hampaslupa ay maging full-fledged Kapatid talent na siya?

"Sana...kasi okay naman," sagot niya.

"Halos lahat kakilala ko rin, e.

"At saka, merong kahit freelance ka, may mga boundaries din.

"Hindi mo rin naman mapagsasabay-sabay.

"Pero parang gusto ko lang din na mag-stay sa isang network.

"Nasa kanila naman yun.

"Pero kung pag-stay-in ako rito sa 5, go na rin ako."

HAPPY AND IN LOVE. Happily in love naman si Joross sa kanyang girlfriend, ang model na si Katz Saga.

Marami na nga ang nag-i-speculate na baka nasa stage na rin sila na nagpaplanong magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aniya, "Hindi pa. Marami pa kaming gustong ma-achieve. Siya rin naman.

"Like ngayon, pupunta siyang Europe, one week lang naman.

"Pero wala pa naman kami do’n sa nagpaplano nang pakasal. Work muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN