Angelu de Leon accepts the fact that she is now a "senior star"

"Actually, sinabi ko nga, yung nangyari sa aking pagpapakasal, hindi ko siya hinintay. Dumating siya. Kasi, hindi ako naghihintay. Dumating siya kasi noong time na buo na ako. Yung hindi ko kailangan ng relasyon para buuin ako. Yung hindi ko kailangan ng isang tao para sabihin na okay na ako, or para maging masaya ako or bumuo ng pamilya. Dumating siya noong mahal ko na ang sarili ko. Na, ito ako. Yung ini-embrace ko kung sino ako and what I have and what hav


Obvious naman sa aura at kung paano magsalita ang aktres na si Angelu de Leon kung gaano siya kakuntento at kasaya ngayon sa buhay niya bilang maybahay at ina ng dalawa niyang anak.

Kasama si Angelu sa bagong afternoon series ng GMA-7, ang Sisid, kunsaan ina ni Jackie Rice ang character na ginagampanan niya.

Wala naman daw problema sa kanya when she found out na mother ni Jackie ang role niya.

Aniya, "Naging mother na rin ako ni Kris Bernal sa Koreana, pero mas matanda si Jackie kay Kris.

"So, parang ano lang... Actually, sabi ko nga kanina, nai-offer din sa akin ang role ni Dimples Romana sa Mara Clara.

"Kaso, nauna ’to. Nauna sila."

Nagkaroon ba siya ng panghihinayang lalo pa’t ang daming followers ng Mara Clara, na ipinapalabas sa ABS-CBN?

"Hindi," sagot ni Angelu.

"Sabi ko nga, hindi ako nanghinayang kasi parang sinabi ko... Ewan ko, siguro I always look at the brighter side of life.

"Hindi naman ako ingrata na ano ba ang gusto ko, masunod ang mga plans ko.

"Sabi ko nga, dalawa lang ’yan, e—it’s just that I know I’m working not just for the money or for the fame, but I’m working for the passion of working.

"Kasi, parang iba, e.

"Ang ibinigay naman sa akin is the Sisid family.

"Ito nga yata I think is the most closest to my heart sa lahat ng ginawa ko.

"Because of the staff, everyone involved, para kaming one big happy family.

"Kaya lahat kami, concern sa kung ano ang mangyayari sa show."

WORKING WITH JACKIE RICE. Bilang nanay ni Jackie sa serye, nakita ba niya ang sarili niya sa young actress, especially noong naging daring din ang image niya?

Matatandaang lumabas sa critically-acclaimed film na Bulaklak ng Maynila (1999) si Angelu bilang hudyat ng pagbabago ng image niya mula sa pa-tweetums sa pagihing daring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita ko sa kanya, nakita ko ngayon yung determination niya," sagot ng aktres.

"Kasi even before this, may mga nababalitaan tayo about her.

"I think ngayon, mas ini-embrace niya na, ’Mahal ko itong trabaho ko. Mahal ko ang industriya ko.’

"Parang one scenario, last night, nagte-taping kami, may trangkaso na siya.

"She wasn’t really feeling okay, yung voice niya.

"Tapos, tinatanong siya ng staff, ’Gusto mong pumak-up?’ Sinasabi niya na kaya pa niya.

"Well, lo and behold, we finished 1:30 in the morning!

"So, nagkakaroon na ng value sa kanya ang pag-aartista, which is good din na ngayon ko siya nakasama.

"Siguro kung nagkasabay kami before, nailabas ko ang mga saloobin ko!" natatawa niyang sabi.

Binibigyan ba niya ng mga advice si Jackie?

"Every scene, nagtutulungan kami," sabi ni Angelu.

"Sabi ko nga, sponge siya. Kasi, she accepts it well.

"May ibang hindi na yung advice ng kagaya ko, nakakainsulto.

"Parang sa kanya, mas lalo mong naa-appreciate.

"Sabi ko nga, I don’t wanna be called a senior star, pero dito, parang sige na nga, na-accept ko na senior star ako."

NO TO BOLD ACTING. Kasama ni Angelu na nanood ng In the Name of Love—ang Star Cinema movie starring Aga Muhlach and Angel Locsin—ang kanyang asawa, at nagustuhan ng aktres ang character na ginampanan ni Angel.

Tinanong daw niya ang kanyang mister na kung sakali, papayagan ba siya nito kung ganoong klase ng role ang gagawin, especially sa love scene.

"Sabi ko talaga, ’Kakainggit naman si Angel. Yung parang isa yun sa gusto kong gawin, it’s something different.’

"Parang, ’Papayagan mo ba ’ko na magkaroon ng ganyang role?’

"Parang sabi niya, parang, ’Huh?!’"

Napanood naman daw ng mister ni Angelu ang past movies niya na may pagka-daring din ang tema at wala namang problema rito.

Iba na nga lang siguro ngayong may asawa at mga dalaga na rin halos ang mga anak niyang dalawang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BORN-AGAIN CHRISTIAN. Kung sinuman ang nakakakilala kay Angelu noong teenage years niya, siguradong maninibago sa pananalita ng aktres ngayon at sa kakaibang maturity na ipinapakita niya.

Nanggaling din siya sa maraming failed relationships in the past. Naisip niya ba na darating din ang time na makakatagpo siya ng para sa kanya at magiging kuntento siya?

"Actually, sinabi ko nga, yung nangyari sa aking pagpapakasal, hindi ko siya hinintay. Dumating siya.

"Kasi, hindi ako naghihintay. Dumating siya kasi noong time na buo na ako.

"Yung hindi ko kailangan ng relasyon para buuin ako.

"Yung hindi ko kailangan ng isang tao para sabihin na okay na ako, or para maging masaya ako or bumuo ng pamilya.

"Dumating siya noong mahal ko na ang sarili ko. Na, ito ako.

"Yung ini-embrace ko kung sino ako and what I have and what have happened.

"When I totally surrendered my life to Him, ’Lord, ikaw naman na ang masusunod, hindi na ako.’

"Mahirap. Hindi siya madali.

"Marami kang nababasa na, ’Huh, kasalanan pala ’yan?’

"Pero sabi ko nga, ang pagiging born-again Christian, hindi siya relihiyon or organisasyon na sinalihan mo at pipilitin mo na magbago ka.

"Ang sa amin, yung pagiging born-again namin, you love God and things will fall into place.

"Kasi kapag mahal mo na ang isang bagay, walang pilitan.

"Even Siya rin, hindi naman niya pinilit ang sarili Niya.

"You just love and honor Him with all you have and all you got and alam Niya ang kaya mo sa ngayon."

NICOLE & JOKO. Angelu’s first daughter, Nicole, ay anak niya sa dati niyang boyfriend na si Joko Diaz.

Tinanong namin si Angelu kung noong namatay ba ang lolo ni Nicole na si Paquito Diaz ay nakapunta ito.

"Pumunta kaming dalawa sa last night. Sa Manila Memorial ba yun?" banggit niya.

"Nagpunta kami sa last night. Ako ang sumama atsaka si Nicole.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinakita ko sa kanya. Pinakilala ko siya sa buong pamilya.

"Para lang kilala niya yung kalahati niya."

Twelve years old na raw si Nicole.

Nalaman daw ni Nicole from her friends or classmates ang nangyari sa lolo niya.

"Then, sinabi ko na rin. Sinabi ko sa kanya that we’ll visit, we’ll go.

"Nandoon si Joko nang magpunta kami. Nandoon din si Abby, yung wife. It was casual.

"Ano lang yun, bilang respeto kay Tito Kits at siyempre, parang closure na rin for my daughter.

"Kasi, parang wala naman siyang kasalanan.

"Okay naman si Nicole. Happy rin siya na nakilala niya sisters niya.

"May time naman na nagkikita, dumadalaw. Pero yun lang siguro yung time na nakilala niya yung mom, sisters, na may muwang na siya.

"And then, noong time na na-meet niya half-sister niya."

After that meeting, may naging development na ba, like nagkaroon na ba ng constant communication si Nicole sa side ng father niya?

"Wala and I guess...hindi ko alam.

"On our part, we’ve extended our hands.

"Siyempre, parang ayaw mo rin namang ipilit, di ba?

"Para sa akin, yung pagiging open ng pamilya ko, nandoon.

"Hindi ko ipipilit, like I’ve always done," sabi ni Angelu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN