Dingdong Dantes proud of girlfriend Marian Rivera for being the lead actress on Amaya

"Kapag malaking responsibilidad, malaking risk. Pero, ’yon lang ’yon. The rest, I know karamihan ng good factors are on her side," says Dingdong Dantes about girlfriend Marian Rivera leading the cast of GMA-7’s epicserye Amaya.


Manghang-mangha ang aktor na si Dingdong Dantes nang makita niya ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera sa teaser ng epicserye na Amaya.

Kwento pa nga ni Dingdong, "Kinikilabutan ako. Much more noong naabutan ko ’yong news kagabi about ’yong totoong binukot, kung saan talaga sila mahahanap, at dinebelop ang istorya kung saan naging teleserye pa talaga siya."

Kaya naman lubos na ipinagmamalaki ni Dingdong ang kanyang kasintahan dahil sa bagong oportunidad na ito.

"It’s really something big for her kaya natutuwa ako para sa kanya," sabi ni Dingdong nang makapanayam siya ng entertainment press kahapon, Mayo 27, sa press conference ng Men’s Health, kung saan muli siyang naging cover model para sa June issue nito.

Nang tanungin kung nakakaramdam ba si Dingdong ng kaba para kay Marian, pareho niyang sinabi na "Oo at hindi."

Paliwanag niya, "No because I’m confident na aside from just being entertaining, e, sobrang educational din siya.

"And kakaibang break ito because ang tagal na ngang walang epicserye sa GMA-7. parang ’yong gano’ng tipong napanood ko was Encantadia, kung saan ako naman ang nandoon.

"Yes, because siyempre, kapag malaking responsibilidad, malaking risk. Pero, ’yon lang ’yon. The rest, I know karamihan ng good factors are on her side."

PRODUCING A MOVIE WITH MARIAN. Samantala, nabanggit ni Dingdong na kasama rin sa plano niya bilang producer ng pelikula ang makagawa ng proyekto kasama si Marian.

Kasalukuyang nasa planning stage ang pelikulang parehong ipo-produce nila ni Kris Aquino. Ito ay isang horror movie na planong ipalabas sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Ayon kay Dingdong, hindi pa lang magtugma ang mga schedule nila ni Marian kaya hindi pa posible ang planong ito.

"Kasi, ang dami niya ring commitments. So, kung hihintayin ko ’yon, hindi rin gumagalaw ’yong production. But nasa master plan ko ’yon," sabi ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ni Dingdong ay magiging patok sa publiko ang planong ito.

Sinabi pa niya na bukod sa kanyang hilig, dapat isaisip din niya kung ano ang gustong makita ng tao sa pelikula.

Paliwanag ni Dingdong, "Huwag mo lang naman din masyadong gawin kung ano lang ang gusto mong gawin.

"Dapat kapag gumawa ka, alam mo rin kung ano ang gugustuhin ng viewers.

"Ako naman, I always make sure I maintain that balance, na hindi lang sarili ko ang napaliligaya ko kundi pati ang mga manonood. Alam ko ’yan as a director."

Kung sakali ba, susubukan din niya idirek ang kanyang kasintahan sa isang proyekto?

"Hindi ko kaya ’yan," natatawang sagot ni Dingdong.

Patuloy pa niyang sinabi ng pabiro, "Siya pa lang, e, hindi ko alam kung papaano ko siya madi-direct, e. Kasi, baka mag-away pa kami niyan. Alam ko na playful siya, e, seryoso ako."

"Baka kapag akala ko na hindi niya sineseryoso ang sinasabi ko, baka ma-feel bad ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN