Dr. Manny Calayan says his wife, Dra. Pie, is fine in America: "Nag-e-enjoy siya sa pag-aasikaso ng branch namin sa Hollywood."

Matagal na kasing nasa America si Dra. Pie Calayan kaya nagsimulang kumalat ang balitang doon na ito maninirahan. Kumalat rin ang balitang may sakit ito kaya mas minabuti nitong huwag nang bumalik sa Pilipinas upang itago ang pagkakasakit nito.

Pinabulaanan ni Dr. Manny Calayan, ang asawa ni Dra. Pie, ang mga intriga: "Okay na okay siya (Dra. Pie), maayos ang kalagayan niya doon. Hindi kasi siya sanay sa intriga, kaya doon na muna siya, ako mas sanay ako


Pinabulaanan ni Dr. Manny Calayan ang intrigang hindi na babalik dito sa Pilipinas ang kanyang asawa na si Dra. Pie Calayan.

Matagal na kasing nasa America si Dra. Pie kaya nagsimulang kumalat ang balitang doon na ito maninirahan. Kumalat rin ang balitang may sakit si Dra. Pie kaya mas minabuti nitong huwag nang bumalik sa Pilipinas upang itago ang pagkakasakit nito.

Isa rin ito sa mga dahilan kaya mas minabuti ni Dra. Pie na doon mag-stay sa ngayon.

"Okay na okay siya, maayos ang kalagayan niya doon.

"Hindi kasi siya sanay sa intriga, kaya doon na muna siya, ako mas sanay ako sa intriga," ang natatawang sinabi ni Dr. Manny sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon pa sa celebrity beauty doctor...

"Nag-e-enjoy siya sa pag-aasikaso ng branch namin doon sa U.S., sa Hollywood. Kaya ako na lang ang nagpapabalik-balik doon.

"Nag-e-enjoy rin siya sa pagsubaybay sa mga anak namin na doon sa U.S. nag-aaral," pahayag pa ni Dr. Manny sabay-pagbabalitang mataas ang mga grades ng kanilang mga anak doon.

Okay naman sa mag-asawa ang kanilang set-up na dalawang beses sa isang buwan ay pabalik-balik si Dr. Manny sa States. Kailangan din naman daw ni Dra. Pie na maging hands-on sa kanilang Calayan Esthetics Hollywood na nasa Suite 801, Sunset Medical Tower, 9201 Sunset Boulevard, West Hollywood, California.

Samantala, masaya ring ibinalita ni Dr. Manny na ang newest Calayan endorser nila ay si Kuya Kim Atienza.

Ayon kay Dr. Manny...

"Kinuha namin si Kim dahil globally ay kilala siya as a man of knowledge and credibility."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN