Josh Padilla feels the pressure of being the son of Gino Padilla: "I really want to make a good impression. I want to make people happy."

Josh Padilla, who plays the role of Jules in Bagets, says he had no plans of enterting showbiz but hopes to do well.


"I [carry] the name Padilla and I really want to make a good impression. I want to make people happy."

Ito lang daw ang nararamdamang pressure ni Josh Padilla, anak ng singer na si Gino Padilla, nang pasukin niya ang showbiz.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainmenmt Portal) kay Josh, sinabi nitong wala siyang background sa mundo ng showbiz, maliban na lamang sa pagsama niya sa kanyang ama sa mga gigs nito sa industriya.

"Sumasama po ako sa dad ko, [pag] may concerts po siya," aniya.

ENTERING SHOWBIZ. Ang pagsama niya sa kanyang ama sa mga concerts nito ang naging pinto ni Josh para makapasok sa showbiz, partikular na sa palabas na Bagets.

"May sinabi po sila [Boss Vic del Rosario] ’Bring your son naman.’ Tapos sumama lang po ako and then they told me to try out sa [Bagets audition]," ang kwento niya.

At dahil nasa dugo nila ang maging entertainer, nakapasa si Josh at napili na maging isa sa mga bida sa nasabing palabas.

Pinangarap niya ba ang maging artista?

"I never really planned on it po.

"Since it’s something new, I’m excited to do acting po."

Bagaman may talent naman sa pag-arte, aminado si Josh na madami pa siyang dapat matutunan. Katunayan, siya mismo ay may mga puna sa kanyang sarili kapag pinapanood niya ang performance niya sa show na mapapanood sa TV5.

"I just have to improve how I deliver my lines, the way I show my emotions.

"Because I think na, minsan I can’t gauge po if I should exaggerate or medyo pull back a bit..."

Kaya naman ang masasabi niya lang sa kanyang pag-arte, "As of now I can say na it’s not there yet, hindi pa siya nasa level na I want it to be.

"Pero I’m doing my best po to improve myself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang payo ng kanyang ama pagdating sa kanyang performances?

"My dad told me that I should concentrate and do my best and internalize my character."

ON HIS CAREER. Hindi lingid sa lahat na matagal na din sa industriya ang kanyang ama. Kaya naman hindi maiwasang isipin ng iba na kaya siya nakapasok sa showbiz ay dahil dito.

Ang reaksyon niya?

"Hindi naman po," bulalas niya.

"My dad, different industry po siya, music industry po siya,

"I entered a TV show so it’s something different lang."

Sa ngayon, focused si Josh sa kanyang showbiz career at pag-aaral.

Siya ay 3rd year college na sa Ateneo de Manila University at kumukuha ng kursong Communication Technology Management.

Bagaman busy sa kanyang mga taping, pagpapatuloy pa din daw ni Josh ang kanyang pag-aaral.

"I have no plans po of stopping [school].

"Kahit mahirap po ngayon, balancing my time for studies and for taping. I’m doing my best to manage my time as much as I can po.

"I just hope to do well in the series. I’ll do my best and hope something will happen in the future," ani Josh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN