Susan Roces enjoys being a senior citizen: "It’s what I’m being paid for right now—my being old."

"I’m happy with the way I am, including the lines, wrinkles, and my fats!" declares movie queen Susan Roces.


Ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces ay nagkaroon ng bagong image at bagong pangalan sa mga sumusubaybay ng kauna-unahang primetime series ng TV5, ang Babaeng Hampaslupa.

Ginagampanan niya rito si Helena See, isang babaeng palaban.

Ayon kay Ms. Susan, ang character niya bilang Helena See ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang Babaeng Hampaslupa.

Hindi rin daw ini-expect ng veteran actress na magtatagal at mae-extend ang serye nila.

"Wala akong inasahan na kahit ano noong sinumulan ang proyekto.

"Ang sabi ko, ang tututukan ko, yung role ko.

"Hindi ko naman alam kung ano ang mangyayari sa character at sa mga kasamahan ko.

"Ang aware lang ako, tatlong henerasyon kami—ako ang pinakamatanda, si Alice [Dixson], at saka si Alex [Gonzaga].

"So, alam ko na launching project ito ni Alex sa Channel 5.

"I became aware ng mga fellow actors ko noong nagkaroon kami ng story conference.

"Nevertheless, hindi ko rin alam kasi wala pa sa akin ang script. Hindi ko alam kung ano ang mga interaction namin.

"Basta ang alam ko, magkalaban kami nang mortal ni George, yung character ni Freddie Webb.

"Kung bakit, hindi ko rin alam," saad ni Ms. Susan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Babaeng Hampaslupa last week sa Malabon.


MEMORABLE CHARACTER. Masasabi raw ngayon ni Ms. Susan na isa sa pinaka-memorable characters na ginawa niya ang role niya ngayon sa Babaeng Hampaslupa.

"Now I can say that," sabi niya.

"At that time, hindi ko pa alam. I didn’t want to expect much.

"Basta ang alam ko, ang requirement sa akin, mayaman ako, kailangan naka-makeup ako, nakabihis, nakaayos.

"Unlike my past telenovelas, mahirap ako, nilalagyan ng puti ang buhok ko.

"Although I’m a senior already, pinatatanda nila ako nang mas higit sa edad ko. Kaya nakakapanibago itong role na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ang requirement ko lang na sinabi sa kanila, ang ipinaglalaban ko, kahit tumanda ang tao, hindi naggi-give up.

"So, nadaragdagan lang ang edad mo, pero yung interest mo sa mga bagay-bagay, maaaring nagbago, maaaring mas may kabuluhan. Hindi ka gaanong takot.

"Hindi kagaya pag bata ka. Medyo nag-iisip ka pa, ’Naku, baka mali ito, masira ang future ko.’

"E, ito na yung future ng matanda, e!" natawa niyang sabi.

Ayon pa sa movie queen, marami silang pagkakahalintulad ng karakter niya sa Babaeng Hampaslupa na si Helena See.

"Ako si Helena See sa totoong buhay dahil ang tunay kong Anastasia or Diana [Alice Dixson’s character] ay si Mary Grace [MTRCB chief Poe-Llamanzares].

"Ang tunay kong Andrew [Martin Escudero’s character] ay si Joseph at si Jeffrey [her grandsons].

"So, nasa real-estate rin ako in real life.

"Helena See speaks up her mind. Susan Roces does the same at present.

"I like Helena. I like Helena because totoong tao siya."

Dugtong pa ni Ms. Susan, "Na-inspire kaming lahat, I speak in behalf of my fellow actors.

"Lahat naman kami, masaya sa mga assigned roles namin kasi alam namin nag-e-effort ang nag-conceptualize na mabigyan kami ng kanya-kanyang moment.

"So, there are no small roles. May shining moment ang bawat isang character.

"Siguro yung iba, lengthwise, mas mahaba ang appearance nila, pero lahat kami, nabigyan ng pagkakataon."

Ayon pa kay Susan, magaan ang atmosphere sa kanilang set at nagbibigayan lahat at walang pataasan ng ere.

NEXT PROJECT. May balita na kahit matagal pa bago matapos ang Babaeng Hampaslupa ay meron na raw agad na kasunod na project si Ms. Susan sa TV5.

"Basta ba maganda, e, di ba?" sambit niya.

Posible kayang ang next project niya ay sa Kapatid network pa rin?

"Sana," nakangiti niyang sagot.

Nilinaw rin ni Susan ang balitang nagkakaproblema siya sa oras kapag gumagawa ng mga soap opera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong ginawa ko yung mga telenovela na yun, wala pa akong experience sa paggawa ng mga telenovela.

"Movies lang ang nakasanayan ko. Hindi ko alam ang mga terms na ginagamit nila sa telebisyon.

"So, maraming adjustment. Hindi ko alam ang mga term na ’baklas’, ’lipat’, yung mga ganoon. Yung mga ’break down’.

"So, nangangapa pa ako. Pero masaya rin.

"May magaganda rin alaala sa mga nagawa ko noon sa Iisa Pa Lamang, Patayin sa Sindak, at yung Sana Ngayong Pasko."

Dahil sa mga binanggit niyang projects, it reminded the entertainment press na nakaikot na pala siya sa tatlong networks—ABS-CBN, TV5, and GMA-7.

"Well, that’s the privilege of senior citizen!" natatawa niyang sabi.

"Kasi, kung senior citizen ka, hindi naman puwedeng ikontrata ka dahil hindi naman lahat ng project requires a senior in the cast."

Ang request lang daw niya sa oras, hanggang 12 midnight lang. Although, kapag ay kailangan nag-a-adjust din daw siya.

"Hindi naman ako Cinderella. Artista rin tayo, producer rin tayo.

"Alam din natin kung bitin ang isang eksena or may aalis, kailangan tapusin ang lahat ng eksena involved.

"So, we have to finish all the scenes na kasama sila."

BEAUTY SECRET. Kung tutuusin, marami sa mga kabataang artista ngayon ang gumagawa ang lahat ng paraan para hindi maging madali ang pagtanda physically. But with Ms. Susan, she has aged gracefully.

May nangahas namang nagtanong sa movie queen kung meron na siyang ipinaayos sa kanyang mukha.

"Wala," mabilis niyang sagot.

"I have nothing against modern ways, procedures of preserving your youth.

"However, I intend to keep mine as it is because it’s what I’m being paid for right now—my being old.

"Otherwise, I will not be credible in the roles I portray.

"So, I’m happy with the way I am, including the lines, wrinkles, and my fats!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pang movie queen na si Ms. Gloria Romero ay nagsabi nang magre-retire na siya sa showbiz pagdating niya sa edad na 80.

Si Ms. Susan kaya ay may sine-set ding retirement age niya sa showbiz?

"Hindi ko alam. Mahirap magsalita. Ang tagal ko nang nag-retire.

"Sabi ko, kapag nag-asawa ko, magre-retire ako. Pero semi-retired ako. Bumalik din ako.

"E, papaano kung gusto ko pang lumabas na lola at age 100?" biro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN