Martin Escudero says his decision to move to TV5 was worth the risk

Martin Escudero plays Martin in TV5’s primetime series, Babaeng Hampaslupa, where he pits acting talents with Ms. Susan Roces and Alice Dixson.


Hindi in-expect ni Martin Escudero na ang unang show na gagawin niya sa TV5, ang Babaeng Hampaslupa, ay mag-e-extend ng higit pa sa isang season at susubaybayan ng marami.

"Hindi talaga ako nag-expect, although siyempre, lahat talaga kami umaasa na magiging malakas ang show, which is nangyari talaga," sabi ng young actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa taping ng Babaeng Hampaslupa sa Malabon last week.

Worth the risk daw ang naging desisyon niya ng paglipat ng network dahil sa nakita niyang pagtangkilik ng tao sa una niyang show sa Kapatid network.

Si Martin ay produkto ng artista search ng GMA-7 na StarStruck Batch 4, pero noong isang taon ay lumipat siya ng TV5.

"Higit pa sa inaasahan namin ang kinalabasan ng show," patuloy niya. "Triple ang ibinigay sa amin."

CHANGES. Marami rin daw nabago sa kanya ang Babaeng Hampaslupa.

"Unang-una, sa pananamit ko, nabago lahat.

"Hindi naman talaga ako nagsusuot ng mga ganito. Pang-matanda ko na nga ang polo shirt.

"E, dito, palagi akong naka-suit, naka-long sleeve.

"Isa na yun sa talagang nabago sa akin."

Pamilya na rin daw ang turing niya sa palaging mga kaeksena niya na sina Ms. Susan Roces at Alice Dixson.

"Kami yung taga-ubos ng baon nila!" tawa ni Martin.

"Sobrang magaan katrabaho. May mga ibang eksena na tinuturuan nila ako."

Pagdating naman sa kapareha niyang si Alex Gonzaga, umamin si Martin na noong una raw ay naiilang siya rito.

"Pero ngayon, okay na, close na," sabi niya.

"Palabiro pa rin siya.

"Kasi si Alex, di ba, malakas ang personality niya?

"Tapos noon, close sila ni Alwyn Uytingco.

"Pero ngayon, wala ng ganoon.

"Mas palagay na ang loob ko."

ALWYN UYTINGCO. Si Alwyn ang boyfriend ng ex-girlfriend ni Martin na si Jennica Garcia. Magkasama ngayon ang dalawang young actors sa Babaeng Hampaslupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman silang dalawa?

"Okay naman," sabi ni Martin.

"Magkasama nga kami sa Cebu kahapon for the promo.

"At saka, wala namang naging problema sa amin ni Alwyn. Professional naman kami pareho.

"Tinatawanan na lang namin yun."

Was there a time na napag-usapan nila si Jennica?

"Wala...wala. Alam na naming dalawa yun," sabi niya.

On the other hand, single raw siya at wala pa rin girlfriend.

"Wala, promise," nakangiti niyang sabi.

"Hindi rin ako nanliligaw.

"Medyo busy pa kasi tayo rito.

"Alam n’yo naman seryoso tayo sa trabaho natin at ayoko rin naman na may makagulo sa trabaho ko. Hanggang matapos muna ’to.

"Medyo makakapagpahinga na tayo ng konti at may oras na tayo para sa sarili."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN